Patricia Javier back in Manila as DJ G Love

Patricia Javier, the former sexy star now known as DJ G Love, gives a quick rundown of her life in the States: “Sa States, yung normal life ko doon as a mom, siyempre sobrang focused sa dalawa kong boys. At the same time, I work for a dermatology clinic. I’m an aesthetician so I do skin care, and then ’yong sa iba namang side I do events, I’m a singer-DJ there. So yung mga fashion shows at iba pang events, ako yung nagdi-DJ. Yung para sa akin kasi, yung


Balik-Pilipinas para magbakasyon nang ilang linggo ang actress turned DJ na si Patricia Javier, na ngayo’y kilala na bilang si DJ G Love.

Sinimulan ni Genesis Canlapan, tunay na pangalan ni Patricia, ang kanyang showbiz career bilang miyembro ng That’s Entertainment noong 1993.

Kasama niya sa kanilang batch sina Ara Mina, Maricar de Mesa, Francine Prieto, at si Isko Moreno, na ngayon ay vice-mayor ng siyudad ng Maynila.

Mas nakilala si Patricia bilang isang sexy actress noong 1999 nang lumipat siya sa bakuran ng Viva Films, kung saan gumawa siya ng ilang pelikula, tulad ng Ang Kabit ni Mrs. Montero (1999), Gamitan (2002), at Operation Balikatan (2003).

Naglabas din siya ng kanyang unang album under EMI Records noong 2002.

Sa kanyang career bilang mang-aawit at aktres, nakapag-concert tour siya sa ilang lungsod ng U.S., kabilang na ang San Diego, California, kung saan nakilala niya si Dr. Robert Walcher noong 1993. Nagpakasal sila noong 1997.

Mula noon ay iniwan na ni Patricia ang showbiz, at tuluyan nang nanirahan sa San Diego, kasama ang kanyang asawa at dalawang anak na lalaki.

Kahit matagal nang wala sa showbiz si DJ G love, napanatili pa rin nito ang magandang hubog ng kanyang katawan.

Kaya naman nang pumasyal ito kamakailan sa DZBB 594, sa radio program ni German “Kuya Germs” Moreno, ay tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Patricia kung ano ang sikreto ng kanyang pangangatawan.

Natatawang pahayag ni Patricia, “Naku, sexy pa rin ba ako? Hahaha!"

Nang sinagot niya ang tanong, sinabi nito, “Siguro, disiplina lang sa sarili, diet—dapat lagi kang nag-e-exercise, dapat alam mo kung ano yung kinakain mo.

“Kasi, if ang goal mo ay mapanatiling maganda ang katawan mo, dapat mag-e-effort ka at gawin at paghirapan mo.

“’Tsaka siguro, dahil na rin sa asawa ko, kasi maganda ang katawan niya, kaya dapat ako ganun din."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong namin kung may plano siyang magtagal dito sakaling may magandang offers.

Sagot niya, “Siguro pag may magandang project, why not, di ba? Para magagawa ko ulit yung mga ginagawa ko noon.

“Kasi kahit ano pa ring mangyari, there’s no place like home, at pag naging artista ka, hindi basta-basta mawawala sa ’yo yun.

“Kahit na sabihin mong mas maganda sa Amerika, ibang-iba pa rin ang Pilipinas.

“Yun bang babalik-balikan mo pa rin siya?

“Like ako, nami-miss ko na rin ang umarte at kumanta.”

Bilang isang wife and mom na ngayon, payagan naman kaya siya ng mister kung sakaling dumating ang ganoong pagkakataon?

Mabilis niyang sagot, “Yes, mabait naman siya, malaki na naman kasi yung mga anak ko.

“Sabi ko sa kanya, kahit mga four months ako dito sa Pilipinas, tapos babalik ka sa Amerika.

“So kung may maganda talagang project, bakit hindi?”

Willing ba siyang gumanap sa mga mother roles?

“Para sa akin, kahit anong role na ibigay nila, basta maganda yung project—kahit nanay pa ’yan, kahit auntie pa ’yan—puwede, di ba?

“’Tsaka in real life mommy na naman ako, kaya walang problema talaga.

“Sa akin ngayon, kung yung project e bagay sa akin at alam kong magagampanan ko at mabibigyan ko ng justice, why not?” dagdag pa niya.

Kung sakaling muling mamayagpag ang kanyang showbiz career dito sa Pilipinas, willing kaya si Patricia na iwan ang kanyang mga pinagkaka-abalahan sa States?

Sagot nito, “Hindi naman, siguro time management lang.

“Kung meron ako ditong magandang projects, puwede namang nandito ako habang ongoing yung projects, and then balik ng Amerika pag kailangan. Twelve hours lang naman ang balikan, so madali lang.

“Ang mahalaga kasi, may mga nagtitiwala pa rin sa akin at binigyan ako ng opportunity na makapagtrabaho muli sa showbiz.

“Kaya naman sayang kung hindi ko iga-grab yun,” pag-amin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ADVICE FROM GENESIS. Dahil kasama na sa buhay artista ang tsismis at kontrobersiya, tinanong namin si Patricia kung paano niya nalampasan ang mga ito, at kung ano ang mga magandang kalakarang maibabahagi niya sa mga baguhang artista.

Kuwento niya, “Sa akin kasi, bad publicity is still publicity. Alam mo naman kasi kung ano ang totoo, so hindi mo kailangang magpaliwanag sa lahat.

“Ang tsismis naman kasi, mas lumalaki kapag pinapatulan mo, so mas magandang tahimik ka na lang, o kaya sagutin mo nang isang beses. After that, tahimik na para mamatay na lang kusa yung tsismis.

“’Tsaka pag artista ka kasi, yung mga bad publicity na ’yan, publicity pa rin—ibig sabihin, nakikilala ka na, kasi binibigyan nila ng espasyo yung issue mo sa mga column nila.

“So dapat wag dinidibdib or else baka sumuko ka at huminto na sa pag-a-artista.

“Ang tsismis kasi karugtong na ng buhay ng isang artista, kaya habang nasa showbiz ka, mag-expect ka na masusulat ka, lalo na pag sikat na sikat ka na.

“Basta isipin mo na rin lang na isa kang puno ng manga na hitik na hitik sa bunga, na habang binabato ka lalo kang namumulaklak.

“Pag di ka na ’binabalita, doon ka matakot, kasi ibig sabihin wala na, laos ka na."

Pero nariyan pa rin ang basics, ayon sa dating sexy star.

“Ah siguro, para sa akin yung ano—yung talagang sipag at tiyaga, at saka yung pakikisama sa mga kapwa mo artista.

“Sikat man o hindi man sikat o baguhan, kailangan yung magandang pakikisama sa kanila.

“Tapos, yung pakikisama din sa mga tao sa likod ng camera, yung mga staff and crew, mahalaga din yun, para mas mahalin ka ng mga taong makakasama at makakatrabaho niyo.

“Parang kailangan kang maging isang kawayan na habang tumatangkad o lumalaki, lalong yumuyuko, na ang ibig sabihin marunong rumespeto sa mga makakatrabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kailangan din maging humble sa lahat ng success na nakukuha, di kailangang maging mayabang, kasi yun ang hihila sa ’yo paibaba.”

GRATEFUL TO THAT’S ENTERTAINMENT. Bilang isa sa mga dating stars ng That’s Entertainment, nananatiling taos-puso ang utang na loob ni Patricia kay Kuya Germs, at sa walang-sawang pag-aruga nito sa mga baguhang artista.

“Ang masasabi ko lang, kung hindi dahil kay Kuya Germs at sa That’s Entertainment, hindi ko maaabot kung ano man yung narating ko sa showbiz—from Genesis Canlapan to Patricia Javier at ngayon ngang DJ G Love na ang pangalan ko.

“Masasabi kong utang na loob ko sa kanila kung bakit nandirito ako, at hinding-hindi ko makakalimutan ’yan hanggang ako ay nabubuhay.

“Sa That’s ko natutunan sumayaw, kumanta, at umarte. Tapos si Kuya Germs, lagi niyang sinasabi na ’Try to reinvent yourself more para may bago at may magagawa kang iba, hindi yung ganun na lang parati.’

“’Kailangan pahalagahan yung trabaho, at laging on time, at ’wag magpapa-late, at kailangan professional sa lahat ng bagay’—iyan ang payo ni Kuya Germs sa aming lahat na members ng That’s.

“Kaya naman kahit naka-base na ako sa San Diego, California, every time na uuwi ako ng Pilipinas, hindi puwede na hindi ako dumaan kay Kuya Germs.

“’Tsaka sa That’s Entertainment, hindi uso sa amin ang inggitan, at ang turingan namin, magkakapatid, at nagtutulungan sa isa’t isa.

“Kaya nga yung mga anak ko, sana maabutan pa ni Kuya Germs para if ever na gusto nila mag-artista, papatulungan ko sa kanya."

LIFE IN THE U.S. Anong pinagkakaabalahan ni DJ G Love ngayon?

“Sa States, yung normal life ko doon as a mom, siyempre sobrang focused sa dalawa kong boys.

“At the same time, I work for a dermatology clinic. I`m an aesthetician, so I do skin care, and then ’yon sa iba namang side I do events.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’m a singer-DJ there. So yung mga fashion shows at iba pang events, ako yung nagdi-DJ.

“Yung para sa akin kasi, yung career ko sa States na pagdi-DJ at singer, malaking tulong pa rin sa akin yun, para hindi mawala sa akin yung passion sa pagkanta, yung entertainment side,” masaya pa niyang kuwento.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN