Jessy Mendiola feels awkward about "It Girl" tag; says she’s not ready to have a lovelife after "breakup" with Matteo Guidicelli

Lingid sa kaalaman ng marami, pitong taon din ang paghihirap ni Jessy Mendiola bago ito nakilala at sumikat. Aniya, "Well, sabi nga nila, di ba, parang biglaan lahat, mabilis lahat. But for me it wasn’t really a very… it wasn’t really fast. Kasi, I’ve been in the industry for—seven years? six years? Seven years, I started when I was fourteen.”


Hindi pa rin makapaniwala si Jessy Mendiola na isa na siya sa mga pinakasikat na young stars sa Philippine showbiz industry ngayon.

Lalo pang naging bukambibig ang pangalan ng Kapamilya actress nang nagsimulang umere sa prime time ng ABS-CBN ang kanyang pinagbibidahang seryeng Maria Mercedes.

Dahil dito, binabansagan na ang 21-year-old Star Magic talent na "It Girl ng 2013."

Medyo alangang sagot ni Jessy, “Parang surreal, di ako makapaniwala. Talaga? Overwhelming din, kahit papa’no very flattering e, kasi laking bansag nun, ‘It Girl of 2013.’”

Sabay sabi nito, “Sana pati 2014! Pero masaya po ako na malakas yung pagtanggap sa akin ng mga tao sa Maria Mercedes.

"Tsaka sa mga nangyari sa akin ngayon taon. I mean, I must admit it wasn’t really a… parang di siya palaging happier...

"I mean, hindi palaging happy yung moments ko this year but meron ding mga low moments, meron ding mga sad moments.

"But, overall, it’s a very worth [it] year for me. Sobrang… ito yung year na hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment portal) at ilan pang media si Jessy sa set visit ng Maria Mercedes kahapon, December 12, sa may Eastwood Police Station, Libis, Quezon City.


PRICE OF FAME AND STARDOM. Lingid sa kaalaman ng marami, halos pitong taon na si Jessy sa showbiz. Nagsimula siya noong 14 years old pa lamang.

Noong mga panahong yun, ang mga roles na ginagampanan daw niya ay ang maging bestfriend ni ganito, sister ni ganyan, at maraming-marami raw na TV guestings.

Noong 16 years old naman siya, inalok siyang magbida sa seryeng Sabel (2010), ngunit noong una ay reluctant siyang tanggapin ito dahil may pagka-sexy daw ang tema.

Noong tumuntong siya sa 18, nagpahinga muna siya sa showbiz. Matapos ng isang taon, muli siyang bumalik sa limelight sa pamamagitan ng teleseryeng Budoy (2011), kasama si Gerald Anderson.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong 2012, nakasama naman siya sa pelikulang The Reunion nina Enchong Dee, Xian Lim, Enrique Gil, Kean Cipriano, Julia Montes, Megan Young, Bangs Garcia, at Cristine Reyes.

Late 2012 hanggang Abril 2013, ginawa naman niya ang Paraiso, katambal si Matteo Guidicelli. Dito na rin nagkaroon ng espesyal na relasyon ang dalawa.

Paano nag-iba ang buhay niya ngayong kilala na siya?

Ayon kay Jessy, “I couldn’t walk straight. I can’t walk straight anymore sa mall.

“I missed it. I kinda miss wearing jeans and chucks sa mall. But ayun nga, as they say, as you grow as an artist… ganun din yung… it’s a price of fame and stardom. So bakit? Ito din naman yung pinaghirapan natin, di ba?

“Ito rin naman yung gusto nating makamit sa career natin e, so… Yes, I miss it, but I’m enjoying what I am experiencing right now, and I’m willing to learn more and experience more.”


RIGHT TIMING AND PATIENCE. Nabigla ba siya na daglian ay naging household name siya?

Hindi sang-ayon si Jessy na naging daglian ang kanyang kasikatan.

“Well, sabi nga nila, di ba, parang biglaan lahat, mabilis lahat. But for me, it wasn’t really a very...it wasn’t really fast. Kasi, I’ve been in the industry for—seven years? six years? Seven years, I started when I was fourteen.

“Maybe, kung nung time na yun ako sumikat, baka puwede pa nilang sabihin na mabilis. But ano, e—it was a journey, it was a process.

"Nagkataon lang na ngayon ako napansin, 2013, because, you know, opportunities came, chances came, the right project.

“Right timing, it’s all about right timing. And I think the patience also…

"I could say that I worked hard for where I am right now. I mean, all those sleepless nights, all those waiting moments—it’s all worth it."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, 2013 is everything?

Bulalas niyang nakangiti, “Not really everything kasi wala pa naman akong lovelife. Careerwise, I could say that, oo."

Malaking bagay raw ang pinagbibidahan niyang Maria Mercedes at ang pagkakapaloob niya sa Kapamilya network.

“I think Maria Mercedes really helped me a lot. Even the management and the people around me, they supported me so much.

"And it’s actually, I think that’s enough for me to say that it is the right time.

“Because everyone’s counting on you, everyone is saying that you can do it, and I think when people believe in you—I think it all starts there...

“I mean, of course, it starts within you. It starts with you believing in yourself. But, for me, okay ako noong Paraiso days, but now it’s even better.

"And when you feel the support of people around you, you could say na ’Oo, it’s the right timing for you.’

"I mean, kailan pa ba ang right timing, di ba? Kung kailan hindi mo na napi-feel ang support nila?”

MATTEO GUIDICELLI. Sa tingin ba niya’y naging maganda ang takbo ng kanyang career noong naghiwalay na sila ni Matteo?

Tugon ni Jessy, “You could say na breakup, kasi parang MU na rin kami." (MU ay mutual understanding.)

"But, I think so. In my 2013, a lot of things happened, and I could say that, uhm, you have to experience those things so you would know how to handle things next time.

“Or, like you could say na it’s a sign from God saying na ‘No, it’s not the right time. This is the one for you, which is Maria Mercedes and other projects.’

“And its coming. All the blessings are coming in, and I’m really happy.

"Sabi nga nila, di ba, kapag may nagsara na pinto, merong bubukas, so ito na siguro yun. Ito na siguro yung blessings na ibinigay sa akin ng Diyos, kasi sabi Niya, ‘Ops, ops, ops. Huwag muna lovelife, ito muna tayo.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, nag-aantay lang naman ako.”


CRUSH NG BAYAN. Bukod sa bansag na "It Girl," bukambibig din ang pangalan ng dalaga bilang isa sa mga kinahuhumalingang artista ng mga lalaking sikat man o ordinaryo.

Kamakailan lang, nagpahayag ng kanilang pagkagusto kay Jessy sina Jake Cuenca, Jeron at Jeric Teng (o kilala bilang Teng brothers), at Sam Milby. May humahabol pa raw sa listahang ito, si JC de Vera.

Feeling ba niya’y ang ganda-ganda niya?

Natatawa nitong tugon, “Sabi nila. Pero, ako kasi, siyempre pagkapanganak mo, ito na yung mukha mo. Hindi mo alam kung maganda ka ba o hindi. Lipstick lang ang katapat niyan.”

Seryosong bawi nito, “Wala akong masagot. Natawa lang ako. Nakakatuwa and it’s very flattering na, siyempre as a babae, sinasabi nila, ’Sino crush mo?’ ’Si Jessy.’

“Or, like, they’re attracted to you. Sino namang babae ang hindi kikiligin, di ba? ’Oh, my gosh, crush nila ako!’ Nakakatuwa.”

Handa na ba siyang isabay ang pag-ibig sa gumaganda niyang career?

Pag-amin ng magandang Star Magic talent, “Kasi, ako, I told them, especially Sam, I’m not ready yet, and if he’s willing to wait, then he can wait. If he decides to go on another way, then he’s free to go.”

Paliwanag ng dalaga, “Ako kasi, I really can’t say right now, and I don’t want to assume things or... alam mo yung ipagmamadali ko lahat ng bagay?

"Kasi, huwag nating ipilit. Kung hindi talaga, hindi. If, sabi nga nila, just let go and let things fall into place. That’s what I’m doing right now, I just want to let it go. I just want it to flow freely.

"And if it happens, it will happen. If it doesn’t, then it’s not meant for you."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN