PEP EXCLUSIVE Willie Revillame denies rumors of gambling and sale of his high-end hotel in Tagaytay

Nakatakdang magsagawa ng variety show si Willie Revillame sa Tacloban City upang pasayahin ang mga biktima ng bagyo doon. Sabi niya tungkol dito, "Magsu-show ako doon. It’s more of a Wowowee thing. Ako ang lahat nang gagastos... siguro aabutin ito ng mga five million. Ipinapakuha ko sina Andrew E, April Boy [Regino], para masaya."


Pinabulaanan ni Willie Revillame ang mga balitang lulong siya sa sugal, nagpatalo sa casino ng P120 million, at ibinibenta na ang kanyang high-end hotel na ipinapatayo sa Tagaytay City.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Willie ngayong hapon, December 13, sa Wil’s Events Place, sa Sgt. Esguerra, Quezon City, inamin niyang nagpupunta siya sa casino para maglibang, pero hindi raw siya nagpapatalo ng milyun-milyong piso.

Imbento lang din daw ang balitang ibinibenta na niya ang ipinapatayong hotel sa Tagaytay City.

Tuluy-tuloy lang daw ang construction ng hotel.

Dito nga raw niya binabalak ipagdiwang ang kanyang 53rd birthday sa January 27, 2014.

Saad pa ni Willie tungkol sa Tagaytay hotel, “Matatapos ang hotel sa January, sa birthday ko.

"Sobrang ganda. Boutique hotel siya na may mga villas.

"Wala kang makikita na ganoon kaganda sa Pilipinas.

"Nagpagawa ako ng sarili kong bahay sa baba. Wala na yung dating bahay, giniba na.

"Maganda, para kang nasa Los Angeles.

"Yung hotel, mga twelve rooms na puro VIP, then gumawa ako ng five villas."

Diin pa niya, "Wala akong ibinebenta na hotel.

"Itong Wil’s Events Place, kaya ko ibinenta, kasi useless na dahil may Wil Tower na."

Ang Wil Tower Residences and Mall ang bagong building na pag-aari ni Willie sa tapat ng ABS-CBN, sa Mother Ignacia, Quezon City.

JUSTIN BIEBER. Nagkuwento rin si Willie tungkol sa pag-arkila ng grupo ni Justin Bieber sa kanyang private plane, na ginamit ng Canadian pop superstar nang dalawin nito ang typhoon Yolanda victims sa Tacloban noong December 10.

Read: Justin Bieber rents Willie Revillame’s private jet en route to Tacloban

Hindi raw alam ni Willie na ang management team ni Justin ang nagpa-reserve sa kanyang eroplano, isang linggo bago dumating sa Pilipinas ang grupo.

Nalaman lang ni Willie na si Justin ang pasahero nang makausap niya ang kanyang piloto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ng TV host, "Ang sabi ng piloto ko, very precise ang oras at very professional sina Justin.

"Nagsabi sila ng ’We take off at 4 p.m.’

"Umalis sila ng Manila ng mga 12 o’clock, dumating ng one o’clock [sa Tacloban City].

"Sumakay sila sa hangar namin sa Royal Aviation... overnight lang sila, umalis agad.

"Nakahubad si Justin [nang bumalik sa eroplano]. Ibinigay niya ang T-shirt sa fan.

"Ang sabi ng piloto ko, rock star ang dating, superstar.

"Ganoon ang dating, kasi going to pagbibinata.

"Parang Robin Padilla, pero rock star."

WILLIE TO VISIT TACLOBAN. Kasado na rin daw ang pagpunta ni Willie sa Tacloban City sa December 22 para maghatid ng saya sa mga biktima ng bagyo.

Nakikipag-ugnayan na raw si Willie sa local officials ng Tacloban City para sa itatanghal na show roon.

"Noon ko pa balak pumunta, after Zamboanga siege.

"Nakaplano na lahat, kaya lang ayokong sumabay sa gulo.

"Kasi, una, walang sound system."

Sa Lunes, December 16, ay pupunta raw sa Tacloban ang chief operating officer ng kanyang kumpanyang WiRe, na si Jay Montelibano, para mag-ocular inspection.

Sabi pa ni Willie, "I will do a show there, parang ’Wowowee sa Tacloban City.’

"Ang ginawa ko, through Atty. Boy Reyno, my partner sa Wil Productions, pinatawagan ko si Congressman Martin Romualdez at si Sandy Prieto-Romualdez. Magkakamag-anak sila.

"Through local officials na ang coordination, ayoko naman silang i-bypass.

"Magsu-show ako doon. It’s more of a Wowowee thing.

"Ako ang lahat ng gagastos... siguro aabutin ito ng mga five million [pesos].

"Ipinapakuha ko sina Andrew E, April Boy [Regino], para masaya.

"Everytime kasi na nanonood ako ng CNN, ANC, GMA News TV, puro iyak na lang ang nakikita ko.

"Dapat mabago na ito, isang buwan na, e... puro patay ang ipinapakita."

WILLIE’S DONATION. Hindi kaila sa lahat na sampung milyong piso ang donasyon ni Willie para sa mga biktima ni typhoon Yolanda, at ipinadaan niya ang tulong sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Willie Revillame donates P10 million to typhoon victims

Saad ni Willie, "Ang gusto ko talaga noong una, magbigay ng P20 million kasi masyado akong nahahabag.

"Aanhin ko ba ang perang ‘yan kapag namatay ako?

"Dapat praktikal ka na, e.

"Alam mo, kapag nag-i-invest ka nang malaki, nag-iiba ang tingin mo sa buhay. Nag-iiba ka.

"Si Korina Sanchez, tinawagan namin, kasi wala kaming kontak kay [DSWD] Secretary Dinky Soliman.

"Nakikita ko si Miss Dinky, siya naman ang nandoon lagi, bakit ko dadalhin sa iba? Doon kami sa direkta.

"Nakikita naman natin siya na nagpupuyat. Hindi na nga raw naliligo.

"Ikunukuwento naman ng mga tao, mararamdaman mo yung pagod niya.

"Nagtatrabaho raw talaga si Secretary Dinky. Wala siyang pahinga in a span of one month.

"In fairness sa DSWD, you have to write a letter, ano ang intention mo. Is it for Bohol, for Zamboanga?

"Marami kasi silang mga tinutulungan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN