MMDA Chairman Francis Tolentino dodges MMFF issues; refuses to answer alleged anomalies

“If there are issues that would disunite us, let us find ways, let us find threads amongst issues that would unite us,” pahayag ni MMDA Chairman Francis Tolentino tungkol sa mga taong nasa likod ng taunang Metro Manila Film Festival.


Paulit-ulit na hiniling ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino na kalimutan muna ang mga isyu tungkol sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Sa ginanap na press conference para sa mga pelikulang kalahok sa MMFF 2013 kagabi, December 12, sinubukang iwasan ni MMDA Chairman Tolentino na sagutin ang panibagong isyung ipinupukol sa mga nangangasiwa ng taunang film festival.

Sa kanyang maiksing speech bago magsimula ang programa, pakiusap ni Tolentino, ngayong panahon ng MMFF, “Kalimutan po natin yung nag-iingay.

"Halimbawa, baka kulang daw yung kanilang natatanggap na percentage.

“Kalimutan natin yung mga nagsasabi na baka raw mali ang sistema ng Metro Manila Film Festival.

“Kalimutan na po natin yung nagsasabi na baka raw iba yung sinasabi ng Commission on Audit.

“Kalimutan po natin ito.

“We should look for threads, we should look for means, we should look for avenues that would rather unite us in serving not just the movie industry, but also in serving our brother Filipinos.”



ANOMALY IN FUNDS? Sa panayam ni GMA News reporter Cesar Apoliario kay Leo Martinez, character actor at kasalukuyang director ng Film Academy of the Philippines (FAP), kinuwestiyon niya ang diumano’y pagliit ng pondong naibibigay ng MMDA sa beneficiaries ng MMFF.

Kabilang dito ang FAP at Movie Workers Welfare Foundation, Inc. (Mowelfund).

Ayon sa Commision on Audit, mula noong 2002 hanggang 2009, mahigit P159,000,000 na ang hindi naibibigay ng MMFF.

Dahil dito, sinabi ni Martinez na kailangang imbestigahan ang anomalyang ito.

“Gusto natin ngayon ng tuwid na daan. Tuwid ba ito?” sabi ng aktor sa panayam sa kanya ng Saksi, na lumabas noong December 9.

Bukod sa halagang naibibigay sa mga benepisaryo, kahina-hinala rin daw ang financial statements na ibinibigay ng MMDA sa Senado at iba pang ahensiya ng gobyerno.

Katulad ng dati pang hiling ng ibang taga-entertainment industry, hiniling rin ni Martinez na alisin na sa pamamahala ng MMDA ang pagsasagawa ng MMFF.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaan na noong 2009, iminungkahi na rin ni Senator Jinggoy Estrada na sa halip na MMDA, ibigay sa mga organisasyon sa loob ng entertainment industry ang pamamahala ng MMFF.

Read: Bayani Fernando’s cash-gifts confession prompts Sen. Jinggoy Estrada to file charges



TO AVOID DIVISION. Sa kanyang talumpati, hindi direktang sinagot ni MMDA Chairman Tolentino ang mga akusasyon ni Martinez.

Sa halip, sabi niya, “Ang dapat po nating isipin, ano na ba ang ginawa ng Metro Manila Film Festival?

“Ano ba ang nagawa ninyo para sa lipunan?”

Sa halip daw na magkaroon ng hidwaan, mas makabubuti kung magbuklod-buklod na lamang para sa ikagaganda ng mga pelikulang ihahandog sa mga manonood.

Aniya, “The film industry should always mirror Filipino culture.

"The film industry should always mirror the Filipino society.

“Ano po ‘yon? Mapagkumbaba, matulungin, tumutulong sa kapwa, handang muling bumangon.

“‘Yan po siguro ang mga hinahanap sa atin ng mga manonood.

“Ayaw po nilang makita na tayo ay nag-aaway-away.

“Ayaw makita ng mga manonood, lalung-lalo na yung mga sarado pang sinehan sa Tacloban, na tayo ay nagkakahiwa-hiwalay.

“Mas maganda po siguro kung tayo ay magkakabuklod-buklod at magkakasama-sama.

“Hinihimok ko po ang lahat na patunayan po natin na ang industriya ng pelikulang Pilipino ay nagkakaisa, nagkakabuklod-buklod, at patuloy po sa tamang direksyon.”

Dagdag pa niya sa huling parte ng kanyang talumpati: “If there are issues that would disunite us, let us find ways, let us find threads amongst issues that would unite us.

“Ito lang po siguro ang hinihiling sa atin ng ating mga tagasuporta.

“Pilitin po natin na magtahi ng tamang hibla na magpapantas sa industriya ng pelikulang Pilipino.

“Hanapan po natin ng tamang paraan kung papaano po tayo magkakasama.”



WHO SHOULD MANAGE MMFF? Pagdating sa Q&A, bahagyang sinagot ni MMDA Chairman Tolentino ang isyu tungkol sa kung aling ahensiya ang dapat mamahala ng MMFF.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dito, sinabi niya ang umano’y “political dynamics” ng pagbibigay sa MMDA ng karapatang mamahala sa taunang Metro Manila Film Festival.

“Ang nakakaligtaan po siguro ng iba, siguro nabura po sa isipan nila, na malaki po ang ginagampanang papel ng mga Metro Manila mayors.

“Without the Metro Manila mayors, wala po tayong Metro Manila Film Festival dahil dito po ang amusement tax—mayroon diyan sa Marikina, may tax sa Quezon City, Manila, Mandaluyong, Taguig, etc.

“Kung sinuman po siguro ang dapat mamahala ng Metro Manila Film Festival, dapat kaibigan po lahat nila yung mga Metro Manila mayors.

“Kaibigan din po nila ang Metro Manila vice mayors, Metro Manila councilors, para sa gayon po ay kung ang pakay ay laws, yung beneficiaries ay matupad.”

Dagdag pa ng MMDA chair, “Nakalimutan po ng iba yung governance dynamics po nito, e.

"Palagay ko po, noong binalangkas yung [batas para sa MMFF], ginawa na po yung sistema in such a way para magkaroon po ng governance and political dynamics, na yung Metro Manila mayors ang involved.

“So, kung sino man po ang gustong magpa-abort ng Metro Manila Film Festival, they should have the firm grasp of the critical dynamics of Metro Manila.”

Nasa naturang press conference si FAP director Leo Martinez hanggang sa mag-deliver ng kanyang speech si Tolentino.

Ngunit nang matapos ang press conference, hindi na nahingan ng reaksiyon ng media ang aktor dahil umalis na ito.

Ngayong taon, walong walong pelikula ang maglalaban-laban sa MMFF.



Kabilang dito ang comedy movies na My Little Bossings nina Vic Sotto, Kris Aquino, Bimby Aquino Yap, at Ryzza Mae Dizon; Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel ni Eugene Domingo; at Girl Boy Bakla Tomboy nina Vice Ganda at Maricel Soriano.

Kasali rin ang action films na 10,000 Hours na pinagbibidahan ni Robin Padilla at Boy Golden: The Arturo Porcuna Story na pinagbibidahan nina Laguna Governor ER Ejercito at KC Concepcion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Kasama rin ang suspense-horror movie nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na Pagpag: Siyam Na Buhay; ang historical drama movie ni Rocco Nacino na Pedro Calungsod: Batang Martir; at ang hip-hop dance movie nina Sef Cadayona at Yassi Pressman na Kaleidoscope World.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN