Angelica Panganiban says boyfriend John Lloyd Cruz is “okay” amid slapping incident

“Impossible naman maapektuhan ‘yon ng kahit anong isyu. Sobrang tibay niyang tao,” says Angelica Panganiban about her boyfriend John Lloyd Cruz, whose name was dragged into controversy involving Anne Curtis.


Tiniyak ni Angelica Panganiban na “okay” lang ang kanyang boyfriend na si John Lloyd Cruz sa kabila ng kontrobersiyang kinasangkutan ng aktor kamakailan.

Nadawit ang pangalan ni John Lloyd sa isyu kung saan nalasing si Anne Curtis at nagpakita umano ng hindi magandang asal sa Privé Luxury Bar noong madaling-araw ng November 23.

Ayon sa kuwento ng magazine editor and publisher na si JR Isaac sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kaibilang si John Lloyd sa tatlong tao na sinampal ni Anne.

Sinabihan din daw ni Anne si John Lloyd ng: "You are an addict!"

Read: PEP EXCLUSIVE Anne Curtis survives embarrassing night out with friends; says sorry and is forgiven, all on the same day

Bagamat inamin ni Anne na karamihan sa mga detalyeng naisulat ng PEP tungkol sa insidente ay totoo, naging kataka-taka naman ang naging pahayag niyang ito:

“When I was told of my behavior AND the person who started all of this, due to this person’s inappropriate behavior, apologized to me too...

“Just as I did. Which I accepted too. I choose not to go into detail because I’m not the type to ruin someone else’s name..

Read: Anne Curtis: "I’m just like any other person that makes mistakes in life."

Dahil dito, lumabas ang usap-usapan na may ginawang prank o masamang biro kay Anne kaya ganun ang kanyang inasal.

Lumitaw ang pangalan nina John Lloyd at Jake Cuenca na siya diumanong kumatok sa pintuan ng comfort room sa Privé habang nasa loob si Anne.

Una nang itinanggi ni Jake na siya ang dahilan kaya nagalit si Anne.

Read: Jake Cuenca denies pulling prank on Anne Curtis: "I’m a little bit too old to be pulling pranks."

Sa kabilang banda, nanatiling tahimik ang kampo ni John Lloyd tungkol sa isyu.

Noong Sabado, December 14, nakapanayam ng PEP ang girlfriend ni John Lloyd na si Angelica Panganiban matapos mag-promote ng kanyang iniendorsong gadget brand, ang Polaroid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinuha ng PEP ang pagkakataong iyon upang kumustahin si John Lloyd matapos ang isyu.

Subalit hindi tulad ng dati, kung saan mahaba ang mga sagot ni Angelica, naging matipid ang Kapamilya actress sa pagbibigay ng pahayag sa pagkakataong ito.

Tiniyak lang ni Angelica na “okay” si John Lloyd.

Aniya pa, “Okay naman siya, happy.”

Kampante rin si Angelica na hindi apektado si John Lloyd ng kasalukuyang isyu.

Aniya, “Impossible naman maapektuhan ‘yon ng kahit anong isyu. Sobrang tibay niyang tao.”

Samantala, “happy” rin ang naging paglalarawan ni Angelica tungkol sa relasyon nila ngayon ni John Lloyd.

Sabi ng aktres, “Masaya. Sobrang saya. Sobrang at peace, ganun. Tahimik na tahimik ang buhay.”

Dahil dito, pinasasalamatan ni Angelica ang mga taong nirerespeto ang privacy nila ni John Lloyd bilang magkasintahan.

Aniya, “‘Yon naman talaga ang gusto namin.

“Mahirap kasing ma-achieve ‘yon lalo na kapag parehas kayong celebrities.

“Kaya masaya kami kung paano kami nirerespeto ng mga tao at kung paano nila nirerespeto yung gusto namin, na tahimik lang kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN