Shaina Magdayao keeps hands off in Anne Curtis-John Lloyd Cruz slapping incident

Shaina Magdayao on possibility of having a lovelife in 2014: "Kung darating siya, e, darating. I-welcome natin. Pero ayoko siyang i-plano. Kung darating naman siya, darating naman siya, di ba?"


Ayaw nang makisawsaw ni Shaina Magdayao sa isyung kinasasangkutan ng ex-boyfriend niyang si John Lloyd Cruz.

Isa si John Lloyd sa tatlong tao na sinampal at pinagsalitaan nang masakit ni Anne Curtis sa Privé Luxury Club noong madaling-araw ng November 23.

Read: PEP EXCLUSIVE Anne Curtis survives embarrassing night out with friends; says sorry and is forgiven, all on the same day

"Naku, hindi po ako kasama diyan!" bulalas ni Shaina nang hingan ng reaksiyon tungkol sa insidenteng kinasangkutan ni John Lloyd.

"I really think wala akong karapatan na magsalita ng kahit ano about it.

"Pero, hindi naman tayo magmamaang-maangan. Narinig naman natin kung ano talaga.

"But I don’t want to say anything, kasi hindi ko alam ang totoong nangyari. I wasn’t there.”

Paliwanag pa ni Shaina, “Kauuwi ko lang kasi from London. Nag-show kami doon.

"When I got back, nakarinig din tayo.

"Hindi naman tayo ano... may mga taong nagkuwento rin.

"But, ang hirap kasing magsalita dahil wala ka din in the first place.

“I choose not to say anything, di ba?”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Shaina sa presscon ng pelikulang Pagpag: Siyam Na Buhay kahapon, December 12, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Ano ang naramdaman at pumasok sa isip ni Shaina nang mabalitaan niyang sinampal at pinagsalitaan nang masakit ni Anne si John Lloyd?

Ayon sa 24-year-old actress, “Actually, hindi lang naman sa kanya, lahat ng taong involved, not only this particular event, kapag may mga ganitong lumalabas sa mga kapwa-artista ko, siyempre I feel bad, di ba?

"So, unfortunate na ganyan ang nangyayari."

CIVIL. Tinanong ng PEP si Shaina kung okay na ba sila ngayon ni John Lloyd.

May lumabas kasing balitang pinag-aayos diumano sila ni Bea Alonzo bilang pareho silang kaibigan nito.

Sagot ni Shaina, “Ha? Pinag-aayos ba kami ni Bea? Hindi..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa niya tungkol kay John Lloyd: “Matagal naman kaming okay, okay.

“Hindi kami close or chika, we are civil. We say ’hi’ naman.

"Sa liit ng industriyang ito, hindi mo naman maiiwasan ang mga tao.

"At para sa sarili ko, i-let-go natin ang mga negative—pero para sa sarili ko."



A BETTER 2014. Para kay Shaina, naging maganda ang career niya ngayong 2013. Ano naman ang mga inaasahan niya sa 2014?

“Trabaho, trabaho, sarili... pamilya at trabaho!” natatawang sagot niya.

Hindi kasama ang lovelife?

“Kung darating siya, e, darating. I-welcome natin.

"Pero ayoko siyang i-plano.

"Kung darating naman siya, darating naman siya, di ba?

"Kung darating siya, ibig sabihin, right time yun ni Lord."

Sa pagiging abala niya ngayon sa trabaho, ano ang mga ginagawa niya kapag pagod na siya at gusto niyang mag-relax?

“Nagpapamasahe... nagdarasal bilang papunta na ako sa pagiging madre!” natatawang sabi niya.

Bilang isang celebrity, mas conscious ba si Shaina sa mga ginagawa o ikinikilos niya?

“Opo, kasama rin po yun sa pinasok naming trabaho, di ba?

"Katulad nga lang ng pagpunta-punta ng Boracay kapag Holy Week, you want to take care of yourself also.

"Pero, at the same time, mga tao lang din po kami.

“Siguro nga po, artista kami, pero tao lang din kami.

"Siguro nag-e-enjoy, pero kanya-kanyang ways lang ‘yan.

"Siguro to unwind… kung ako ang tatanungin niyo, ayan, pamasahe, spend time with my pamangkin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN