Chito Miranda says the coming together of people in the face of Yolanda is the highlight of his 2013

Asked about the biggest challenge he faced in 2013, Chito Miranda says, "Ang dami naming challenges nung 2013, but just like all challenges, all challenges should be faced with a strong heart and with a good attitude."


Nang tanungin kung ano ang highlight ng kanyang 2013, “Yolanda”—ang superbagyong nanalasa sa Kabisayaan—ang naging sagot ni Chito Miranda.

Paglilinaw niya, “It wasn’t the highlight, pero I think yung pagsasama-sama ng buong mundo, ng mga Pilipino, para sa mga Pilipino.

“I guess, it’s always…the best of humanity shines through ano, e, the greatest of disasters and hardships.”

Ngayong buwan lamang ay ini-release ng Parokya ni Edgar ang kanilang 20th anniversary album na Bente.

Bahagi raw ng sales ng album na ito ay mapupunta sa mga survivors ng Yolanda.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Chito noong December 11 sa 26th Awit Awards.

Pinarangalan ng Egg’s Allhits.ph ang kantang “Akala,” na isinulat ni Chito, bilang Most Downloaded Song For 2012.

Kung saan siya most thankful for ngayong taon, sagot ng Parokya ni Edgar frontman:

“We came out with a new album, we were celebrating our anniversary as a band.

“And that is nothing compared to the…yung tulung-tulong na nakita ko, yun talaga, e.

“That’s the highlight naman talaga of 2013, yung hindi nila pinabayaan yung mga nangailangan.

“At I think, yun, it shows na kahit gaa no kagulo ang mundo, e, there’s still hope for humanity.”

Nitong August ay kumalat sa internet ang “private video” ni Chito kasama ang nobyang si Neri Naig.

Tanong kay Chito, ano ang biggest challenge na hinarap niya ngayong 2014 at ano ang lesson na natutunan niya mula dito?

Tugon niya, “Ang dami naming challenges nung 2013, but just like all challenges, all challenges should be faced with a strong heart and with a good attitude. Yun lang.

“Every year naman there are challenges, pero we always face it with a positive vibes and compassion, and love, and respect for everyone, and for our selves most of all.”

Meron ba siyang resolution para sa taong 2014?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung resolution ko na sinulat nung 2012, balak ko na gawin ngayong 2014.

“Stop smoking, eat healthy, exercise, ano pa ba, sleep early. Yun, the basic, pag-aalaga sa sarili.”

Matupad naman kaya ito sa darating na taon?

“Kung di matuloy next year, okay lang yun since there’s always next year.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN