Zanjoe Marudo amused by rumors of "cool-off" with Bea Alonzo: “Pambata lang ang cool-off. Pang-high school lang yun.”

Zanjoe explains why he captioned the photo of himself and Bea on Instagram with "cool-off": “Siguro dahil matagal na akong walang litrato naming dalawa sa Instagram, so nung nag-post ako habang nagdi-dinner kami, nag-iisip ako kung ano ba ang magandang caption. Wala siyang maisip, wala rin akong maisip, so sabi ko, ’Cool-off na lang kasi lagi naman tayong cool-off, e.’ Di ba lagi kaming nai-issue na cool-off?”


Matagal nang nai-isyu na cool-off diumano ang mag-boyfriend na Bea Alonzo at Zanjoe Marudo.

Lalo itong napag-usapan nang mag-post kamakailan ang aktor ng caption na “cool-off” sa larawan nila ng aktres sa Instagram.

Sa solidarity concert ng ABS-CBN na Kuwento ng Pasko, Pag-Asa, Pagbangon noong nakaraang December 10, sa Smart Araneta Coliseum, agad na ipinaliwang ni Zanjoe kung bakit nag-post siya ng ganitong caption.

Ayon kay Zanjoe, “Siguro dahil matagal na akong walang litrato naming dalawa sa Instagram, so nung nag-post ako habang nagdi-dinner kami [ni Bea], nag-iisip ako kung ano ba ang magandang caption.

“Wala siyang maisip, wala rin akong maisip, so sabi ko, ’Cool-off na lang kasi lagi naman tayong cool-off, e.’

“Di ba lagi kaming nai-issue na cool-off?

Sa kabila ng mga bali-balitang issue na cool-off sila ng aktres, siniguro naman sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ni Zanjoe na hindi sila umabot sa ganitong punto ng kasintahan.

“Okay na okay kami ni Bea. Pambata lang ang cool-off. Pang-high school lang yun,” dagdag pa niya.

LACK OF TIME? Matagal nang issue na ang kakulangan daw ng oras ang isang rason ng pagkakatampuhan nila Bea at Zanjoe. Pero ayon naman sa aktor, naresolbahan na nila ang isyu tungkol sa oras.

Patuloy pa niya, “Naiintindihan na namin yun, kasi nag-mature na kami.

"Trabaho ito e, kailangang pagbutihin. Wala na talagang pinag-aawayan.

“Minsan nga nagdyu-joke na lang kami na nag-aaway, kasi wala na kaming pag-awayan.

"Saka darating at darating naman ang oras na magkaka-oras ka, di naman tatagal nang ganung katagal yun.

“Like ngayon Christmas vacation, lahat ng oras nasa amin.

“Siyempre pag trabaho, kailangang i-priority ang trabaho.

"Mamaya, reklamo kami nang reklamo ng oras, ibigay sa amin ang lahat ng oras, wala kaming trabaho.

“Di naman pinag-aawayan, naiinis ka lang sa sarili mo na di na kami nagkita, di na kami magsama, kasi walang oras.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MORE MEANINGFUL CHRISTMAS. Sa nalalapit na Kapaskuhan ay balita na may plano ang dalawa na pagsamahin ang pamilyang Zarudo at Alonzo sa isang selebrasyon.

Pagkumpirma ni Zanjoe, “Same, same pa rin. Hayun, kasama ang family, kasama si Bea. Noche Buena.

"Nagawa na naman namin yun. Siguro, this year ganun pa rin ang naiisip namin.”

Kasalukuyang abala sa seryeng Annaliza kung saan gumaganap siya sa papel na Guido, si Zanjoe ay masaya sa patuloy na suporta at mataas na ratings ng nasabing serye.

“Siyempre, mas nakaka-inspire na magtrabaho kami. Yun naman yung mga bagay na nakakapagpawi ng pagod, puyat, at hirap.

“Siyempre sa mga tao sa harap at likod ng kamera, sa direktor namin, si Direk Ruel Bayani, na talagang pinaghuhusayan nila ang pagbuo ng isang show para sa pamilyang Pilipino.

“Yun naman ang tema ng Annaliza, para sa pamilyang Filipino, kung paano magiging magandang halimbawa kami."

Isa si Zanjoe sa mga artistang nakiisa sa solidarity event ng ABS-CBN para sa Yolanda victims, at para sa kanya raw ay mas makahulugan ngayon ang Christmas special na ito ng Kapamilya network.

Pag-amin niya, “Thankful ako na taun-taon, parte ako ng Christmas special ng ABS.

"Siyempre, mas espesyal ngayon kasi para ito sa mga kababayan natin na naging biktima ng Yolanda.

“Mas tahimik, mas may puso, kumbaga para i-uplift ang mga kababayan nating nalulungkot.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN