Aiza Seguerra hopes Ryzza Mae Dizon will stay level-headed, improve her craft, learn other things, and finish school

For Aiza Seguerra, the line “Sa wakas ay nakita ko na ang aking hinahanap” in the song "Sa Wakas" by Eraserheads best describes the high point of her life in 2013: Her relationship with Liza Diño.

She gushes, "I’m very happy, yes! Every thing, every thing about us! Hindi ko ma-pinpoint yung isa lang, kasi magtatampo yung ibang part ng relationship namin."


Nang tanungin kung saan siya most thankful para sa taong 2013, mabilis ang naging sagot ni Aiza Seguerra.

Pahayag niya, “Well, I met Liza. I saw Liza again after twelve years… more than anything.”

Ang tinutukoy ni Aiza ay si Liza Diño, ang kasalukuyan niyang karelasyon.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang miyembro ng press si Aiza sa 26th Awit Awards.

Tinanggap ni Aiza ang award na Best Performance by a Female Recording Artist para sa kantang “With A Smile.”

Twelve years ago daw nang unang magkakilala sina Aiza at Liza. Kamakailan lamang ay muli silang nag-reconnect sa pamamagitan ng Twitter.

Read: PEP EXCLUSIVE Liza Diño on relationship with Aiza Seguerra: "I was never afraid. Never kaming nagtago."

“I’m very happy, yes!" paniniguro ni Aiza sa PEP.

Kung anong bahagi ng relasyon nila ang pinaka-nagpapasaya sa kanya, sagot ni Aiza:

"Every thing, every thing about us! Hindi ko ma-pinpoint yung isa lang kasi magtatampo yung ibang part ng relationship namin.

“But all in all, it’s an amazing relationship. Ika nga, she’s the type of person you would wish for, and more.”

Kung ilalarawan daw ni Aiza ang kaniyang 2013 sa isang kanta, ito ay ang “Sa Wakas" ng Eraserheads, na may lyrics na “Sa wakas ay nakita ko na ang aking hinahanap.”

BIGGEST CHALLENGE? Sa tanong na ano naman ang hinarap niyang biggest challenge ngayong taon, sagot ni Aiza: “Oh, wow. Wala akong maisip. I can’t think of anything.

“Hindi naman sa wala masyadong challenge, but I don’t see things like that, e. Kumbaga, parang okay, eto yung dumating. Hindi ko na iniisip na challenge yun.

“Parang okay, sige, paano ko didiskartehan. Wala talagang nagsa-strike sa akin as challenging.

“Siguro pinaka-challenge is, ma-fit ko yung schedule ko nang maayos, na wala akong madadale. But besides that, wala kong maisip na iba.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ADVICE FOR RYZZA. Kasama si Aiza sa Metro Manila Film Fest entry na My Little Bossings, kung saan nakasama niya sina James “Bimby” Yap Jr. at Ryzza Mae Dizon.

Child stars sina Bimby at Ryzza Mae ngayon, ngunit pinaka-hot na child star naman si Aiza nuong kapanahuhan niya.

Kwento niya tungkol kay Bimby, “Nakakatuwa. Sa simula he’s very quiet, but once you get to know him, makulit din, saka bugoy din, bugoy. Sosyal na bugoy!”

Komento naman niya kay Ryzza, “Oh, I enjoyed working with her, she’s fun to be with. Napakalakas kumaing bata. She enjoys eating so much.

“She’s very smart, she’s very witty, and natutuwa ako kasi I would like to think na, until now, she’s still level-headed.”

May pagkakapareha ang career path nina Aiza at Ryzza dahil kapwa sila nagsimula bilang isang child star ng longest-running show on Philippine television, ang Eat Bulaga!

Meron ba siyang maipapayo kay Ryzza upang magtagal sa showbiz?

“Ako, advice ko lang is, when she gets older, ’no—she needs to see beyond the fame.

“Kasi feeling ko, ang tao, not just her but anyone, if dumating tayo sa point na akala natin showbiz is all about that, then dun magsisimula yung downfall natin.

“Hopefully, when she gets older, makita na niya that she needs to learn other things. She needs to finish school, at least high school.

“Kailangan niya continuously to improve herself, in terms of her craft ’cause para sa ’kin—longevity, dun nagsisimula yun. Hindi lang basta sikat ka.”

Paano nga ba niya ni-reinvent ang sarili?

“Alam mo, hindi ko rin alam.

“Ginagawa ko lang yung trip kong gawin. Kaya nag-eenjoy ako, e.

“Kasi nakakatawa na, like you’d ask me how did I reinvent myself when, honestly, ni hindi ko maisip yung isasagot ko kasi hindi ko iniisip ’yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I just do everything na trip kong gawin. Pag hindi ko gustong gawin, hindi ko ginagawa. And I just take it from there, yun lang.”

Kung anong plano niya sa 2014, sagot ni Aiza: “I don’t plan things, I think it’s better that way. You have short-term goals, like, hopefully by [this time], you get a house and stuff.

“But plan-plan talaga…especially career, ha, ang plano ko lang is to be better sa craft ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN