PEP CHRISTMAS FORUM: Martin Nievera, Christian Bautista, and other celebs bare their plans for the holidays

(Clockwise) Martin Nievera, Ritz Azul, Champ Lui-Pio, Marc Nelson, Alwyn Uytingco, and Christian Bautista. They will be spending quality time with their families and friends this Christmas. Mark Nelson, who does not have have a family here, will prepare Christmas dinner for all his friends.


Darating na naman ang panahon kung kailan masayang nagsasama-sama ang bawat pamilya para sabay-sabay na magdiwang ng Pasko at Bagong Taon.

Paano naman kaya magse-celebrate ng Pasko at Bagong Taon ang ilan sa ating mga artista?

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Christian Bautista, Martin Nievera, Alwyn Uytingco, Ritz Azul, Champ Lui-Pio at Marc Nelson kung ano ang mga plano nila ngayong Kapaskuhan.

Narito ang kanilang mga sagot:

CHRISTIAN BAUTISTA. Ang kanyang pamilya ang makakasama ni Christian Bautista sa parating na pasko. Nagbabalak din siyang pumunta ng Tacloban, Leyte, upang personal na makapagbigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo bilang regalo na rin sa mga ito.

Ani Christian, “For Christmas, I would want to spend my time with my family.

“If I have time to go to Leyte personally on a C130, I’ll go. Walang problema.

“This is the time na talagang… I mean, ang sarap magbigay ng relief, ang sarap mag-ipon, kumanta sa Manila.

“Pero iba yung nahahawakan mo talaga sila, e. Iba yung nando’n ka, nakikita mo sila, nararamdaman mo sila.”

MARTIN NIEVERA. Susubukan naman ng Concert King na si Martin Nievera na makapag-celebrate ng Pasko at Bagong Taon kasama ang kanyang pamilya sa Estados Unidos at dito sa Pilipinas.

Kuwento ni Martin, “Well, I have family in the States. I have family here. So I plan to be with both of them for the holidays.

“Probably Christmas there, New Year’s here with my children sana and close friends.”

ALWYN UYTINGCO. Isang simpleng selebrasyon lang ang balak ni Alwyn Uytingco at ng kanyang pamilya para sa Pasko. Siyempre, hindi mawawala ang kanyang girlfriend na si Jennica Garcia. Ito and kanilang ika-apat na Pasko bilang magkasintahan.

“Wala, ano lang, simple lang... ngayon mas intention namin makasama family namin, at yun naman yung pinakamahalaga dun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Last year nag-Hong Kong kami with her family, pero this year, wala muna. Sa bahay lang steady lang, kain marami," bahagi ng actor.

RITZ AZUL. Ipapamahagi naman ni Ritz ang mga blessing na kanyang natanggap para sa taong ito sa kanilang mga kababayan sa Sta. Rita sa Pampanga.

Kuwento ni Ritz, “Yearly meron kaming ginagawang maliit na program sa amin, sa Pampanga.

“Nagpu-promo kami, namimigay kami ng mga isang sakong bigas, mga ganun, mga kitchen utensils.

Ang bagay na ito raw ay matagal na nilang ginagawa bago pa siya pumasok ng showbiz.

“Nung hindi pa ako nag-artista, nag-start yun nung birthday ko. Yung namimigay sa mga bata ng mga pagkain.

“Eventually, nag-ano siya… parang lumaki. Nakaisip yung mga tita ko, tito ko, na mag-program, ganun.

“Ginagawa namin kasi New Year. Pag sa amin naman, samin-samin lang talaga.”

CHAMP LUI-PIO. Kasalukuyan namang nasa California ang ex-Hale frontman na si Champ Lui-Pio kasama ang kanyang kapatid na si Myx VJ Chino at ang buo nilang pamilya.

“I’m spending Christmas in California. My sister [Charmaine] just gave birth, first kong pamangkin.

“So excited, the whole family’s gonna be there so I’m really excited,” kuwento niya bago lumipad patungong California.

MARC NELSON. Hindi naman makakasama ni Marc Nelson ang kanyang pamilya dito sa bansa ngunit hindi naman siya mag-iisa ngayong Pasko dahil makakasama niya ang ilang mga kaibigan sa isang salu-salo.

“Probably just my usual Christmas plans. I’ll be spending it in Manila... holding a Christmas dinner for all of my friends. I don’t have family here.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN