President Benigno "Noynoy" Aquino III wants an end to issue between DILG Secretary Mar Roxas and Mayor Alfred Romualdez

While President Benigno "Noynoy" Aquino III cries foul over Mayor Alfred Romualdez’s criticisms of the administration’s relief operations in Tacloban, he also acknowledges the mayor’s plea for understanding owing to the immensity of the problems the local official is dealing with in the province.


Dinepensahan ni Presidente Benigno “Noynoy” Aquino III si Department of Interior and Local Government Secretary (DILG) Mar Roxas, na napupulaan ng publiko kaugnay ng banggaan nila ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez.

Nakausap ng Philippine media si PNoy sa Japan, kung saan dumalo ang Pangulo sa ASEAN-Japan Commemorative Summit.

Ayon sa ulat ng GMA News program na 24 Oras kagabi, December 14, ipinaliwanag ni PNoy na kailangan talagang magkaroon ng malinaw na kasunduan sa pagitan ng DILG secretary at ng city mayor, na siyang punto ni Roxas.

Ito ay dahil daw hindi basta-basta ang pagri-release ng pondo mula sa national government.

Bukod dito ay hindi raw maaalis na magkaroon ng kulay ang ano mang hakbang na gagawin ng administrasyon, lalo pa’t kilalang magkalaban sa pulitika ang pamilya Aquino at pamilya Marcos-Romualdez.

Saad ng Pangulo, “The budget of DPWH [Department of Public Works and Highways] normally is meant only for national infrastructure.

"And ‘di natin maaalis, yung pinsan niya [Romualdez], miyembro ng minority, tsaka opposition.

“Baka naman ‘pag naayos natin lahat ‘yan, magkuwestiyon sila. ‘Why did you use national funds on a city street?’"

Ang tinutukoy ni PNoy na pinsan ni Mayor Romualdez ay si Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na anak ng yumaong President Ferdinand Edralin Marcos at incumbent Ilocos Norte Representative Imelda Romualdez-Marcos.

Ang ama ni PNoy, na si dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr., ay mahigpit na kalaban ni President Marcos sa pulitika, noong panahon ng panunungkulan ni Marcos sa bansa (1965-1986).

Patuloy ng Pangulo, “Kami, magkakaroon ng dagdag na kulay dahil nagkataon na miyembro kami ng mga pamilyang ito.

"So, ang ipinapakiusap ni Secretary Mar Roxas at that time, ‘Pwede ba nating iliwanag ito?’”

Matatandaang naging malaking usap-usapan ang viral video kung saan mapapanood ang pagpupulong nina Mayor Romualdez at Secretary Roxas tungkol sa relief and rehabilitation efforts sa Tacloban.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilan sa mga hininging tulong ni Mayor Romualdez mula sa national government ay ang pagsasaayos ng main roads at paghakot ng mga nasawing biktima ng bagyong Yolanda sa kanilang lugar.

Sa kabilang banda, hinihiling naman ni Roxas na magkaroon ng pormal na kasulatan kung ano ang inaasahang tungkulin ng local at national government upang maiwasan ang sisihan sa huli.

Kaugnay nito, umani ng batikos ang administrasyon dahil sa sinabi ni Roxas na, “You have to understand, we are talking very straight here. You are a Romualdez and the President is an Aquino.

“And we are being very careful in just taking over because we do not want anything to be misconstrued, misunderstood.”

READ: Mar Roxas hits back at Alfred Romualdez’s camp for "doctored" viral video


UNFAIR TO BLAME PNOY. Naglabas din si PNoy ng saloobin tungkol sa reklamo ni Mayor Romualdez na mabagal ang pagresponde ng national government sa kailangang relief and rehabilitation efforts sa Tacloban.

Ayon kay PNoy, kung may dahilan sa hindi agarang pag-usad ng pagtulong sa Tacloban, ito ay kagagawan ni Mayor Romualdez.

Hindi raw kasi tumupad ang mayor sa tungkulin nito bilang "first respondent" sa kanilang lugar sa panahon ng sakuna.

Tila may kaugnayan ito sa nakaraang pahayag ni Roxas na mismong si Mayor Romualdez ang lumabag sa kautusan niyang ilikas ang mga residente ng Tacloban mula sa danger zones.

Patuloy na pahayag ni PNoy, “Naniwala kami sa kaniya [Mayor Romualdez]. Sasabihin sa amin, ‘Dapat ginawa niyo ito...’

"At sinasabi na nga nila ngayon, at hina-heighten pa, na ang justification, na Aquino ako, Romualdez sila. Palagay ko unfair naman yung ginawa nun.”

STOP THE WORD WAR. Ganunpaman, iginiit ni PNoy na kailangang matigil na ang media war sa pagitan ng mga opisyales, nang makatutok sila nang husto sa pagsasaayos ng mga apektadong lugar na napinsala ng Yolanda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabanggit din ng Pangulo na humingi sa kanya ng pang-unawa si Mayor Romualdez, dahil hindi biro ang karanasan ng mga Taclobanon noong kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Yolanda.

Sabi ni PNoy, “Last time I saw Alfred, he was saying na, ‘You know, please understand, I went through a traumatic experience.

“I may have said hurtful things, and that was never the intention.

“We want to cooperate with you for the betterment of our people.’”

Samantala, nauna nang ipinahayag ni Mayor Romualdez ang kanyang kagustuhang tumutok sa pagbangon ng Tacloban.

Sang-ayon daw siya na dapat mas mabigyang pansin ang pagtulong sa mga biktima ng sakuna kaysa usapang pulitika.

“I also don’t want na maiba yung issue dito. Because the issue now here is to really rehabilitate the people, the city, and all,” sabi ni Mayor Romualdez sa nakaraang panayam ng 24 Oras.

Base rin sa pahayag ng Presidente, ito rin naman ang gustong mangyari ng Aquino Administration.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN