Daniel Padilla’s Christmas wish: “Sana tama na po ang lungkot.”

Ngayong Pasko, ang hiling ni Daniel Padilla ay mahumpay ang lungkot ng mga Pilipino at mag-isip kung paano makakabangon mula sa trahedyang iniwan ng bagyong Yolanda.


Abot-abot ang pasasalamat ni Daniel Padilla dahil naging napakaganda ng 2013 para sa kanya, partikular na sa kanyang showbiz career.

Pinagbibidahan nila ni Kathryn Bernardo ang teleseryeng Got To Believe sa primetime bida ng ABS-CBN.

Sila ring dalawa ang pangunahing tampok sa pelikulang Pagpag: Siyam na Buhay, na isang Metro Manila Film Festival entry.

Noong first quarter ng 2013 ay nagbida rin sila sa kanilang launching movie, ang prinodyus ng Star Cinema na Must Be… Love.


Kahit sa music scene ay lumikha ng ingay si Daniel.

Ang kanyang second album na DJP, na batay sa kanyang initials, ay ginawaran ng triple platinum.

Malawak ang kanyang fan base, mula sa iba’t ibang estado ng buhay, na panay nagtitilian at naghahagikhikan pag nakikita siya.

Kaliwa’t kanan naman ang kanyang endorsements, na alam ng lahat sa industriya ay siyang pinakamalaking source ng income ng isang celebrity.

“Gusto kong magpasalamat sa Diyos dahil nga napakaganda ng 2013 ko,” sabi ng 18 anyos na binata sa press conference ng Pagpag.

“Talagang grabe yung taon na ito. Napakasaya, grabe lang po.

“Lahat ng hindi ko inakalang mangyayari, nangyari.”

NO TO SADNESS. Pero isang pagsubok ang kinaharap ng kanyang pamilya nang tamaan ng bagyong Yolanda ang Leyte, kung saan naninirahan ang lola ni Daniel.

Nailikas naman ang lola ni Daniel ng kanyang ina, si Karla Estrada, at sa kasalukuyan ay kasama nila ito sa Maynila.

“So, nakakalungkot lang po isipin na nakita ko po ang lugar, kilala ko yung lugar. Ganun na yung itsura niya [pagkatapos ng bagyo].

“Nakakalungkot, pero ang wish lang ko po—sana tama na po ang lungkot.

“Kumbaga, tama na po yung lungkot at mas unahin natin kung paano natin ito aayusin.”

Dugtong pa ni Daniel, “Wish ko na makapunta man sana ako ng Tacloban.”

Inilahad ng Kapamilya aktor na nanatili rin siya nang isang taon noon sa Leyte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN