Gloc-9 reveals he is slowing down after literally losing his hair to fulfill a crowded schedule

Gloc-9 on realizations after being afflicted with alopecia: "Na-realize ko na hindi mo dapat abusuhin ang talent na ibinigay sa iyo, and dapat talaga merong tamang management ng oras mo. Dahil nung araw, ’kala ko hindi na magrereklamo ang katawan ko sa trabahong ito kahit na anong p’wersa gawin ko—pero mali pala."


Nag-uwi ang rap artist na si Gloc-9 ng tatlong awards sa katatapos lamang na 26th Awit Awards, na ginanap noong December 11, 2013, sa Sequoia Hotel.

Nanalo si Gloc ng Album of the Year award para sa MKNM (Mga Kwento Ng Makata).

Nanalo rin siya ng Song of the Year at Music Video of the Year para sa kantang “Sirena.”

(View Gloc-9 and Daniel Padilla win big in 26th Awit Awards gallery here.)

Pahayag ni Gloc sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Very, very thankful po, s’yempre. Thankful ako sa Awit Awards and sa Universal Records sa pagsuporta sa ’kin.”

Habang ginagawa ang album na MKNM, inakala ba ni Gloc na makakatanggap siya ng maraming awards?

Sagot ng rap artist, “Katulad po nung lagi kong sinasabi, hindi ko pini-pressure yung sarili ko or yung song na ginawa ko na makakuha ng awards right after namin gawin.

“Basta ang requirement ko lang po, basta satisfied ako dun sa kantang ginawa namin—anything after that po ay blessing na and bonus para sa akin.”

Kamakailan lamang ay nag-release nga si Gloc ng bagong album, ang Liham at Lihim.

Sa tingin ba niya ay makakatanggap din ito ng mga parangal?

Ayon kay Gloc, “Sa ngayon, ini-enjoy ko lang din po yung ‘Magda’ na kantahin sa shows and pakinggan and i-promote.

“Pero so far, hindi ko pa po iniisip yung any award na in relation sa ‘Magda.’”

LOOKING BACK AT 2013. Sa kabila ng lahat ng natamasang tagumpay, sa kalusugan pa rin ng kanyang pamilya nakatuon ang pasasalamat ni Gloc-9 para sa 2013.

“Siguro po, kung meron man akong thankful talaga, more than anything else, yung safety and good health ng lahat ng mga mahal ko sa buhay.

“Yun po yung pinakaimportante.”

Sa nakaraang interview ng PEP ay nabanggit ni Gloc na nagkaroon siya ng alopecia, o panglalagas ng buhok sa iba’t ibang parte ng ulo na nag-iiwan ng bald spots.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito na rin ang nagtulak sa kanya upang magpagupit ng buhok, ngunit alam niyang ang talagang dapat niyang ayusin ay ang mga stress sa buhay niya, na siyang nakapagpapalala ng alopecia.

Kuwento ni Gloc, “Nung ginagawa ko po [ang Liham at Lihim], kasabay din po nito ang maraming shows din—out of town, puyat, pagod, mga corporate work din po na kailangan kong i-submit on time, magpa-approve.

“Lagi kong sinasabi, nung bata ako, alam ko hindi magrereklamo ang katawan ko sa trabaho. So, tuluy-tuloy lang and walang tigil, para sa mga anak.

“Pero yun nga po, nagreklamo na.

"Isang umaga, paggising ko, sabi ko, ‘Bakit puro buhok ‘tong unan ko?’

"Nakita kong ganun. Buti na lang, puro sa gilid."

Dahil sa pangyayaring ito, nakapag-isip isip ang rap artist.

Saad niya, “Sa isang banda naman po, kahit lagi kong sabihin na I’m very dedicated to my work, hindi ko na po yata kailangang patunayan pa yun, dahil literally, naubos po talaga yung buhok ko sa [kakatrabaho].

“Feeling ko naman, nag-work din po, e, dahil nag-release din ako ng album."

May humor na dagdag pa nito, "Nagkaro’n ng buzz sa akin na, ‘Uy, iba ang look ni Gloc9, ah.”

Ngunit ito raw ang pinakamabigat niyang pinagdaanan ngayong taon, at dahil dito ay may mga nadiskubre si Gloc tungkol sa sarili.

“Na-realize ko na hindi mo dapat abusuhin ang talent na ibinigay sa ’yo, and dapat talaga merong tamang management ng oras mo. Yun.

“Dahil nung araw, ’kala ko hindi na magrereklamo ang katawan ko sa trabahong ito kahit na anong p’wersa gawin ko—pero mali pala.”

Kung ilalarawan niya ang patapos nang taon sa pamamagitan ng isang kanta, ano ito at bakit?

Tugon ni Gloc, “Yung isang song sa Mga Kwento Ng Makata, ‘Bakit Hindi.’”

Ang ‘Bakit Hindi’ ay collaboration nina Gloc-9 at Billy Crawford. Ang mga kataga ng chorus nito ay:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wag mangarap ng basta simple, at umasa lagi sa libre.

"‘Bakit hindi? Bakit hindi?’ Yan ang sabihin sa sarili.”

Kung meron man daw siyang resolution sa darating na 2014, ito ay ang ayusin ang kalusugan niya para sa pamilya pa rin.

“Resolution ko siguro, makapagtrabaho para sa mga anak ko, and try to stay fit.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN