KC Concepcion sizzles in kissing scene with ER Ejercito in MMFF entry Boy Golden

KC Concepcion on her role in the MMFF movie Boy Golden: The Arturo Porcuna Story: “Masasabi ko po talaga na kasama ito sa growth ko bilang aktres. Siyempre, ayaw ko rin palagi yung pa-tweetums o pa-cute ang ginagawa. Siyempre, babalik at babalik ako doon sa wholesome image. Pero dito kasi, napaka-astig, nae-excite akong gawin siya.”


Hindi ikinaila ni KC Concepcion na mayroon silang kissing scene ng actor-politician na si ER Ejercito sa Metro Manila Film Festival entry na Boy Golden: The Arturo Porcuna Story.

Pero agad namang sinabi ng actress-TV host na maganda ang pagkakuha ni Direk Chito Roño sa nasabing eksena.

“Hindi siya parang typical na kilig or ganyan.

"Parang makikita mo talaga yung character ko dun na, ‘May something itong si Marla. Tingnan mo ‘yan.’ Nakakatuwa,” sabi ni KC.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si KC sa press conference na isinagawa ng Metro Manila Development Authority para sa MMFF 2013 entries noong nakaraang linggo.

Pahayag ni KC, ang pagganap niya sa karakter ni Marla ay pagpapakita na rin ng kung ano pa ang magagawa niya bilang aktres.

Matatandaang sa teleserye ng ABS-CBN na Huwag Ka Lang Mawawala ay napanood si KC bilang isang kontrabida.

Dito naman sa Boy Golden, may halong action ang pagganap ni KC sa kanyang role.

Saad niya, “Masasabi ko po talaga na kasama ito sa growth ko bilang aktres.

“Siyempre, ayaw ko rin palagi yung pa-tweetums o pa-cute ang ginagawa.

"Siyempre, babalik at babalik ako doon sa wholesome image.

“Pero dito kasi, napaka-astig, nae-excite akong gawin siya.”

NERVOUS ABOUT FIRST MMFF MOVIE. Bukod sa excitement, may halo rin daw kabang nararamdaman si KC para sa kanyang unang MMFF movie.

Aniya, “Sobra po akong kinakabahan. Marami po kaming makakasamang pelikula na iba-iba rin ang flavor.”

Gayunman, tiwala si KC na maganda ang kalalabasan ng pelikulang ginawa nila.

Isa pa marahil sa mga panghikayat nila sa mga manonood ay ang fight scenes sa pelikula.

Kuwento ni KC, “Yung mga fight scenes namin ay astig, kasi yung nagturo sa amin, yung nagturo kay Angelina Jolie sa States.

“May mga Pilipino rin na nag-supervise sa akin, nag-alaga sa akin, nagturo sa akin ng mixed martial arts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, marami ring mga astig na fight scenes para sa mga kalalakihan.”

SHARON’S REACTION. Dahil sa iba ang imahe na ipapakita niya sa pelikulang Boy Golden, ano kaya ang naging reaksiyon ng kanyang ina na si Sharon Cuneta?

Sabi ni KC, “I think she’s proud that naka-work ko na si Chito Roño.

“I think she’s excited for me as an actress.

“Sa totoo lang po, simula po Huwag Ka Lang Mawawala, doon ko naramdaman na talagang pati nanay ko, tinanggap niya ako bilang aktres.

“Napakalaking bagay po sa akin noon.”

Dahil dito, all-out daw ang ipinangakong suporta ng kanyang ina.

“Well, siyempre magkasama kami sa Milan, yung show niya.

"Siyempre, paulit-ulit ko siyang nire-remind sa kanya, ‘Ma, ha, December 25.’

“Sabi niya, magpapa-reserve daw siya ng maraming seats, marami raw siyang dadalhin.”

Makakatunggali ng Boy Golden sa action genre ang 10,000 Hours, na pagbibidahan ni Robin Padilla

Kabilang din sa mga kalahok ngayong taon ang comedy movies na My Little Bossings nina Vic Sotto, Kris Aquino, Bimby Aquino Yap, at Ryzza Mae Dizon; Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel ni Eugene Domingo; at Girl Boy Bakla Tomboy nina Vice Ganda at Maricel Soriano.

Kasama rin ang suspense-horror movie nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na Pagpag: Siyam na Buhay, ang historical drama movie ni Rocco Nacino na Pedro Calungsod: Batang Martir, at ang hip-hop dance movie nina Sef Cadayona at Yassi Pressman na Kaleidoscope World.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN