Liz Uy on Anne Curtis-John Lloyd Cruz slapping incident: "Ayoko kasing makisawsaw, kasi it’s not my business din."

Liz Uy on negative comments received by Anne Curtis after the Privé incident came out: “Well, sa totoo lang, I think everybody sa social media is quickly judged. But I guess it’s part of her life, it’s part of work. It’s part of her work so... ayun."


Parehong may koneksiyon ang celebrity fashion stylist at endorser na si Liz Uy kina Anne Curtis at John Lloyd Cruz.

Kabarkada, kaibigan, at kliyente ni Liz si Anne, at ilang taon din namang naging boyfriend niya si John Lloyd.

Kaya hindi maiwasang hingan ng reaksiyon si Liz kaugnay ng insidenteng kinasangkutan nina Anne at John Lloyd.

Sinampal at sinabihan ng "You’re an addict!"—o, sa dinig ng ilan pa, "You addict!"—ni Anne si John Lloyd sa Privé Luxury Club noong madaling-araw ng November 23, Sabado.

Read: PEP EXCLUSIVE Anne Curtis survives embarrassing night out with friends; says sorry and is forgiven, all on the same day

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Liz sa opening ng Fisher Mall sa Quezon Avenue, noong Martes, December 10, ay iwas siyang magbigay ng pahayag.

Paliwanag niya, “Ayoko kasing makisawsaw, kasi it’s not my business din.

"And for me, as long as she’s [Anne] okay with all the parties, then I think we should all move on na rin."

Inamin ni Liz na pinag-usapan nila ni Anne kung ano ang nangyari, ngunit hindi na niya ito idinetalye.

“Ayoko nang pag-usapan, kasi whatever we talked about it, it’s just between us na lang.

"Yes, nag-open sa akin si Anne," sabi ng fashion stylist.

Kung may mga sumusuporta kay Anne sa nangyari, marami rin ang nagbigay ng kanilang negatibong reaksiyon sa ginawa ng actress-TV host.

Ano ang masasabi dito ni Liz?

Saad niya, “Well, sa totoo lang, I think everybody sa social media is quickly judged.

"But I guess it’s part of her life, it’s part of work.

"It’s part of her work so... ayun."

Kumusta naman ang pakikitungo nila ni John Lloyd sa isa’t isa ngayon? Nagkakausap pa ba sila?

Ayon kay Liz, “Minsan lang, but we’re not really close.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Like, when we see each other, ’hi, hello.’"

Sa ngayon ay wala raw boyfriend si Liz, at choice daw niyang maging single.

ADJUSTING TO CELBRITY STATUS. Kung noon ay iwas nang iwas si Liz tuwing kakausapin ng entertainment writers, kapansin-pansing ngayon ay mas kampante at mas bukas na ang fashion stylist.

Inamin naman niyang nakapag-adjust na siya ngayon.

Sabi ni Liz, “Yes, nakapag-adjust na rin, natuto na rin ako.

"Feeling ko, I guess through time and as I get older din, I just embrace it.

"Nandiyan na ako, sayang naman.”

Bukas na rin ba siyang pasukin ang pag-aartista sakaling may mag-alok sa kanya?

Sagot ni Liz, “Hindi naman.

"Parang when things are offered to me, I think about it, and when I like it, then okay.

"Hindi ko pa alam, kasi I’m a stylist—and I’m happy being a stylist.

"I guess matagal pa akong magiging happy with styling people, which I really love doing.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN