Derek Ramsay flattered to be doing daring and sexy scenes with "vavavoom" leading ladies

Derek Ramsay is wowed when told that Alice Dixson agreed to don a bikini and do intimate scenes in For Love Or Money only because he is the leading man. “Well, galing sa isang batikan na artista na napakasikat, that’s a very nice compliment,” he said.


Tumitibay ang reputasyon ni Derek Ramsay na siya lang ang nakakapagkumbinsi sa mga leading lady niya na magpa-sexy at maging daring.

Habang nagtatagal, kapansin-pansin sa mga nagiging kapareha ng aktor na nagbabago na rin sila ng imahe.

Tulad ni Alice Dixson na isa sa leading ladies ngayon ni Derek sa TV5 primetime series na For Love Or Money.

Sa For Love Or Money lang daw pumayag si Alice na mag-bikini at sinasabing ngayon lang ito naging ka-daring dahil lang sa kapareha.

Natutuwang reaksyon ni Derek, “Well, galing sa isang batikan na artista na napakasikat, that’s a very nice compliment.”

Baka it takes a Derek Ramsay?

Natawa siya at mabilis na sinabing, “I’m sure, it has nothing to do with me.

“It’s her career, some would say, it’s a bit late.

"But ako, I’ll argue that it’s not—she’s got a better body than most young ones out there.

“She’s a beautiful woman, she’s got a wonderful body.

“Much respect for the effort that she puts in because it’s a lot of work to have a body like hers.”


COMFORTABLE. Yung closeness din daw niya kay Alice ay mas lumago sa pagsasama nila ngayon.

Lahad ni Derek, “She really has a funny personality and she has a funny laugh which is contagious.

“Yung mga eksena namin, kumportableng-kumportable na talaga kami, not just the sexy scenes.”

Sa kauna-unahan ding pagkakataon, pumayag si Alice na maging cover girl ng FHM magazine.

Ano ang masasabi ni Derek dito?

“Vavavoom!” nakangiting bulalas niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

May nagpaalala naman kay Derek na ganoon din ang naging komento niya noong mag-cover girl din sa FHM si Ritz Azul.

“Oo nga!” natawang kumpirma niya.

“But you know, I’ve seen that in person. Naalala ninyo yung scene na pinu-photo shoot ko siya [Alice]?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Doon pa lang, napa-vavavoom na ako, eto, print lang ‘yan.

“Ako, I was the one taking the pictures, there are some beautiful shots in there.

“She’s a beautiful woman, she has maintained her beauty and we can see that she’s really fit, at ako, I’m all about fitness.

“I’m living an active lifestyle and I have much respect to her that at the age of 40, I hope, I look like that when I’m 40.”


ON RITZ AZUL. Matagal nang nagkasama sina Derek at Ritz, at ang aktor ang unang naka-intimate scene ng aktres.

Sabi ni Derek, “Si Ritz, tagal ko nang kasama si Ritz.

"Ako ang first kiss niya, first bed scene, minsan nakakalimutan ko nga.”

Bakit hindi yun nahantong sa higit pa sa pagkakaibigan?

Ayon naman kay Derek, “Parang I look at her as my little sister, parang si Jasmine [Curtis]—vavavoom!

“Kaya nga hindi ko mabuksan ang FHM niya, hindi ko matingnan kasi, ganoon ang tingin ko sa ‘yo.

“I know the father and we all got close during the Kidlat days.

“And don’t get me wrong, when I first saw her, talagang… wow!

“But after we got to know each other, it’s not just the looks, looks fade.

“Shes got a wonderful personality but I guess, the age gap, it’s too big for us to share something.”


CONVINCING POWER. Ano nga ba meron si Derek na napapapayag ang mga nagiging leading lady niya na magpaka-daring?

Ang pinakabago ay si Heart Evangelista, na nagsabing may mga unang beses pa lang siyang ginawa para sa intimate scenes nila ni Derek sa pelikulang ginagawa nila para sa Viva Films.

Sabi ni Derek, “Marespeto ako sa babae.

“I shut down everything when I do things like that.

"It’s just really acting... [also] I think because of what Anne [Curtis] has said."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkasama sina Derek at Anne a pelikulang A Secret Affair noong nakaraang taon.

“Anne was my first major talaga na bed scene on the big screen.

“The kind words that she said about the experience that she had, working with me, not just with one movie but in both movies...

“I think, maybe because of that, other leading ladies out there also are comfortable to do scenes with me. I guess, that’s it.

“I don’t know, timing lang din siguro, timing lang na they decided to do a movie or it’s also the quality of script.”


A VERY GOOD YEAR. Ilang araw na lang ay magtatapos na ang taong 2013, paano niya ia-asses ang 2013 niya?

“Another successful year,” sagot ni Derek.

“I’m very happy with what happened this year with regards to my career.

“I’ve been having a great year and I’ll enter the next year with my head up high, positive attitude, and I’ll have another great year.”

Sa palagay niya, sa 2014, magkakaroon na rin kaya siya ng successful lovelife?

“We’ll see, we’ll see!” natawang sabi niya.

“These are the things you prayed for, maybe, maybe, we’ll see.”

Sa pagpasok ng 2014, ano naman ang mga mga plano niya?

“Big year! Big year in a sense na you know guys, I love to do my travelling.

“So I’m gonna take my leave of absence again for a month for the World Cup.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN