Jake Cuenca maintains innocence in Anne Curtis slapping, drunken incident: "I didn’t see anything."

Inamin ni Jake Cuenca na na-bad trip siya sa balitang ang pambubulabog diumano nila ni John Lloyd Cruz sa comfort room ang dahilan ng labis na ikinagalit ni Anne Curtis. Patuloy ring itinatanggi ng aktor na may alam siya sa bar incident na nangyari noong madaling-araw ng November 23.


Mas bukas na ngayon ang aktor na si Jake Cuenca na pag-usapan ang tunay niyang damdamin sa pagkakasangkot ng kanyang pangalan sa pananampal at paninigaw ni Anne Curtis sa Privé Luxury Club noong madaling-araw ng November 23.

Read: PEP EXCLUSIVE Anne Curtis survives embarrassing night out with friends; says sorry and is forgiven, all on the same day

Matatandaang noong December 3 ay nagpahayag ng kanyang saloobin si Jake sa Twitter, tungkol sa nailathala sa isang gossip website na ginawan diumano nila ni John Lloyd Cruz ng prank o masamang biro si Anne, na siyang naging dahilan sa pagwawala ng aktres.

Sabi ni Jake sa kanyang tweet (published as is): “Um haters im a little bit to old to be pulling pranks on anyone and if you know me thats not my style. Get your facts straight guys.”

Read: Jake Cuenca denies pulling prank on Anne Curtis: "I’m a little bit too old to be pulling pranks."



"I DIDN’T SEE ANYTHING." Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang online news websites si Jake sa taping ng ABS-CBN primetime series na Maria Mercedes, sa Eastwood Police Station, Libis, Quezon City, ngayong araw, December 12.

Sabi ng Kapamilya actor, nabababawan siya sa isyung ito.

“Honestly, both of them [Anne and John Lloyd] are my friends.

"Ako, na-bad trip lang ako kasi, di ba, it was blown out of proportion, when it came to my part.

"And at the same time, I don’t wanna say too much kasi everyone is reacting too much about it.

“In all honesty, nababawan ako, kasi parang…

"Kung naayos nga nila, e... di ba, they fixed it in a matter of hours?”

Himutok pa ni Jake, “And I don’t understand why everyone is so affected by it.

"For in reality, importante naman dun, okay lahat ng parties.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At the same time, I can’t really add ’coz I didn’t see anything.

"And, you know, if I was there, I would suffer the consequences and I wouldn’t mind.

“I mean, it was hard for me at first because they’re making me suffer consequences na wala naman talaga akong nakita… I didn’t see anything.

"In fact, when Anne apologized to me, I…

"You know, I even told her, ’I wasn’t even able to say hi to you.’

"And then people are thinking it’s [Privé] a small place—it’s a big place.

“And it just so happened na parang… nagkataon na John Lloyd was there, Anne was there, I was there.

"But it didn’t really mean na magkakabarkada kami, na magkakasama kami dun.

"We all have separate friends."



PISSED OFF AT BLOGGER. Giit pa ni Jake, hindi talaga sila magkasama noon nina John Lloyd at Anne—na gaya niya ay talents din ng ABS-CBN.

“No, I had different friends.

"Pero I had common friends with JL, I had common friends with Anne, so I would go, say hello to them, and ano…

"Yun na nga, I wasn’t able to… I didn’t see Anne.

"Di ko nga alam, e. Kaya nung pag-akyat ko, nagulat na lang ako, ‘O, sa’n nagpunta lahat ng tao?’

“And apparently, that happened," pagtukoy niya sa pananampal at paninigaw ni Anne.

Patuloy ni Jake, "Kumbaga, paano nalaman ng tao, paano ko din nalaman? Kuwento lang.

"So, I’m not entitled to have an opinion on this. I didn’t see anything.”

THE PRANK. Sari-saring kuwento na ang naisulat tungkol sa naturang insidente sa Privé.

Kabilang na nga rito ang diumano’y pambubulabog nila ni John Lloyd sa pinto ng comfort room habang nasa loob nito si Anne, na dahilan daw ng pagkagalit ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ayaw nang patulan ni Jake ang naturang balita.

Medyo iritable niyang sagot: “You know, honestly, my Twitter, my Instagram… I usually... I’m very positive with everything.

“And for me to really get pissed off, and for me to tweet and Instagram stuff, and get pissed off at a certain blogger-reporter type—sorry, it’s not true.”

Ayon pa kay Jake, bago pa pumutok ang isyu ay nakausap na niya ang Star Magic—ang talent arm ng ABS-CBN na namamahala sa career ng aktor.

Saad niya, “Actually, the day before pa lang, tumawag na sa akin ang management ko.

“Kampante ako, I said, ‘I don’t know what they gonna say about me, kasi wala naman na talaga ako dun.’

“And even if you ask anyone there, and there were like—really, maybe a hundred people there who might have seen the incident and everything—wala talaga ako dun.

"I wasn’t there, di ba?"



WHY DID ANNE APOLOGIZE? Patuloy ni Jake, “You know, in all fairness to Anne, I really appreciate the text that she sent.

"Even her friends didn’t see me, so I’m not entitled to say anything.

“And both [John Lloyd and Anne] are my friends, e, so sorry, ha...

"I mean, even if I did see anything, I don’t know if I will ever say anything, kasi pareho silang kaibigan ko.

"Anne, I have worked with her so many times.

"And JL, I look up to him as an actor.

“So, I’d rather just stay out of it.

"But in all honesty, wala rin akong masasabi, wala rin akong nakita.”

Kuwento pa ni Jake, “Anne kasi had a bachelorette party, so people going there to the bathroom...

"I was there… outside. I was outside.

“And according to everyone, it happened in a matter of seconds.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And when the time I came in, wala nang tao.”

Lasing na rin ba siya nung nangyari ang insidente?

Tugon ni Jake, “Me? I just got there. I came from work.”

Tanong ng PEP kay Jake, bakit humingi ng paumanhin si Anne sa kanya kung hindi naman siya sangkot sa insidente?

Paliwanag niya, “Nadamay ako, e, she saw my tweets.

"Nakita niya yung mga tweet ko, na parang, ‘Don’t you know, I don’t wanna suffer consequences for something I didn’t do.’”

Ayon pa kay Jake, nagsasabi siya ng totoo tuwing may kinakaharap siyang isyu.

“Kilala naman ako ng tao e, I’ve been… you know, I’ve been through so many issues, scandals, and controversies.

"You know, the ten years I’ve been doing this, I never denied anything, di ba?

"I’ve always owned up to my mistakes.

"But I’m not gonna own up to something that I wasn’t part of."



NO DIRECTIVE TO KEEP QUIET. Sinabi pa ni Jake na walang problema sa pagitan nila nina John Lloyd at Anne.

“Pero sa akin, right now, siguro ngayon lang ako nakapagsalita, kasi I’ve been doing a lot of things.

"For me, it’s nothing really, e.

"Important thing is okay kami ni Anne, okay kami ni JL.

“My conscience is really clean… clear.

"And again, I just took up a few many hours of, you know, absorbing everything nung isinusulat... lahat yun.

"The next day, I have to go back to work, so I have to forget all about that issue.”

May pahiwatig o pakiusap ba ang management niya na huwag nang ikuwento ang totoong nangyari o dapat manahimik na lang siya?

“Wala, wala," tanggi ni Jake.

“Tinawagan ako ni Tita Mariole [Alberto, Star Magic head], asking me what happened.

"Sinabi ko naman talaga na kung ano yung nakarating sa inyo, ganun yung nakarating sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kumbaga, live feed ako.

“Parang nangyari yung nangyari, tapos ikinuwento lang sa akin agad, but that’s it.

"Wala, no briefing.

"Tsaka ako, wala naman akong kailangang pagtakpan, e, honestly.”

Inusisa rin ng PEP kung ano ang masasabi niya sa tinuran diumano ni Anne na mga salita kay Phoemela Baranda: "I can buy you, your friends, and this club!"

Sagot ni Jake, “Honestly, ako, when I heard about it... I don’t know, wala ako dun.

“I didn’t hear it, and Anne is my friend...

"Ito na lang. When I did my projects with Anne, it was hard for me to believe.

"Kasi, Anne is one of the nicest people I know.

“Tsaka bukod dun, I never thought Anne had an ego.

"So, para sa akin, ang hirap paniwalaan.

"But again, I wasn’t there."

Dagdag niya, "Ako, kaibigan ko sila.

“Like I said, they’re really good friends of mine.

"I mean, things like this happen in bars, so it’s hard to judge people…

"Mahirap lang kasi siguro maging artista, you live under a microscope, and everything is blown out of proportion as well.

“But I think everyone naman, once in your life, you’ve been in a bar, you know, and embarrassed yourself.

"You have to experience that and just learn from it."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN