Angeline Quinto writes a song for someone in showbiz she likes but won’t name, "Kasi parang hindi niya alam na gusto ko siya."

Angeline Quinto will focus on singing in 2014: "Sa totoo lang po, yung about sa teleserye, talagang thankful ako na nabigyan ako ng chance na umarte. Syempre, ang dami naman talagang gustong subukan din talaga yun. Kaya lang, nahirapan po talaga ko, e. Sa totoo lang, inaamin ko sa lahat na hindi ko kayang pagsabayin ang pag-arte at pagkanta po."


Tatlong awards ang naiuwi ni Angeline Quinto sa katatapos lamang na Awit Awards noong December 11, 2013.

Ang mga ito ay Best Inspirational / Religious Recording para sa “Lipad ng Pangarap” (duet with Regine Velasquez); Best Song Written for Movie, TV, Stage Play category, para sa “Nag-iisang Bituin”; at Most Downloaded Artist for 2012 ng I Gateway Mobile Philippines Inc.

Ibinahagi ni Angeline kung ano ang pakiramdam na manalo ng tatlong awards para sa taong ito mula sa Philippine Association of the Record Industry o mas kilala bilang PARI.

Aniya, “Uhm, sobrang ano po, natutuwa ako at talagang napakasaya ko, kasi before matapos yung taong 2013 nagkaroon po ako ng mga bagong awards sa pamamagitan ng pagkanta ko.

“At sobra kong natutuwa kasi ang daming tao pa din po yung patuloy kong nabibigyan ng inspirasyon.”



2013 RECAP. Isa raw sa mga ipinagpapasalamat ni Angeline ngayong taon ay ang oportunidad na makabiyahe sa ibang bansa.

Wika niya, “Kasi last year, talagang sinabi ko sa sarili ko… Last year kasi ako first time na nakapunta sa ibang bansa. So sabi ko, sana maulit.

“Kung ano man yung napuntahan ko at hindi pa napupuntahan, sana mapuntahan ko. So ngayong taon, nakapunta na ’ko ng Paris.

“Nakabakasyon po ako dun, at yun po talaga yung hinding-hindi ko makakalimutan kasi December lang nangyari yun.”

Ngayong taon din ang unang pagkakataon ni Angeline na magbida sa isang teleserye sa Kahit Konting Pagtingin, kasama sina Sam Milby at Paulo Avelino.

Isa ba ito sa mga naging highlight ng taon niya?

Tugon ni Angeline, “Sa totoo lang po, yung about sa teleserye, talagang thankful ako na nabigyan ako ng chance na umarte.

“Syempre, ang dami naman talagang gustong subukan din talaga yun. Kaya lang, nahirapan po talaga ko, e.

“Sa totoo lang, inaamin ko sa lahat na hindi ko kayang pagsabayin ang pag-arte at pagkanta po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So ngayong 2014, sobrang sinabi ko sa sarili ko na talagang magfo-focus ako at ang magiging priority ko talaga ang pagkanta.

“Kahit po may mga times po na dumarating sa ’kin na binibigyan ulit ng offer, hindi naman sa ayoko.

“Kumbaga, sabi ko muna, gusto ko lang po talagang bigyan ng time talaga yung pagkanta ko.”

Ano naman ang gusto pa niyang ma-improve sa darating na taon?

“Napakarami po. Napakarami po talaga, lalo sa pagkanta. Kasi, unang-una, marami pa talaga kong dapat matutuhan.

“Ngayong January po kasi ilo-launch yung third album ko, at sobra akong natutuwa kasi dito sa third album na ’to, meron po akong isang kanta na ginawa.

“So, eto yung kauna-unahang kanta na ako mismo ang sumulat. At siguro yun yung gusto kong magtuluy-tuloy pa.

“Parang nag-e-enjoy po kasi ako sa paggawa ng kanta na dati hindi ko naman ginagawa—at nagulat ako na kaya ko naman po.

“Tapos, dream ko po kasi talagang makapag-concert po sa Araneta.

"So, sinabi ko sa sarili ko na gagawin ko talaga yung one hundred percent best ko para matupad yun.

“Kumbaga, kahit gumastos ako, lahat, para po sa pwede ko pang matutunan about music, gagawin ko po talaga.”

Isa naman sa pinaka-mahirap na pinagdaanan ni Angeline ngayong taon ay ang pagkamatay ng kanyang amang si Pop Quiros dala ng kidney failure.

Ito ang sagot ng singer nang tanungin kung ano ang biggest challenge na hinarap niya ngayong 2013:

“Andami, e. Pero yung pinaka-tumatak sa isip ko hanggang ngayon—kasi, syempre, 2013 po namatay ang papa ko.

“So hanggang ngayon, ang hirap-hirap pa din tanggapin, lalo magpa-Pasko po.

“Kasi every time na magki-Christmas, magkakasama kami talaga, sa bahay niya. So, parang hindi lang po ako sanay.

“At yung lesson naman na natutunan ko e ang buhay po talaga ng tao ay parang gulong ka, e. Minsan nasa ilalim ka, minsan nasa taas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So kung anuman po yung mga problema or pagsubok na dumating sa atin, nasa sa atin yung kung papa’no natin panghahawakan.

“So, sana wag tayong bibitaw, lalo sa Diyos. Kasi basta bumitaw ka sa Kanya, baka maligaw ka lalo, e. So yun po talaga yung pinaka-lesson.”

Dahil daw dito ay sa ipinagpaliban na lang muna ni Angeline ang paglipat niya sa kanyang bagong bahay na dapat ay ngayong 2013.

“Dapat po kasi talaga ngayong taon, e, napagdesisyunan po na January [2014] na lang, kasi hindi ko talaga gusto yung mga nangyari ngayon.

“Hindi lang po sa personal kong buhay kundi, di ba, yung mga sakuna na nangyari.

"Para bagong bahay, bagong buhay; bagong lipat, bagong taon.”

NEW INSPIRATION. Ibinahagi rin ni Angeline sa PEP ang tungkol sa kanyang bagong kantang ikonompose.

Paglalarawan niya, “Sa totoo lang, ano po ’to e, parang pa-sweet lang na kanta. Tagalog siya, pero medyo upbeat.”

Tanong kay Ange (ang kanyang palayaw), may naging inspirasyon ba siya para gawin ang kanta?

“Medyo po. Medyo may naano ako sa isip ko na tao, e, isang tao para sa kanta na ’to.

"Kasi parang hindi niya alam na gusto ko siya.

“So, ginawa ko siya tanghaling tapat, sa bahay namin.

"Ewan ko, bigla lang pumasok sa isip ko, hanggang sa unti-unting nabuo yung kanta.

“Ta’s binigay ko sa producer ko na si Jonathan Manalo, so siya po yung nag-ayos lahat—sa music, sa lahat. Ayun, naging maayos naman.”

Nasa showbiz ba ang inspirasyon niyang ito?

“Oo!" sagot ni Angeline nang walang pag-aatubili.

"Parang mga ano, Donna Cruz songs dati. Parang mga ganun ang peg,” paliwanag niya, pagkatapos niyang bigkasin ang ilang linya mula sa kanyang kanta:

‘Pag ikaw ang katabi,

lundag ng puso ko’y abot sa langit.

Kaya pala hindi na mapansin

ang pagtakbo ng oras

pag ako sa ’yo ay nakatitig.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil hindi itinatago ni Angeline ang paghanga kay Coco Martin, pabirong tanong sa kanya, ‘Moreno ba ang tinutukoy niyang inspirasyon?’

Sagot niya, “Ayun agad? Hindi siya moreno, maputi po.

"Ayoko nang pahula. Saka na lang, baka mabuking ako, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN