Lovi Poe on Rocco Nacino: “He never failed to make me feel special.”

Lovi Poe on her intense kissing scene with co-star Rocco Nacino in Akin Pa Rin Ang Bukas: “Kasi, yung scene, pinag-aralan talaga namin ni Rocco, pinag-usapan namin. It has to be. Actually, si Lovelia, against siya noon, e. First time nilang magki-kiss. So, for people to actually believe it, kailangan sabik kayo sa isa’t isa. Doon mo makikita na she’s still in love. So, pinag-usapan namin ni Rocco na it shouldn’t be a simple ki


Sa ibang bansa sana magpa-Pasko si Lovi Poe para samahan ang nakababatang kapatid na si Mariella, pero naiba ang plano ni Lovi, kaya ipagdiriwang na raw niya ang Pasko sa bagong bahay niya.

Kasalukuyang nag-aaral si Mariella sa San Francisco, California, at plano sana ni Lovi na pumunta doon kasama ang kanilang ina.

Kuwento pa ni Lovi sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa taping ng serye nila sa Antipolo City, noong Miyerkules, December 10:

“Kasi nga, my sister misses everybody here. So, I told her, baka mas gusto niyang pumunta rito, see her friends, since she’ll go back din naman.

“Kaya, I’m here lang. I’ll be here lang.”

At dahil mataas ang rating ng kanilang primetime series na Akin Pa Rin Ang Bukas (APRAB), kung sakaling manghihingi raw na extension ang Kapuso network ay okay lang sa kanya dahil nandito lang naman siya.

Ano ba ang pakiramdam niya na mataas ang rating nila?

“I’m very happy, it is so unexpected,” nakangiting sabi niya.

“Everybody’s just working really hard. Noong naririnig nga namin, siyempre, we don’t listen to that na.

“Parang hindi na namin masyadong pinagtutuunan ng pansin, as long as we do our best here. Ibinibigay namin ang buong puso namin sa show, mas nakaka-inspire.

“Kasi nga, lalo na yung response ng mga tao.”

PALABAN” CHARACTER. Hindi masasabing kasing-taas ng rating nila ngayon ang naitala ng Akin Pa Rin Ang Bukas noong una.

Nang magbago na ang karakter ni Lovi, na mas naging palaban na, tila yun ang nagustuhan ng mga manonood.

Mas gusto siya ng tao na palaban at hindi api-apihan lang?

“I think so,” nakangiti niyang sabi.

Nagkukunwaring may amnesia si Lovi sa serye.

Sa totoong buhay, naranasan na rin ba niya ang magkunwari?

“Ah, none naman, none naman so far. I don’t think so,” pagtanggi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But it’s hard ha, it’s hard.

"It’s okay to act, but in real life, hindi ako makakatingin nang diretso sa mata.”

Pero, ano ang pakiramdam na mas gusto pala siya ng manonood na lumalaban ang karakter niya?

“Ever since, noong nag-start ako, they were all waiting for, ’Nasaan na ba siya? Nasaan na ang palaban?’ They were all waiting for that, e.

“So, parang na-excite rin ako. Mahirap din yung palagi akong umiiyak, hindi marunong lumaban.”

Mabilis namang sumagot ng, “Of course,” si Lovi nang tanungin ito kung, sa tunay na buhay, naranasan na rin niya ang apihin.

“Pero hindi ako... my gosh, marami na, marami na talaga.”

Doon siya humuhugot para maging makatotohanan ang role niya sa serye?

“Oo, doon ako humuhugot, although...”

Bata pa lang siya, naranasan na niya ang maapi?

“Oo, bata pa lang,” sagot niya.

“Naranasan ko nang maapi, but hindi ko pa naranasang lumaban katulad ni Lovelia.”

KISSING SCENE WITH ROCCO. Inintriga naman ng ilang entertainment press si Lovi na kaya raw nag-iba ang plano niyang mag-Pasko sa ibang bansa ay dahil ito ang ni-request sa kanya ng rumored boyfriend na si Rocco Nacino.

Natawa si Lovi at sinabing, “Hindi, hindi naman. Nagkataon lang talaga na hindi na talaga ako pupunta.”

Bumaling naman ang press sa naging kissing scene nila ni Rocco, na ipinalabas ilang araw pa lang ang nakalilipas.

Natatawa si Lovi na tila nahihiya, bago sinabing, “Kasi, yung scene, pinag-aralan talaga namin ni Rocco, pinag-usapan namin. It has to be.

“Actually, si Lovelia, against siya noon, e.

“First time nilang magki-kiss. So, for people to actually believe it, kailangan sabik kayo sa isa’t isa.

“Doon mo makikita na she’s still in love.

"So, pinag-usapan namin ni Rocco na it shouldn’t be a simple kissing scene.

“Ako, I hate it when I watch a movie or anything na yung kiss lang, not how you see it in real life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, parang I prefer na kahit it looks too much, it’s really like that in real life,” paliwanag niya.

Kumusta ang naging feedback?

“Ang daming nag-tweet! ’Masyadong hard, hard!’” sabi nila.

Sa ngayon, hindi pa raw alam ni Lovi kung sino ang makakatuluyan niya sa Akin Pa Rin Ang Bukas—kung si Rocco o si Cesar Montano.

Kung siya ang masusunod, sino ang gusto niya?

“Mahirap, e,” saad niya.

“I want it to be an open ending. Yung tipong bahala nang mag-isip ang tao.”

CHRISTMAS GIFT FOR HERSELF. Kung may gusto siyang ibigay na Christmas gift sa sarili niya, ano yun?

Kuwento niya, “Siguro after APRAB, pahinga ako for a while, siguro a few weeks lang.”

Dito lang ba sa bansa o out of the country ang plano niya?

Patuloy pa ni Lovi, “I don’t know nga, e. Kasi, paiba-iba ’ko ng isip, so I don’t know yet.

"Maybe, sa February pa, I will go to Poland for the wedding of my uncle.”

May mga plano na siya para sa 2014?

Aniya, “Hopefully, soap na pinag-uusapan namin ni Tito Leo [Dominguez, her manager], pero iniisip pa lang namin.”

Sa kontrata raw na pinirmahan ni Lovi sa GMA, may karapatan na raw siyang magbigay ng komento o feedback sa anumang ipagagawa sa kanya.

“Yes, very hands-on. Parang may meeting kami, ganyan,” pagsang-ayon niya.

Ang APRAB, konsepto na rin niya?

“May kasama na rin kami nila Tito Leo. So, everytime na may gusto kami, sila rin, nagbi-brainstorm,” paliwanag ni Lovi.

FORGETTABLE MOMENTS IN 2013. Tinanong naman si Lovi kung may pangyayari sa buhay niya ng taong 2013 na gusto na niyang kalimutan sa pagpasok ng 2014.

Ayon naman kay Lovi, “Wala, e, wala akong gustong kalimutan.

"Meron siguro noong 2012, 2011. Meron pa noong time na yun, pero ngayon, hindi na.”

Kahit yung “breakup” issue sa kanila ni Jake Cuenca, ayaw niyang kalimutan na lang?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala na, e,” nakangiting sabi niya.

“I’m very much happy now.”

Napa-wow naman ang ilang entertainment press sa naging pahayag niya.

Kaya pinasundan sa kanya ang sariling pahayag na "very much happy" na siya dahil...?

“I’m very much happy now because ... of love,” natatawang sabi niya.

VERY SWEET.” Nasabi naman ni Rocco Nacino na sa lahat daw ng babaeng naugnay o naging close rito, si Lovi raw ang “special.”

Sinasabi rin ba sa kanya ni Rocco yun?

“Ah, wala naman,” natatawang sabi niya.

“But he’s very sweet naman. He’s very sweet sa akin. He never failed to make me feel special.”

Sa panayam ng PEP kay Rocco, ikinuwento nitong tinulungan daw niya si Lovi sa pagbuo ng Christmas tree sa bagong tahanan ng dalaga.

Tinanong namin si Lovi kung ano ang masasabi niya tungkol dito.

“Yes, my gosh, pinagtatawanan nga niya ko,” natatawa niyang sagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN