Investigative report questions possible negligence of Tacloban City Mayor Alfred Romualdez; says political agenda behind tiff with DILG Secretary Mar Roxas

“The fact is, almost every move of these officials has political calculation behind it. This is true not just of this country but of every nation. To deny it is to bury our heads in the sand and to fail to understand how things work,” says investigative reporter Raissa Robles in her blog post dated November 23 about the ongoing feud between DILG Secretary Mar Roxas (left) and Tacloban City Mayor Alfred Romualdez (right).


Aminin man o hindi, political differences ang pinag-ugatan ng iringan sa pagitan nina Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas at Tacloban City Mayor Alfred Romualdez.

Ngayong linggo, mas lumaki ang hidwaan sa pagitan ng dalawa matapos kumalat ang video ng kanilang pag-uusap tungkol sa dapat gawing crisis management sa Tacloban, pagkatapos manalasa sa naturang bayan ang super-typhoon Yolanda.

Kung susuriing mabuti ang mas mahabang bersiyon ng video, na tumagal ng 42 minutes at 56 seconds, malinaw na hindi magkasundo sina Roxas at Romualdez sa kanilang pagpupulong.


ROMUALDEZ SIDE. Sa parte ni Romualdez, humihingi siya ng tulong mula sa national government dahil aminado siyang hindi kaya ng city government ng Tacloban ang paghakot ng mga namatay na biktima ng bagyong Yolanda.

Sinabi rin ng alkalde na kulang ang kapulisan sa kanilang bayan, dahil 25 out of 300 na lamang ang natira sa mga sundalong na-deploy sa Tacloban, pagkatapos tumama ang bagyong Yolanda.

Nabanggit din niya ang problema sa transportasyon para sa pamamahagi ng anumang emergency aid sa bayan ng Tacloban, na ayon sa 2010 census ay tinatayong aabot sa 221,174 katao ang populasyon.

Sa kabilang banda, may kakayahan pa rin daw siyang makipag-ugnayan sa mga barangay chairman, na siyang tutulong magsagawa ng relief at rehabilitation efforts.




ROXAS SIDE. Sa parte naman ni Roxas, idiniin niya na kailangang i-legalize ang paghingi ng tulong ng city government ng Tacloban mula sa national government.

Ito ay bilang respeto na rin daw kay Romualdez, dahil bilang pinuno ng Tacloban ay nakasaad sa batas na siya ang itinuturing na first responder sa lugar kapag panahon ng sakuna.

Sa puntong ito, direktang sinabi ni Roxas na nais ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na maging malinaw ang usapan pagdating sa functions ng national government.

Ito ay upang maiwasan daw ang negatibong espekulasyon kung bakit kailangang mag-“takeover” ng national government, kaugnay ng mga hinihinging tulong ng Tacloban City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tila ito ang dahilan kung bakit iginiit ni Secretary Roxas kay Mayor Romualdez na: “You are a Romualdez and the President is an Aquino...”

Hindi raw kasi malayong mabigyan ng kulay ang anumang hakbang na gagawin ng Pangulo, lalo pa’t kilalang magkalaban sa pulitika ang pamilya Aquino at pamilya Romualdez.




BASIC ARGUMENTS BETWEEN THE TWO. Kinuwestiyon naman ni Romualdez kung bakit kailangan pa niyang magpasa ng resolution o di kaya’y magsumite ng pormal na liham, gayong bilang Presidente ay may kakayahan si PNoy magbigay ng tulong sa Tacloban mula sa national government.

Upang maging malinaw ang usapan, nais kasi ni Roxas na sabihin ni Romualdez sa naturang liham na “please take over these functions that we are unable to deliver.”

Base na rin sa kumalat na video, halatang nagkaroon ng tensiyon sa pagitan nina Roxas at Romualdez habang pinagdidiskusyunan nila ang mga bagay na ito.

Sa huli, bagamat pareho nilang inilatag ang kani-kanilang posisyon tungkol sa isyu, walang malinaw na kasunduan sina Romualdez at Roxas pagdating sa kung sino ang kikilalaning awtoridad sa paghawak ng krisis sa Tacloban.


INVESTIGATIVE REPORT. Bago pa man naging viral ang videos ng mainit na pag-uusap nina Mayor Romualdez at Secretary Roxas, hinimay ng investigative reporter na si Raissa Robles sa kanyang blog site ang pinag-ugatan ng hidwaan ng dalawang opisyales.

Ipinaliwanag ni Raissa na ang abugado ni Mayor Romualdez na si Atty. Alex Avisado ang unang nagbunyag tungkol sa diumano’y hindi pagtugon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDDRMC).

Ito raw ay nang humiling alkalde na magpadala ng “two Marine battalions” at “200 policemen” upang mapanatili ang peace and order sa lungsod.

Ayon pa kay Atty. Avisado, hindi rin natugunan ang request ni Mayor Romualdez para sa mga truck na gagamitin sa rescue and relief operations, at pati na rin sa paghahakot ng mga nasawi dahil sa bagyong Yolanda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inilakip din ni Raissa sa kanyang blog ang mismong Facebook post ni Atty. Avisado kung saan makikita ang reklamo ng abugado ni Mayor Romualdez sa kakulangan ng aksyon ni DILG Secretary Roxas.

Sa kasalukuyan, burado na ito sa kumpirmadong Facebook account ng abugado. Narito ang naging post ni Atty Avisado:

“All relief goods arriving at the airport and seaport are now being controlled by the National Govt.

“To add insult to injury, the DILG Sec wants the Mayor of Tacloban to write a formal letter to the PNOY supposedly to inform him that he could no longer function as Mayor thereby surrendering authority to the DILG Sec.

“He wants the letter soon so PNOY can make the announcement and perhaps justify the government’s slow and stupid response to this disaster and lay the blame on the Mayor.

"The International Community is fully aware of the deplorable conditions in Tacloban but the National Govt is still in denial,” saad ni Atty. Avisado sa kanyang Facebook post noong November 15.

Sinubukan ni Raissa na makapanayam si Atty. Avisado upang klaruhin ang nais ipahiwatig ng abugado sa kanyang Facebook post, ngunit tumanggi raw ito.

AFP QUICK RESPONSE. Bunsod nito, siniyasat ni Raissa ang website ng Armed Forces of the Philippines (AFP), kung saan matatagpuan ang mga ulat ng ginagawa nitong rescue and relief operations sa Tacloban City.

Ito ang mga detalyeng nakalap ng journalist mula sa naturang website:

Noong November 9—isang araw pagkatapos manalasa ni Yolanda—nagpadala ang AFP sa Tacloban ng dalawang C-130 aircraft na may lamang 12,000 pounds of relief goods, power generators, isang medical team, at isang crisis action team.

Noong November 10, inilipad ng AFP sa Tacloban ang 100 na sundalo, communication systems, technicians mula sa Smart Communications, 3 United Nations personnel, 22 foreign medical volunteers mula sa Mammoth Medical Mission, at isang air traffic controller mula sa Air Traffic Organization.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong November 11, inulat ng AFP na mayroong 300 military engineers at Special Forces troops na nagsasagawa ng road clearing sa Tacloban mula noong nagdaang araw.

Bukod dito ay nakatakda raw magpadala ang AFP ng 700 pang militar sa naturang bayan.

Nakapagpadala na rin daw ang AFP ng 11 M35 trucks na tutulong sa emergency aid operations.

Taliwas ito sa pahayag ni Mayor Romualdez sa panayam sa kanya ni Jessica Soho sa GMA news program 24 Oras noong November 14.

Sabi ni Romualdez sa news program: “Ang hinihingi ko lang sa national government, katulad niyan, yung mga kapulisan namin dito, out of 300, marami rin ang nadisgrasya, marami rin ang [garbled] and hinihingi na lang sana kung puwede i-augment na lang ang forces namin dito.”


MAYOR ROMUALDEZ’S NEGLIGENCE? Makailang beses na ring naiulat ang hinaing ni Romualdez na ang kakulangan ng impormasyon tungkol sa “storm surge” ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi inasahan ng mga Taclobanon ang matinding hagupit ng bagyong Yolanda noong November 8.

Maging siya raw at ang kanyang pamilya ay muntik ring nasawi dahil sa hindi inaasahang tindi ng pagbaha ng tubig mula sa dagat, na nagresulta sa ilang libong nasawing buhay at malawakang pagkasira ng mga imprastraktura sa kanilang bayan.

Ngunit taliwas ito sa pagsisiyasat ng investigative reporter.

Sabi ni Raissa, matatagpuan sa mismong website ng Tacloban ang anunsiyo tungkol sa pagsasatupad ng lokal na pamahalaan na “preemptive evacuation” ng 1,000 residente, kaugnay ng padating ng “super typhoon” Yolanda.

Bukod dito, dalawang araw bago ang bagyong Yolanda ay naibalita na sa TV networks, mga pahayagan, at websites ang weather warnings mula sa PAG-ASA na nagsasabing inaasahan ang matinding bagyo sa Eastern Visayas, partikular na sa Samar at Leyte.

Sabi ni GMA News resident meteorologist Nathaniel Cruz sa kanyang weather forecast na nailathala sa GMA News online, noong November 6:

“Lubhang mapaminsala ang dala nitong hangin at ulan na maaaring magpabuwal sa maraming puno at sumira sa maraming bahay at gusali. Malaking pinsala rin ang pwedeng idulot nito sa supply ng kuryente at komunikasyon”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinuwestiyon ni Raissa kung bakit, sa kabila nito, mismong si Mayor Romualdez ay hindi handa sa nangyaring pananalasa ng bagyong Yolanda.

Tila ipinagsawalang-bahala umano ng alkalde ng Tacloban ang mga nauna nang naiulat tungkol sa nakabadyang panganib na dala ng super typhoon, na pinangalanang Haiyan sa labas ng bansa.

Patunay raw nito ang pahayag ni Mayor Romualdez sa isang ulat na nailathala ng Philippine Daily Inquirer noong November 18: “The weather was beautiful before that [Yolanda] came in. So you ask yourself what causes some typhoons to form because out of nowhere this came in.”

Dagdag pa ni Raissa, “One of the sources I talked to noted that residents often take their cue from their mayor.

"If the mayor does not seem to be that worried about a storm, then they should not worry that much as well.”

Binigyang-diin din ng investigative reporter na malaki ang responsibilidad ni Mayor Romualdez na maging maagap sa pagresponde sa tuwing may sakuna sa pinamumunuan niyang bayan.

Ito ay alinsunod sa probisyon ng Republic Act 760—o an Act Creating The City of Tacloban—kung saan nakasaad na ang mayor ang "man in charge before disasters strike and the first responder after such calamities."


DEBATE ABOUT THE LETTER. Naging matigas umano si Romualdez sa pagtanggi nitong magpasa ng resolusyon upang maipatupad ang hinihiling naman nitong curfew sa Tacloban, noong kasagsagan ng kawalan ng peace and order sa lugar.

Ngunit ayon kay Raissa, dapat ginawa ito ni Mayor Romualdez.

Saad nito sa kanyang blog, “The procedure for imposing a curfew in a highly urbanized city is, first, the city council has to approve such a resolution. No such resolution was ever reported in the media."

Hinggil naman sa kagustuhan ni DILG Secretary Roxas na gawing legal ang mga ilulunsad na emergency aid ng national government sa Tacloban, ito ang sinabi ng investigative reporter:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Even in such an extraordinary time, the presidential palace felt it needed legal cover to do these, especially given the tension between the two camps.

“In addition, the Philippines is a very legalistic country and critics of the President would be quick to pounce on any perceived abuse of authority...

"After Sec. Mar—acting on behalf of the NDRRMC—failed to get the city council resolution, the national government under PNoy went ahead, sent soldiers and policemen and directed them to implement a curfew. Mayor Alfred was bypassed.”


POLITICAL IMPLICATIONS. Ayon pa kay Raissa Robles, hindi maitatangging may bahid ng pamumulitika ang motibo ng mga government officials, tulad nina Roxas at Mayor Romualdez, kaugnay ng pagnanais nilang maitayo muli ang bayan ng Tacloban.

Si Mayor Romualdez ay pinsan ni Senator Bongbong Romualdez Marcos, na inaasahan umanong kakandidato sa pagka-Presidente sa 2016 elections.

Habang si Roxas, na kaalyado ni PNoy, ay inaasahan umanong tatakbo rin sa pagka-Pangulo ng bansa.

Sabi ni Raissa, “If people perceive that the national government ignored Tacloban in its hour of great need because it is a Marcos-Romualdez stronghold, then PNoy and Secretary Mar will both lose a lot of credibility.

“It could turn PNoy into a lame duck president, something he has managed to avoid so far because of his moderately-high, record-setting credibility rating mid-way through his six-year term.”

Sa kabilang banda, nanganganib ding humina ang puwersa ng pamilya Marcos at Romualdez sa Tacloban kapag napatunayang hindi nagampanan ni Mayor Romualdez ang responsibilidad niyang punuan ang pangangailangan ng kanyang constituents.

“The fact is, almost every move of these officials has political calculation behind it.

"This is true not just of this country but of every nation.

"To deny it is to bury our heads in the sand and to fail to understand how things work,” saad pa ni Raissa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa maiksing profile ni Raissa, na matatagpuan sa kanyang blog site na www.raissarobles.com, kasalukuyan siyang nagtatrabaho bilang Manila correspondent ng South China Morning Post na nakabase sa Hong Kong at isa ring contributor sa blog section ng ABS-CBN News Online.

Ngunit nilinaw ni Raissa na ang personal niyang opinyon sa kanyang blog ay walang kaugnayan sa kanyang mga pinagsisilbihang kumpanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN