Lauren Young misses her estranged dad; hopes to mend rift with him someday

In their family, Lauren Young was closest to her Dad. She relates, "Kung sila Ate Megan and my brother Victor are close kay Mommy, ako ang close kay Daddy. Kaya sobra akong nasaktan when it all happened. Dun na nagsimula ang galit ko sa Daddy namin. Sabi nga nila, time heals all wounds. Siguro nga I still need time to heal. Sabi nga ni Ate Megan sa akin, huwag galit ang pairalin ko sa aking puso. He is still our father at minahal niya kami.”


Masaya ang magiging Pasko ng Kapuso leading lady na si Lauren Young dahil makakasama niya ang kanyang nakatatandang kapatid at Miss World 2013 na si Megan Young.

Pinayagan si Megan ng Miss World Organization na makasama nito ang kanyang pamilya sa Pasko.

Pero pagkatapos daw ng New Year ay lilipad agad si Megan patungong London para ipagpatuloy nito ang kanyang mga obligasyon bilang Miss World 2013.

“My mom and my brother Victor are so happy that Ate Megan was given this time to spend Christmas with us.

“After she won Miss World, she has been so busy traveling, but she makes it a point to communicate with us via Skype, Twitter, Facebook and Instagram.

“Like noong huli siyang nandito to visit and give relief goods to the people of Tacloban, Iloilo, Cebu and Palawan, saglit lang kaming nakausap because she has to leave kaagad. But she said nga na she will be spending Christmas with us.

“It will be a big change kasi lagi siyang may mga bodyguards. Ngayon magiging normal family kami ulit ngayong Pasko,” kuwento ni Lauren nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Mesa restaurant sa Tomas Morato Ave., Quezon City, last December 5.

MORE FREE TIME THIS HOLIDAY SEASON. Mas marami na ring oras na maibibigay si Lauren sa kanyang pamilya ngayong Kapaskuhan dahil magiging maluwag na ang schedule niya.

Hindi tulad noon na talagang hectic dahil sa magkakasunod na trabaho.

“Matatapos na ang Dormitoryo. Nag-last taping na kami and we all felt so sad kasi naging very close na kaming lahat sa set.

“Wala pa naman akong sisimulan na bagong teleserye. But my character in Genesis is back. Malapit na rin kasi matapos ang Genesis.

“I started shooting the movie Overtime with Richard Gutierrez. Naka-ilang shooting days na ako but we have to stop muna because of the Christmas break.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Richard will be spending Christmas sa U.S. with Sarah [Lahbati]. Kaya sa January na kami magre-resume ng shooting.

“Kaya I have all this time to spend with my family. Lalo na that Ate Megan will be with us ngayong Pasko. Masaya kaming lahat,” dagdag pa niya.

RIFT WITH DAD. Mas kumpleto at mas masaya sana ang Pasko ng pamilya ni Lauren kung kasama pa nila ang kanilang ama na si Calvin Young.

Naghiwalay ang mga magulang nila two years ago. May sariling pamilya na raw ang kanilang ama, at nakatira ito ngayon sa Pampanga.

Hangga’t maaari ay ayaw pag-usapan ni Lauren ang tungkol sa kanilang ama dahil inaamin nitong may sama siya ng loob dito dahil sa pag-iwan sa kanila.

Mangiyak-ngiyak nga si Lauren nang aminin niyang isa siyang daddy’s girl kaya masyado siyang nasaktan nang maghiwalay ang kanyang ama at ina.

“Siguro people will know where my disappointment for my dad is coming from.

“Me and my dad, we’re very close. Kung sila Ate Megan and my brother Victor are close kay Mommy, ako ang close kay Daddy.

“Kaya sobra akong nasaktan when it all happened. Dun na nagsimula ang galit ko sa daddy namin.

“Kaya before, every time na may nagtatanong sa akin about my Dad, I really don’t want to talk about him—kasi nasasaktan lang ako.

“I just pretend that he doesn’t exist para hindi sasama ang loob ko,” diin ni Lauren.

Hindi nga alam ni Lauren kung kailan mawawala ang sama ng loob niya sa ama. Pero alam daw niyang balang araw ay mawawala ang galit niya at babalik sa dati ang pagtitinginan nilang mag-ama.

“Sabi nga nila, time heals all wounds. Siguro nga I still need time to heal.

“Sabi nga ni Ate Megan sa akin, huwag galit ang pairalin ko sa aking puso. He is still our father at minahal niya kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May reason kung bakit nangyayari ang lahat. I try to understand that, pero sa ngayon, hindi ko pa matanggap.

“I can say that I love my dad very much. Pero nandito pa ang pain and I will try to make it go away para matanggap ko siya ulit.

“It will take some time, but I know that one day magkakasundo ulit kami ng daddy ko,” panalangin ni Lauren.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN