Joyce Ching shuns dating after split with Kristoffer Martin; laughs off rumors that Dormitoryo co-stars Teejay Marquez and Ruru Madrid are wooing her

Joyce Ching on the prospect of being courted by Teejay Marquez or Ruru Madrid: “Talaga lang ha? Si Teejay kasi, matagal ko nang kaibigan ‘yan. Wala naman akong nararamdaman na may balak siyang manligaw. Nagkikita kami madalas pero wala naman siyang nasasabi. Pero mabait na tao si Teejay. Hindi ko lang ma-get kung seryoso ba siya sa sinabi niyang ‘yan. Si Ruru naman, marunong na ba siyang manligaw? Hindi nga ako malibre niyan ng Jollibee, e, tapos manliligaw


Kahit walang boyfriend ngayong Pasko si Joyce Ching, hindi naman daw magiging malungkot ang kanyang Christmas.

Nandiyan pa raw ang kanyang pamilya at mga kaibigan para pasayahin siya ngayong Pasko.

“Hindi naman rason para malungkot ka ngayong Christmas dahil wala kang boyfriend.

"Maraming ways para maging happy ka. Hindi lang lalake ang nagpapasaya sa babae, di ba?” tawa pa ni Joyce nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Mesa restaurant sa Tomas Morato Ave., Quezon City, noong nakaraang December 5.

Nakadalawang Pasko na sila ng kanyang ex-boyfriend na si Kristoffer Martin, kaya ngayong taon ay maiiba ang kanyang Pasko dahil single na ulit siya.

“Two years din kaming nagkasama tuwing Christmas ni Kristoffer. Kumbaga, nakasayanan ko na rin.

“Pero dahil sa mga nangyari, magiging iba na nga this year.

"Pero like what I said nga, nandiyan naman ang family and friends ko. Kaya happy pa rin ang Christmas ko,” sabi pa niya.



STILL FRIENDS. Welcome pa rin naman daw si Kristoffer sa bahay nila ngayong Pasko. Malaya pa rin naman daw itong dalawin siya kung gugustuhin nito.

“Oo naman, bakit naman hindi? Friends pa rin naman kami ni Kristoffer.

“Kahit na nangyari nga ito sa amin, we still remain friends.

"Nagkukumustahan pa rin naman kami from time to time.

“Kung gusto niyang dumalaw sa Pasko, okey lang at welcome pa rin siya. Walang magtataboy sa kanya.

“Sabi nga ng parents ko, kung tao siyang matino na pumunta ng bahay, matino rin namin siyang tatanggapin,” diin niya.

Wala raw munang balak na makipag-date si Joyce pagkatapos ng kanyang two-year relationship with Kristoffer.

Kahit na marami raw nirereto sa kanya ang mga co-stars niya sa weekly series na Dormitoryo, maayos naman niyang tinatanggihan ang mga ito.

“Natuwa naman ako sa mga efforts ng mga kasamahan ko sa Dormitoryo... Sila pa ang nagbibigay sa akin ng makaka-date na bago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ramdam ko ang concern nila sa akin. Akala kasi nila sad ako, pero hindi naman na.

"Naiiyak ko na nang ilang araw ang mga nangyari kaya move on na ako.

“Pero huwag naman muna ngayon. Gusto ko munang magpaka-busy sa trabaho.

“Hindi pa ako ready to get into dating. Siguro next year na lang kapag mas okay at ready na ako,” dagdag pa niya.



PROSPECTIVE SUITORS? May balitang gusto siyang ligawan nina Teejay Marquez at Ruru Madrid.

“Talaga lang ha?” sabay tawa ni Joyce.

“Si Teejay kasi, matagal ko nang kaibigan ‘yan. Actually, pareho pa sila ng manager ni Kristoffer.

“Wala naman akong nararamdaman na may balak siyang manligaw. Nagkikita kami madalas pero wala naman siyang nasasabi.

“Pero mabait na tao si Teejay. Hindi ko lang ma-get kung seryoso ba siya sa sinabi niyang ‘yan.

“Si Ruru naman... marunong na ba siyang manligaw?

"Hindi nga ako malibre niyan ng Jollibee, e, tapos manliligaw pa siya?

“Nag-birthday nga ‘yan kelan lang, 16 years old na raw siya. Pero hindi man lang nagpakain sa set. Hindi man lang um-order ng Jollibee!

“Pero love namin ‘yang si Ruru. Sarap paglaruan ang bata.

“Kaya hindi pa siya puwedeng manligaw. Hindi pa siya ready.

“’Tsaka ang alam ko, hindi niya type ang mga kaedad namin. Type niya mga may edad na.

"Kaya imposibleng ligawan niya ako.

“Baby namin ‘yang si Ruru, kaya dadaanan muna sa amin sila Winwyn [Marquez] at Lauren [Young], ang mga balak niyang ligawan!” tawa pa ulit ni Joyce.

Matatapos na nga ang Dormitoryo pero may follow-up project na agad si Joyce at mukhang makakasama pa niya sa naturang project ang kanyang ex-boyfriend.

WORKING WITH KRISTOFFER SOON. Pagtatambalin si Kristoffer Martin at Bea Binene sa isang teleserye na may working title na Isla. Hindi pa alam ni Joyce ang magiging role niya.

“Feeling ko kontrabida ako!” sabay tawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi naman, masyado silang naaliw sa pagiging maldita ko sa Dormitoryo kaya okey lang na kontrabida ako ulit.

“’Tsaka okey lang naman ako to work with Kristoffer. Trabaho naman ’yon at walang dapat mabago porke’t naghiwalay kami.

“’Tsaka friends naman kami kaya walang magiging problema kapag magkasama ulit kami sa iisang show.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN