Baron Geisler hopes to change luck in 2014

Nitong mga nakaraang taon, samu’t saring intriga ang kinaharap ng aktor na si Baron Geisler. Sa tanong kung paano niya hinarap ang lahat ng ito, biro ni Baron, "Oo nga e, kapal ng mukha siguro."


Nabalot man ng samu’t saring intriga ang kanyang 2013, nagpapasalamat pa rin si Baron Geisler na hindi pa rin siya pinagdadamutan ng grasya.

Sabi ng aktor, “It’s alright, maraming blessings na dumating.

"Pero I could have done… I could have parang make it a better 2013 but, you know, God is good and I’m still blessed.

"Hopefully, 2014 maiba naman ang luck natin.”

Paano ba niya hinarap ang mga kontrobersiyang pinagdaanan niya?

Natatawang biro ni Baron, “Oo nga, e, kapal ng mukha siguro!”

Makapal ba talaga ang mukha niya?

Seryosong tugon ni Baron, “Hindi nga, e. Sa totoong buhay, mahiyain ako e. So yun.”

Kahit maraming isyu ang kanyang kinakaharap, marami pa rin daw blessings ang kanyang natanggap ngayong taon.

“Andiyan pa rin naman ang trabaho, andiyan pa rin ang industriya.

"Nagpapasalamat ako sa industriya na pinagbibigyan pa rin ako. Di pa rin sila nagsasawa sa akin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Baron sa presscon para sa New Wave category ng MMFF noong nakaraang linggo.

VISIBLE IN MOVIES. Hindi man visible sa telebisyon, masuwerte raw si Baron dahil aktibo naman ang kanyang movie career.

Last September, inilabas ang sexy gay-themed movie na Lihis kung saan nakasama niya sina Jake Cuenca, Joem Bascon, at Lovi Poe.

Nitong nakaraang buwan naman, nagbukas sa mga sinehan ang horror-drama movie na Sapi, kasama sina Dennis Trillo at Meryll Soriano.

Sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2013, dalawang pelikulang kalahok ay kasali si Baron—Boy Golden: The Arturo Porcuna Story nina ER Ejercito at KC Concepcion, at ang Saka Saka kasama sina Joseph Marco at Ejay Flacon.

Ang Boy Golden ay para sa mainstream category, samantalang ang Saka Saka ay sa new wave section.

Ano ang istorya ng Saka Saka?

“Mga taong ang trabaho lang nila e hired hitman, parang ganun.

“Sa probinsiya. Or minsan bibiyahe yung saka-saka kung saan man utusan siya ng boss niya, usually ang boss nila ay mga politicians.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


TOO YOUNG TO PLAY FATHER ROLES. Ano ang role niya sa pelikula?

Saad ng 31-year-old actor, “Ako yung tatay ni Ejay Falcon… hindi, kasi yung istorya magsisimula sa akin, e.

"May ginawa akong hit tapos biglang… medyo sumbalay, so nadawit yung buong pamilya.

"And then, eventually I die, and then sila na yung maghihiganti sa father nila.”

First time ba niyang gumanap ng father role?

Aniya, “Uhm, no naman... yung iba sa TV.”

Bakit siya pumayag samantalang bata pa naman siya?

Paliwanag ni Baron, “Hindi, kasi bata naman sila, e.

"Kasi, kumbaga, one-third of the film, istorya ko, e, and then the rest iba na.”

Early 2014 ay mapapanood din si Baron sa isang international movie na kinunan dito sa Pilipinas, ang Waves.

Pagdating naman sa telebisyon, may inaayos na raw proyekto ang manager niya para sa kanya.

Sabi ni Baron, “Malapit na daw yung soap, so antay-antay lang muna.

"Hindi pa puwedeng sabihin e. Antay-antay lang muna siguro.

"Looking forward ulit sa TV kasi miss ko na siya, e.”

Ang huling teleserye ni Baron ay ang Kidlat ng TV5, kung saan gumanap itong mortal na kaaway ng bidang si Derek Ramsay.

Pero bago pa man tuluyang nagwakas ang show nitong Marso, napabalitang pinatay ang character nito dahil sa nakaaway na kasamahan sa set ng teleserye.

Kinumpirma naman ni Derek noon na nagkaroon ng tensiyon sa set ng Kidlat, pero itinanggi nitong tinanggal si Baron sa show.

Read: Derek Ramsay on Baron Geisler: “You don’t baby him when he makes mistakes... you let him know that he made mistakes, he’s gotta learn.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN