Coco Martin pitches in for relief efforts in the Visayas; avoids fanfare

Speaking on behalf of his shy and reticent talent Coco Martin, talent manager Biboy Arboleda discloses the star’s long-kept "secret": “Sometime, bago mag-Christmas eve, meron siyang two charities here [in Metro Manila] na hindi ko dini-declare. Hindi ko pini-press release—ever. For the past five years. Yes, alaga ni Coco ’yan, every Christmas! So, yun ang Pasko niya, basically, since wala siya ngayong tine-taping na teleserye.”&l


Marami ang pinagkaabalahan ni Coco Martin nitong mga nakaraang araw. At hindi pangsarili ang pinagpapaguran niya.

Matapos dumalo ang award-winning young actor sa ABS-CBN Christmas Special noong Wednesday, December 11, at sa Anak TV Awards noong Thursday, December 12, sinimulan na ni Coco ang personal na pakikibahagi sa outreach program para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Ang unang bahagi nito ay ginanap noong December 12 sa Villamor Air Base, Pasay City.

“Ito yung project niya [Coco] para sa mga bata na na-traumatize ng Yolanda, na nasa Villamor pa ngayon,” banggit sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ni Biboy Arboleda, ang personal manager ni Coco, kaninang hapon, December 14.

Ayon din sa manager ng aktor, marami na ang tumutulong sa mga bata, pero siniguro ni Coco na personal siyang dadamay sa mga ito, at yun nga ang ginawa niya nang hapong ’yon.

Ang lalo pang ikinatuwa ng mga bata ay nang makita nang personal ang inidolong bida sa ABS-CBN teleseryeng Juan dela Cruz, kasama ang iba pang naging bahagi ng programa, na naghandog ng kaunting kasiyahan at mga regalo.

Kahapon, December 13, lumipad naman sina Coco at mga kasamang ABS-CBN staff ni Biboy patungong Tacloban, Leyte.

Ilang oras ang inilagi nila, para magbigay ng tulong sa mga nasalantang kababayan doon at maghandog ng maikling programa bilang pampasaya sa mga ito.

Kaninang hapon, December 14, nasa Philippine Children’s Medical Center naman sina Coco at ang mga kasama.

Ito’y pagtulong sa isinasagawa ng grupong pinamumunuan ni Biboy—ang Dreamscape—na bahagi sina Coco at iba pang talents ng ABS-CBN.

Agad ngang nakabalik ang aktor, para pa rin sa mga tinutulungang mga kabataan.

Pero ayaw magsalita ni Coco tungkol sa mga ginagawa niyang outreach programs, kaya ang kanyang manager ang nagbigay ng impormasyon sa PEP.

“Gano’n lang ang Pasko niya, puro pagtulong,” malugod pang wika ni Biboy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Next week, sa Martes [December 17], sa Ormoc [Leyte] naman kami pupunta.”

Kaugnay naman daw ito ng proyekto ni Congresswoman Lucy Torres-Gomez.

Dagdag pa ni Biboy, “Magbibigay naman siya [Coco] ng tulong sa mga nasalanta doon [Ormoc, Leyte].”

UNDECLARED CHARITIES. Ayon din sa manager niya, mayroon ding charity work si Coco na hindi niya inaanunsiyo sa media.

Patuloy pa ni Biboy, “Sometime, bago mag-Christmas eve, meron siyang two charities here [in Metro Manila] na hindi ko dini-declare.

“Hindi ko pini-press release—ever. For the past five years.

“Yes, alaga ni Coco ’yan, every Christmas!

“So, yun ang Pasko niya, basically, since wala siya ngayong tine-taping na teleserye.”

CANCELLED CHRISTMAS PARTIES. Bukod sa mga nabanggit, dumadalo rin si Coco sa mga Christmas party ng mga kumpanyang kabalikat niya sa kanyang product endorsements.

“Marami sa mga endorsements niya ang tumutulong sa typhoon relief, o mayroong typhoon relief operations.

“Marami rin sa kanila ang mga nag-cancel na ng mga Christmas parties, para imbes na gumastos sa parties, ibigay na lang [ang pondo] sa mga nasalanta.

“So maganda rin. Pero may iba na tumuloy pa rin, hindi nga lang masyadong magarbo [ang parties],” banggit pa ni Biboy.

MAKING UP FOR FAMILY ON CHRISTMAS. Ayon kay Coco, karamihan ng mga Christmas wishes niya ay para sa kanyang pamilya.

“Family lang, as usual, oo. Family time,” sambit naman ng aktor sa maikling interview niya sa PEP.

Dagdag ulit ng kanyang manager, “Yung kanyang pagbibigay-saya, pagsi-share ng blessings... tapos, quality time with his family, du’n talaga naka-focus sa ngayon si Coco.

“Kasi, nung mayroon pang Juan dela Cruz, nagte-taping siya, halos araw-araw. Wala siyang time sa mga kapatid niya—sa Papa niya, sa Mama niya, at mga pamangkin.

“So, ngayong Pasko, babawi naman siya,” paniniguro ni Biboy.

Paano naman ia-assess ni Coco ang kanyang nakaraang taon?

“Maganda po, siyempre. Maraming blessings na dumating at dumarating.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagpapasalamat po ako doon.

“Pero nakakalungkot, dahil sa nangyayari sa Pilipinas, di ba?

“Hindi lang ako [ang apektado]... kahit papa’no, lahat po naman tayo naaapektuhan.

“Siyempre, kaya naman tayo nabubuhay, sabi nga nila, hindi para sa atin lang o sa pamilya.

“Kumbaga, para sa lahat yan, e,” makahulugang sambit pa ni Coco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN