Derek Ramsay admits to entertaining thoughts about quitting showbiz

Napagtanto raw ni Derek Ramsay at ng kanyang ex-girlfriend na si Cristine Reyes na mas maganda kung manatili na lang silang magkaibigan. Saad ng aktor, "We’ve realized that our friendship is more important. And we don’t wanna risk it. That’s why we made a decision na we’re friends. And the great thing is, wala, hindi naapektuhan ang friendship."


Aminado si Derek Ramsay na nasa punto na siya ng kanyang buhay kung saan gusto na niyang magkaroon ng sariling pamilya.

Pahayag niya, “Matanda na ako, so I’m at the point of my life when I’m wondering where my career is going to go, where my next chapter in my life...

"As you saw on my birthday, I celebrated with all those children in Palawan.

"And being in Palawan, it’s just fulfilling.

“I think I’ve been doing a lot of thinking with my family na, ’What kaya my next chapter in my life?’

"Tomorrow, I will be shooting a commercial with children and two of my nephews are there.

"I can’t say what commercial it is, but we shot the print ads last week... eight kids yata ang kasama ko.

"It was a lot of hard word, but it’s a lot of fun.”

Handa na ba siyang maging ama?

“I guess, yeah, I’ve always been,” sagot ng aktor.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Derek sa taping ng TV5 primetime series na For Love Or Money, noong December 11, Miyerkules, sa North Greenhills, San Juan City.



CRISTINE REYES. Kung handa nang maging ama si Derek, ang una muna dapat niyang hanapin ay ang babaeng magiging ina ng kanyang anak.

Natatawang sabi ni Derek tungkol dito, “Pass muna tayo, relax muna tayo diyan.

"Kakagaling lang natin sa ano [breakup], relax muna tayo diyan!”

Ibig sabihin, wala talaga siyang lovelife ngayon?

Tugon niya, “I’m a loving guy, I give a lot of love.

“It’s Christmas, family and self ang priorities ko.”

Nabanggit ng ex-girlfriend ni Derek na si Cristine Reyes sa isang panayam na isang dahilan kung bakit natapos agad ang kanilang relasyon ni Derek ay hindi pa siya handa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong ng PEP si Derek, kung nagkataon bang handa na si Cristine sa relasyon nila, posibleng ang aktres na ang makatuluyan niya?

Sagot ni Derek, “You know, Cristine and I have realized that what we have is really friendship.

"Maybe we were caught up with everybody pushing us together—we’re both single, we’re very close.

"We’re friends and, like I’ve said, friendship is a good foundation in any relationship—and there’s got to be something else there.

"But for us, we’ve realized that our friendship is more important.

“And we don’t wanna risk it.

“That’s why we made a decision na we’re friends.

"And the great thing is, wala, hindi naapektuhan ang friendship.

"We’re back to normal. Back to kulitan namin.

"Nagkita kami sa storycon ng pelikula. Yung mga tao nga na nakakakilala sa amin, ’It’s really nice to see the two of you back.’"

Hanggang pagiging magkaibigan na lang ba talaga sila ni Cristine?

“Yes, friendship,” sagot ni Derek.



WHAT’S AFTER FOREVER? Noong sila pa ni Cristine, may sinabi si Derek na "forever" na ang kanilang relasyon.

Ngunit pagkalipas lamang ng isang buwan ay naghiwalay sila.

Ngayon ba, naniniwala pa rin si Derek sa "forever"?

Nakangiti niyang tugon, “Of course, of course. It will happen... it will happen."

Sabi pa niya, “Guys, ang tagal niyo na akong kilala, I’m a sucker for love.

"I’ve made mistakes, but you can’t give up on it, right?

"It will happen."

Posible kayang may kaibahan kung hindi artista o galing sa showbiz ang girlfriend niya?

Sagot ng Kapatid star, “Yeah, I think so.

“It’s a lot more work when both of you are in showbiz, lots of pressure.”

Nagulat naman ang press na kausap ni Derek sa sumunod niyang pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Malay niyo, ako na ang umalis sa showbiz!

“Well, I’m entertaining the thought of maybe trying something else... I don’t know."

Bakit may mga ganoon na siyang kaisipan ngayon? Malungkot ba siya ngayon?

Saad niya, “Hindi ako lonely, hindi ako lonely.

"I’m a very, very happy man.

"Ang kapal ng mukha ko if I’m not happy!

"I’m a very, very happy man.

"With all these blessings since I moved to TV5, they’ve given me so much.

"And when I was in ABS, they gave me so much more.

“There’s a big part of why I’m Derek Ramsay, so ang kapal ng mukha ko not to be happy with my life.”

Pero bakit naiisip niyang umalis na sa showbiz?

Paliwanag ni Derek, “I guess, all of us, we’re thinking of what changes we have to make in our life.

"I’m not saying I’m gonna do it.

"I just entertain the thought of maybe doing something else.

"Maybe because I see my dad and how happy he is with our project that he’s doing in Palawan... He’s 70, my mom’s 70.

"In this industry, I don’t get to see them much... knock on wood, they are both very healthy.

“Pero ang tatay ko, nanay ko, natutulog sa isang kubo na gawa ng katutubo dun.

"Pumu-poopsie sa isang butas lang... we’re building a house there, maliit lang na bahay.

“My parents, they are retired.

"I guess, they just want to breathe fresh air. Di ba nga, sa Tagaytay nga sila nakatira?

"So, now, they want to go even further."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN