Rochelle Pangilinan and SexBomb dancers deny rumors of a suicide attempt by talent manager Joy Cancio

Itinanggi ni Rochelle Pangilinan (main) at mga dating kasamahan sa SexBomb na sina (clockwise) Aira Bermudez, Cheche Tolentino, Louise Bolton, at Mhyca Bautista ang kumalat na "suicide attempt" umano ng talent manager na si Joy Cancio.


Hindi "suicide attempt" ang dahilan kung bakit isinugod sa hospital ang SexBomb manager na si Joy Cancio.

Ito ay ayon sa dating star dancer ng grupo na si Rochelle Pangilinan at sa mga current members na sina Aira Bermudez, Mhyca Bautista, Louise Bolton, at Cheche Tolentino.

Ang unang balitang nakarating sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong nakaraang Sabado ng hapon, December 14, ay dinala sa hospital si Joy dahil sa "overdose ng antihistamine."

Agad naming tinawagan ang choreographer/talent manager, pati na ang kanyang anak, ngunit walang sumagot sa kanila.

Dahil walang anumang kumpirmasyon mula sa kampo ni Joy, walang binanggit na "suicide attempt" o "overdose" ang PEPalerts, ang section ng PEP na naglabas noon ding December 14 ng balitang isinugod si Joy sa ospital.

Samantala, may mga kumalat na balita na lubhang depressed daw si Joy sa dinadala niyang problema, dala ng diumano’y pagkalulong nito sa casino.

Ito ay itinanggi rin ng SexBomb dancers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"SLEEPING PILLS." Kinontak ng PEP si Rochelle Pangilinan dahil may communication pa rin sila ni Joy. Pero nagsabi ang handler nito sa PPL Entertainment Inc., na may hawak sa career ng dancer/actress, na huwag na lang isama si Rochelle kung meron mang isyu.
Kahapon, December 15, sa Sunday All Stars, nakapanayam ng Startalk ang mga taga-SexBomb, at dito’y itinanggi nilang nagtangkang magpakamatay ang kanilang manager.
Ayon kay Rochelle, na sa huli ay nagpaunlak naman sa PEP, ang kuwento sa kanya ni Mia, na dati ring SexBomb dancer, ay nag-take lang daw si Joy ng sleeping pills.
Pero matapos nito ay nag-palpitate daw si Joy kaya dinala agad sa Jesus Delgado Memorial Hospital sa may Kamuning, Quezon City.
Sabi naman ni Aira, “Nung Friday pa po, nasa hospital na siya dahil po sa stress. Hirap siyang makatulog.”
Hindi na nila nilinaw ang dahilan ng naramdamang stress ni Joy.
Ngunit sinabi nilang walang kinalaman ang stress ng kanilang manager sa problema sa pera, lalo pa’t marami raw nakukuhang trabaho ang SexBomb dancers ngayon.
Bukod daw rito, active si Joy sa church niya, kaya hindi nila nakikitang magagawa nitong magpakamatay.
Pahayag ni Aira, “Lagi po siyang nagsisimba sa Victory [Fellowship]. Hindi po magagawa ‘yan ni Ate Joy. Hindi po siya yung type na tao na nagsu-suicide."
Dagdag naman ni Louise, “Madalas namin kasama si Ate Joy na lumalabas, okay naman po siya. Wala naman siyang dinadalang problema na nakikita namin.”
Nagulat daw sila at nag-alala nang husto nang nabalitaan nilang nasa hospital si Joy, na siyang founder at moving force ng SexBomb dance group.
Sabi ni Aira, "Gusto namin siya dalawin sa hospital, pero hindi pa raw siya puwedeng tumanggap ng bisita."
Samantala, kinokontak pa rin ng PEP si Joy at ang kampo nito, ngunit wala pa rin silang sagot. Bukas ang PEP sa anumang pahayag ng talent manager.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN