Rufa Mae Quinto felt "weird" that hours-long MTRCB mandatory conference focused on her body parts

Rufa Mae Quinto says the MTRCB treated her well: “...natutuwa ako sa MTRCB kasi they were ano naman, they explained it well. They find time for me, and they treat me well."

But she still felt weird during the mandatory conference: “Nakaka-ano lang kasi, yung buong umaga hanggang tanghali, ilang oras yun, na ang usapan ay yung tungkol nga sa katawan ko... Lahat ng board members, may isa-isa silang opinion, and they’re talking about


Inilahad ni Rufa Mae Quinto ang karanasan niya sa pagharap sa board members ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) noong nakaraang Lunes, December 9.

Kasamang humarap ni Rufa Mae sa MTRCB ang komedyanteng si Michael V, ang Bubble Gang director na si Uro dela Cruz, at ang GMA Network program manager na si Bang Arespacochaga.

Matatandaang noong December 3 ay nakatanggap ng summons mula sa censors board ang komedyante—sampu ng creative team at production staff ng comedy show ng GMA Network na Bubble Gang—para sa isang “mandatory conference” na itinakda ng MTRCB para sa December 9.

Natuloy nga ito. Sa araw ding iyon ng December 9, nagkuwento si Rufa Mae sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa last taping day ng Bubble Gang para sa 2013, sa isang GMA studio.

Read: Bubble Gang team attends "productive dialogue" with MTRCB

Una nang napabalitang ipinatawag ang Bubble Gang ng MTRCB dahil sa eksena nina Rufa Mae at Michael V, sa regular segment ng show na “D Adventures of Susie Luwalhati,” na umere noong November 29, 2013.

Read: MTRCB summons Bubble Gang over sexist gag




THE PUTO BUMBONG SEGMENT. Ang kontrobersyal na eksenang nakatawag ng pansin ng MTRCB ay ang “puto bumbong" segment, kung saan tinataktak ni Rufa Mae ang puto bumbong habang gumagalaw-galaw ang kanyang dibdib.

Kuwento ni Rufa Mae sa PEP, kasama nga niya si Michael V sa MTRCB mandatory conference.

“Si Michael V, as part of the creative team ng show, and at the same time siya yung ka-eksena ko na pinag-applayan ko. Kasi siya yung may-ari ng puto-bumbong. Tapos ako, uhm, nag-apply.

“Tapos nung ginawa ko yung pagtaktak nang ganoon, uhm, hindi ano, medyo green naman talaga yung joke namin. Kaya nga siya tinawag na ’Susie Luwalhati,’ e.

“Nandiyan na siya since nag-anniversary kami, and nag-work at nagustuhan nila [public]. So, pang-ilang ano [episode] na rin yan, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Di ba nung anniversary contest pa ‘yan? ’Next Big, Big Star’ ‘yan noon. Kaya lang siyempre, naisip namin, maraming puwedeng puntahan.

“Hindi lang pag-apply sa kanta. So, yun na nga, may nagbu-boksing, may nagdya-jumping rope na napapanood nila, at saka nagdyi-jingle bells, yung nangangaroling.

“Tapos, marami nang ipinalabas dati. Ang anniverasary namin is October pa, e, December na ngayon.”

Ano ang rason ng MTRCB sa ginawang pagpapatawag sa kanila?

Ayon kay Rufa Mae, “Ang sinasabi naman ng mga guys sa MTRCB, okey naman sa kanila, kaya lang, yung mga bata sa gabi.

"Kaya lang, ang point ko naman, sabi ko, ’I did it kasi nandoon naman si Bitoy.’

“I mean, hindi naman malaswang tao si Bitoy. Kumbaga, parang, kung naniniwala siyang it’s for fun, it’s comedy, ako rin.

“Kasi siyempre, kaya nga napansin din siguro at saka... Pero, ako, nung nakita ko na yun, alam ko, na-feel ko, ‘Ops, hindi kaya?’

"Hindi ko naman naisip. Ang naisip ko, puto-bumbong, ginagamit ‘yan, di ba, pang-simba? So, akala ko, basta na-feel ko lang, ‘Tama ba ‘yun?’ Kasi ang suot ko naman, hindi ako naka-cleavage.

“Hanging-blouse ang suot ko. ’Tapos, sabi ko naman nung in-approve nila yun, e, di tapos. E, sila naman ang mag-e-edit.

"Sila naman ang ano, ang explanation ko roon. Ang sa akin lang, nandiyan ang director, nandiyan silang lahat, at approved.

“Kasi sa tagal kong kasama si Bitoy, at sa Bubble Gang kung titingnan ninyo, may mas matindi pa kung boobs at boobs lang din, di ba?

“E, noon, lahat kami sexy—si Ara [Mina], si Diana [Zubiri], si Francine [Prieto]—talagang yun ang ganap.

“Kumbaga, dati pa nga meron pa kami noon mga nagbe-belly dancing. Meron pang naka-tangga lang kami sa sofa, matagal.

“So, parang ngayon nga lang yung hindi na gano’ng ka-boobs ang requirement. It just so happened, nung ginawa namin ‘to, na nag-hit siya. So, kaya naging regular segment siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tinutukoy ni Rufa Mae na segment ng Bubble Gang na nag-hit ay ang "D Adventures of Susie Luwalhati.”


MTRCB EXPLAINS. Ninerbyos ba siya habang kaharap ang board members ng MTRCB?

“Hindi, e. Ang ano ko lang, siyempre, parang buong maghapon. Of course, sabi ko, ’Thank you. I appreciate it.’

“Ako, I’m just doing my job, and besides, sabi ko, alam ko na merong joke na medyo tungkol sa... Actually, hindi ko naisip yun, na parang medyo nagma-masturbate yun or kung ano?

“Kasi ang nasa isip ko, yung boobs ko, kasi Susie nga, e. Hindi talaga ako... yung feelings ko, yung acting ko, talagang tinataktak ko lang.

“Pero ang joke kasi, yung Susie, yun lang. Puwedeng dahil sa boobs, di ba? Pero my boobs has been there on national TV forever.

“So, parang in twenty years, alam ko naman kung paano mag-balanse ng comedy na hindi malaswa. Kaya nga cute, sabi ko, naka-pony tail ako.

“Meron naman nagsabi doon na parang tatanga-tanga raw, parang inosente. Kasi yun naman yun e, yung parang hindi ko alam na pinagtatawanan ako ng mga guys.

“E, for me naman, siyempre, whatever it takes na mapatawa ang tao, yun lang naman ang concern ko bilang artista, at saka kung okey lang naman.

"Hindi naman ako nakikipag-sex dito. Di ba, wala namang nakita?

"So, I didn’t see any... but, of course, I’m thankful kasi in-explain nila [MTRCB] lahat.

“As in, ngayon ko lang naintindihan na may ibang babae raw na hindi raw natatawa, natutuwa. Kasi parang nau-offend sila.

“But for me, first time ko narinig yun!

"Sa akin kasi, una sa lahat, kung ano ang iutos sa akin ng director ko. Sa tagal ko, sabi ko nga ilang years na ako rito, wala namang ganyan,” paliwanag niya.


PAST MTRCB SUMMONS. Ito raw ang ikatlong beses na personal na nagpunta si Rufa Mae sa opisina ng MTRCB.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagbalik-tanaw niya, “SOP pa lang, meron na, dalawang beses." Ang SOP ay Sobrang Okey Pare, ang dating Sunday afternoon musical variety show ng GMA.

Pagdetalye ng komedyante, “Yung birthday ko na nag-tumbling ako, na parang petchay [private part] ko naman daw yung nakita.

"Pero hindi, kasi maputi ako. So outdoor yun, yung production number ko, siyempre nagta-tumbling ako, naka-shorts ako, di ba?

“Tapos yung isang beses, lumabas ang boobs ko ’ata sa dulas or sa sobrang gulo ko. Madulas, e, backless. E, since silk, kakaganun-ganoon ko, lumabas."

Sa pangatlong pagkakataong ito, hindi raw sumagi sa isip ni Rufa Mae na magkakaproblema.

“This time, naniniwala ako na hindi siya bastos, green lang. Medyo naughty, pero hindi bastos.

"Hindi ko naisip actually na yung pagtaktak, ang joke na anong tawag doon—salsal? bati?”



LESSON LEARNED. Ano ang natutunan niya pagkatapos niyang magpaliwanag sa MTRCB?

Pag-amin ni Rufa Mae, “Wala, respetuhin mo lang din kung ano nag gusto nilang sabihin. Respetuhin mo rin kung ano ang opinion ng ibang tao.

“Anyway, you can’t please everybody. Basta, siyempre, as an artist I’ll just do my job and, as a comedian, as Best Comedy Actress. Tsarot! Hahaha!”

Si Rufa Mae ang itinanghal bilang Best Comedy Actress sa 27th PMPC Star Awards For Television na ginanap noong November 24, sa AFP Theater sa Camp Aguinaldo.

Ito ang ika-pitong Best Comedy Actress ni Rufa Mae mula sa Star Awards, at pang-apat para sa pagganap niya sa Bubble Gang.

Dagdag niya, “Ay, thank you nga pala for believing in me.

“I think wala akong dapat baguhin. Kasi, kung meron man, dapat ang mag-edit, e, editor or sina Direk, di ba? Wala akong ano diyan.

“Pero natutuwa ako sa MTRCB kasi they were ano naman, they explained it well. They find time for me, and they treat me well.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakaano lang kasi, yung buong umaga hanggang tanghali, ilang oras yun, na ang usapan ay yung tungkol nga sa katawan ko. Kumbaga, parang do I really have to hear all those things, di ba?

“Parang ikaw kaya? Yun yung mas nakaka-offend, di ba?

"Pero siyempre, hindi naman ako pikon or naiintindihan ko, kumbaga, yung eksena.

"Pero sobrang nakaka-ano lang, weird lang feeling na lahat ng pinag-uusapan, yung boobs mo.

“Parang, sa akin, ‘E, boobs ko ’to.’

“So, parang kung anuman ang gusto kong ilabas at isuot, e, gagawin ko, di ba?

“Pero hindi ko naman ilalabas nang buong-buo. Hahaha! At hindi naman puwede yun sa TV!

"Twenty years na ako sa industriya. I mean, half-half lang, hahaha! Pasilip-silip lang, yes!

Sinabi rin niyang maayos silang naghiwalay ng MTRCB board. "And I’m sure they’ll be happy. At least, nabigyan ako ng proper guidelines.

"Kasi yung noon, parang nag-sorry na rin ’ata ako, e. Kasi mabilis lang yun, e.

“Si ano pa ‘yun, Consolacion Laguardia [former MTRCB chairperson]. Lagi niya akong pinapatawag noon, weekly-weekly ’ata, haha!

“Pero ngayon kasi parang panel na talaga. Lahat ng board members may isa-isa silang opinion, and they’re talking about your ano, boobs.”

Hindi niya nagustuhang pinag-uusapan ang kanyang private part?

“Awkward, e. Parang I cannot stand there hearing everyone saying all those words to me. Kumbaga, ano, yun lang,” malungkot niyang sabi.

Paano natapos ang meeting nila ng mga MTRCB officers?

“Okey naman, masaya. Sabi ko, ‘So, magsaplot-saplot na ba?’

“Sabi nila, magkita-kita raw ulit. Siguro, yung mga writer na lang. Hindi na ako doon.”

Wala namang ibinigay na parusa o sanction sa kanya?

“I hope so. I think so,” nag-iisip na sagot ni Rufa Mae.


STICKING TO SEXY IMAGE. Dahil sa kontrobersiya, babaguhin na ba niya ang style niya nang pagsuot ng mga seksing damit?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi, e. Kasi si Direk [Uro dela Cruz] nga ang nagsabi, bakit daw hindi masyadong kita yung boobs ko? Parang yung damit ko, kasi nung nag-start ako, bra lang talaga. Talagang umaapaw.

“Pero kasi, wala, ayoko nung ganoon, e. Kaya nga maluwag na yung suot ko, e. Parang nag-i-ilusyon na lang.

“Kaya lang, dahil ako nga si Booba, nakaano na, ano na talaga, laughing stock na talaga yung boobs ko.”

Si Booba ang karakter ni Rufa Mae sa kanyang pelikulang Booba, na ipinalabas noong 2001, kung saan tumatak sa mga manonood ang role niya bilang isang seksing tatanga-tanga.

Nasundan pa ito ng pelikulang Masikip sa Dibdib (Ang Tunay na Buhay ni Boobita Rose), na ipinalabas naman noong 2004.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN