John Lloyd Cruz on relationship with Angelica Panganiban: "I must be a very lucky man."

Isa sa pinakasikat na artista sa Pilipinas, gusto pa rin ni John Lloyd Cruz na manatiling pribado ang kanyang personal na buhay. Kaya naman hangga’t maaari ay ayaw niyang maapektuhan sa mga sinasabi tungkol sa kanya. Saad ng aktor, “Hindi sa wala akong pakialam, it’s just that, kagaya nila, gusto ko rin maniwala na may sarili rin akong buhay. Yun siguro ang hindi nawala. Magmula nang magsimula ako hanggang ngayon, ganoon ang thinking ko.”


Dalawang linggo pagkatapos lumabas sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tungkol sa pananampal at paninigaw sa kanya ni Anne Curtis sa Privé Luxury Club noong madaling-araw ng November 23, nagpa-interview ang aktor na si John Lloyd Cruz sa Buzz ng Bayan kahapon, December 15.

Ngunit hindi napag-usapan ang tungkol sa kontrobersiyang kinasangkutan ng Kapamilya actor.

Sa halip ay naging malawak ang pag-uusap nila ng host na si Boy Abunda tungkol sa mga kontrobersiya at opinyon ng publiko kay John Lloyd, at pati na ang tungkol sa lovelife ng aktor.

PUBLIC OPINION. “Nagki-care” ba si John Lloyd—o kilala rin bilang JL, JLC, at Idan—sa public opinion tungkol sa kanya?

Tugon ng 30-year-old actor, “Honestly, depende sa mood ko.

“Siguro dahil masyado kong kilala ang sarili ko at alam ko ang totoo.”

Nilinaw ni Boy na dalawang levels ang tanong niya: ang public opinion sa kanya at sa kanyang trabaho at ang public opinion sa kanya bilang isang tao.

Saad ni John Lloyd, “Kung sa trabaho, para siyang ano, e, basically… Ako lang ‘to, e, parang hindi naman siguro…

"I’d like to believe na kilala ako ng audience ko—kung sino ako, kung ano ako bilang artista.

“Hindi ko alam… siguro dapat tanungin kita.

“Hindi ko alam kung gaano ba nagma-matter ang personal ko sa trabaho ko, kung paano siya nakakaapekto.

“Nakakaapekto ba siya o hindi?”

Bilang isa sa nangungunang aktor sa Pilipinas, walang duda na lapitin ng kontrobersiya si John Lloyd. At madalas ay tungkol ito sa kanyang pribadong buhay.

Naaapektuhan ba siya sa sinasabi ng mga tao tungkol sa personal niyang buhay?

Sagot ng Kapamilya star, “Hindi mo rin kasi masyadong puwedeng ihiwalay.

“Kapag lumabas kami ng bahay, nakikita kami ng tao.

“Parang sabi ko nga dati, kapag lumabas ka ng bahay, the moment na lumabas ka ng bahay mo, trabaho na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nandiyan yung lagi, yung audience mo na iniisip mo, ayaw mong masaktan or ma-offend or makaramdam na hindi mo sila nirerespeto.

“Gusto kong malaman nila na nandiyan yun, nandiyan yun sa akin.

“Hindi sa wala akong pakialam, it’s just that, kagaya nila, gusto ko rin maniwala na may sarili rin akong buhay.

“Yun siguro ang hindi nawala.

"Magmula nang magsimula ako hanggang ngayon, ganoon ang thinking ko.”



JOHN LLOYD’S LOVELIFE. Naiirita ba si John Lloyd kapag palagi siyang tinatanong sa kanyang lovelife?

“No,” mabilis na tugon niya.

“I always have this discomfort when people ask me about my personal life.

“Hindi lang naman lovelife, e—anything.

“Pero, yun lang talaga ang madaling i-sensationalize—yung lovelife.”

Naiintindihan ba niya kung saan nanggagaling ang mga tanong sa personal niyang buhay, tulad ng mga fans niya na yun ang gustong malaman?

Sagot niya, “Yeah, at kaya nga siguro siya may discomfort, kasi may effort na yun ang pasukin.

“Kaya lang kasi, wala naman talagang interesado sa lovelife ko.

“Alam ko lang, dalawang tao kami, na kung sino man ang minamahal ko, na sobrang interesado sa isa’t isa.

“Siguro, may mga pagkakataon naman na gusto naming isigaw, mag-share sa lahat ng tao, especially sa lahat ng sumusuporta sa amin.

“Pero kasi, ang kapalit nun, kapag nag-share ka ng magandang bagay, asahan mo rin na yung mapait, kailangan mo rin ibahagi.”

Ang girlfriend ngayon ni John Lloyd ay ang kapwa niya Kapamilya at Star Magic talent na si Angelica Panganiban.

Paano nila napapanatiling “bonded” at “connected” sa isa’t isa?

Sabi ng aktor, “Well, openness, that’s one, and we really get along.

“Ang dami naming mga bagay na pareho naming gusto. Magkaibigan kasi kami, e.”

Pareho silang creative, talented, at siguradong pareho rin silang may temper.

“Oo!” natatawang pag-amin ni John Lloyd.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero sa isa’t isa, wala, e. Sobrang ano kami, steady lang. Happy lang kami.

“Yung art namin, naa-appreciate namin na we tend to oppose, we tend to contradict each other.

“Yung pinanggagalingan nila, magkaiba.

“But at the end, it makes it more exciting.”

Nag-aaway ba sila?

“Oo naman, like any normal couple.

“But fight, no. Like a heated argument? Yung may taasan ng boses?

“Ako lang naman madalas nagtataas ng boses.

“Kapag nadadala ako emotionally, kapag may gusto akong ipaliwanag… Anyway, hindi naman importante.

“Lahat kaya naming pag-usapan.”

Saan papunta ang relasyon nila ni Angelica?

“Sa mas magandang bukas!” natawang sagot ni John Lloyd.

“Yeah, it’s a very promising relationship.

“Marami siyang pinanghahawakan. Palalim siya nang palalim. Ang ganda niya.

“It’s a beautiful relationship.

“Napakasuwerte ko na pumayag siya na maging ganito kalapit sa kanya.

“Maging kasama niya ako sa halos araw-araw na ginawa ng Diyos para sa kanya.

“At pumapayag siya na kasama niya ako at pinipili niya na nandoon ako.

“I must be a very lucky man,” saad ni John Lloyd.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN