Melanie Marquez says surviving car crash in Arizona is a "miracle"

“I thank God above all else for sparing our life. It is really a miracle. It is also a miracle I was able to walk up the mountain and be rescued—all of us. Thank you for the love, and I would like to give that love one day to everyone,” pahayag ni Melanie Marquez tungkol sa pagkakaligtas niya at iba pang mga kasama sa car crash na naganap noong December 7 sa Arizona.


Umiiyak si Melanie Marquez nang tinawagan ng Startalk noong Sabado, December 14, para kumustahin ang kanyang kalagayan pagkatapos itong maaksidente sa Arizona.

Noong December 7 (U.S. time) ay nasangkot sa isang vehicular accident si Melanie at iba pa niyang kasama, kabilang na ang 13-year-old son niyang si Adam.

Read: Melanie Marquez survives car accident in Arizona

Taliwas sa unang sinabi ng anak ni Melanie, si Maxine Dee-Bumgardner, na madi-discharge na ang ina mula sa Utah hospital, hindi pa raw alam ng former Miss International kung kailan siya makakalabas.

Read: Melanie Marquez to be discharged from hospital after car accident

Sabi ni Melanie, “Na-fracture ang spine ko, tapos nabali ang aking sternum—yung kinalalagyan ng mga ribs ko.”

Kaya kailangan daw niyang naka-brace ng tatlong buwan o baka abutin pa ng isang taon.

Ibinahagi ni Melanie sa Startalk kung gaano katindi ang sakunang nangyari sa kanya.

Isinakripisyo raw niya ang sarili para wala nang madamay na ibang sasakyan.

Umiiyak na kuwento ng beauty queen-actress, “I was overtaking everybody because I don’t wanna hit anyone.

"Kung may tinamaan akong isang kotse, marami talaga ang madidisgrasya.

“Kailangan kong maiwasan ang mga sasakyan kasi alam kong nag-slide na ako.

"Kung hindi ko iwasan, alam kong maraming madidisgrasya dahil madulas ang kalye.

“Pagkalagpas namin sa isang malaking truck, humangin nang ubod ng lakas.

"Doon umikot ang aming truck, umatras kami, nag-slide ako nang patalikod.

"Pero kinabig ko ang manibela para makita ko kung saan kami papupunta, hanggang sa bumagsak kami patungo sa kanal na twelve feet below.

"Aside from the bundok, hindi kami makita, walang signal ng telepono.”

Mahigit dalawang oras daw sila sa kalagayang iyon bago sila na-rescue.

Mabuti raw at safe na ang kanyang anak at ilan pa niyang kasama, kaya malaki ang pasasalamat daw ni Melanie sa Diyos na himalang nakaligtas sila sa sakuna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag pa ni Melanie, “Gusto ko magpasalamat sa lahat na nagdasal sa amin.

“Gusto ko magpasalamat sa lahat na suporta na ibinigay sa amin dito sa Utah.

"Sa lahat po, sa Facebook, sa Twitter, lahat po kayong lahat, sa network, lahat po kayo, lalo na sa Panginoong Diyos.

“I thank God above all else for sparing our life. It is really a miracle.

"It is also a miracle I was able to walk up the mountain and be rescued—all of us.

"Thank you for the love, and I would like to give that love one day to everyone.”

Balak ni Melanie na kapag magaling na siya ay dumalaw sa Pilipinas para magbakasyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN