Richard Yap denies that he solicits favors from his fans

Richard Yap on malicious rumor accusing him of soliciting favors from his fans: “I think you should just go through my tweets, wala naman akong ano, wala naman akong nakasulat dun na ano, ‘I want something,’ wala naman... You can ask the people also. I shouldn’t be the one to justify it… people will never believe what you say, if they don’t want to believe. They will always believe otherwise, so hayaan na natin.”<


Kahit nakangiti at mahinahon, halatang iritado si Richard Yap sa isyung diumano’y nanghihingi siya ng kung anong mga bagay-bagay sa kanyang mga fans sa Twitter.

Nag-ugat ang isyung ito nang maisulat ang blind item sa isang gossip blog, isang buwan na ang nakalipas, na ang assistant ng isang sikat na artista ay namimili ng mga fans pagdating sa pagpapa-picture taking sa artista.

Mas pinapaboran daw ng assistant ang mga fans na may dalang regalo para sa kanyang among artista.

Matapos nito, isa namang blog ang naglabas ng diumano’y pahayag ni Richard tungkol dito.

Ayon sa www.getitfromboy.net, binatikos daw ni Richard ang naturang blind item.

Bahagi ng pahayag daw ni Richard ay, “I’ve heard that and if you can go through all my tweets ay wala akong hinihingi sa kahit na kanino.

“As much as possible pag may nagsabi na ‘what do you want?’ ang sinasabi ko ‘you don’t need to bring anything.’

“At saka lahat ng meron ako ay meron na ako nung hindi pa ako pumasok ng showbiz. Yung bahay ko, yung mga kotse ko…

"Hindi ako nagba-brag. When I was still in kindergarten ay may Rolex na ako so I don’t have to ask from anyone and kaya kong trabahuhin lahat ito.

"Sa tingin ba niya, ang binibigay ng fans ‘yun lang ang ano... ang gusto kong hingin sa fans?”

Inilabas na ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dalawang items tungkol kay Richard: ang blind item at ang depensa.

(Read: Richard Yap on planned movie version of Please Be Careful With My Heart: "Official na wala nang movie.")

I DON’T READ GARBAGE.” Minabuti ng PEP na hingin muli ang panig ni Richard sa isyu.

Kahapon, December 15, sa launching ni Richard bilang bagong endorser ng Duty Free, nakausap siya ng PEP at ABS-CBN News sa premier club lounge ng Fiesta Mall sa Parañaque City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matapos itong maghandog ng dalawang awitin sa mga fans at shoppers sa mall, tinanong namin ang Chinese-Filipino actor kung naniniwala ba siyang kasabay ng pagsikat ay mga intriga.

Pagsang-ayon nito, “Oo, ganun talaga.

"Kasi, there were always be people who will not be happy with what you have or what you’ve achieved. So, hayaan na lang natin sila.”

Matatandaang mabilis ang pagsikat ni Richard mula sa pagiging bit player hanggang sa tuluyan nang magbida sa Be Careful With My Heart, kasama si Jodi Sta. Maria, na simulang umere sa Kapamilya network noong July 2012.

Nagsimulang umukit ng sariling pangalan sa showbiz si Richard noong pang lumabas siya sa My Binondo Girl (2011-2012), na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Xian Lim.

Ngayon ay certified celebrity nang matatawag si Richard. Ang Duty Free ay ang ika-21 endorsement niya.

Tanong pa ng PEP, “Are you aware of those blogs circulating the rumors?”

Tugon niya, “Ah, well, minsan kasi sinasabi nung mga… those who follow me, they tell me that."

Tinuldukan niya ito ng, "Sorry to say, but I don’t read garbage.”

AFFECTED BY INTRIGUES? Kasunod namang itinanong ng ABS-CBN showbiz reporter na si Jeff Fernando kung apektado siya ng mga ganoong intriga.

Nakangiting tugon ng Be Careful With My Heart star, “Like I said, dun sa ano… I already gave my answer. Kung hindi niya maintindihan yun, problema na nila.”

Tila ang tinutukoy ni Richard ay yung lumabas sa blog na getitfromboy.net. Kaya sunod na tinanong ng PEP sa kanya kung totoo na Kindergarten pa lang siya ay may Rolex na siya.

Diretsong sagot nito, “Yes. And I still have it to prove it.”

Ang branded na relong Rolex ay isa sa pinakamahal na relo sa merkado. Naging isang simbolo na rin ng mataas na estado sa lipunan ang pagmamay-ari nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, “So, kung hindi sila maniwala, it’s not my problem. That’s their problem.

"Basta I’m just living my life. I’m just doing what I have to do.

"And all those people who want to write about negative things, they can just, you know… there’s a place for them. Not here.”

Inusisa din namin ang tungkol sa diumanong solicitation tweets niya.

Pagtanggi ni Richard, “Actually, wala naman… I dunno. I think you should just go through my tweets, wala naman akong ano, wala naman akong nakasulat dun na ano, ‘I want something,’ wala naman.

“So… and you can ask the people also.

"I shouldn’t be the one to justify it because, they will… People will never believe what you say, if they don’t want to believe.

"They will always believe otherwise, so hayaan na natin.”

Dagdag pa ng 46-year-old actor, “As long as I’m pleasing the people I’m supposed to please, that’s good enough for me.

"The others who are not, they can go and—why are they wasting their time on me, di ba?

“Kung ayaw nila sa akin, they can just go and follow somebody else.”

Nasaktan ba siya sa mga ganoong paratang?

Direktang sagot nito, “No. What for? I didn’t give my time of the day to them.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN