KC Concepcion’s wish for 2014: “Sana tuluy-tuloy pa rin ang pagtanggap sa akin.”

KC Concepcion says she realizes that she had to go through hardships in the past years to prepare her for the blessings of this year. “Parang sulit lahat ng pinagdaanan ko in the last two to three years. Sabi ko, ‘Lord, kung ito naman ang kapalit, naintindihan ko na kung bakit ko kailangan pagdaanan ang lahat ng ‘yon.”


Maituturing na panahon ng pagbabago para kay KC Concepcion ang patapos na taong 2013.

Ngayon taon, naipakita ng panganay na anak ni Megastar Sharon Cuneta na hindi lamang siya sa mga pa-sweet at pa-tweetums na roles nababagay.

Sa teleseryeng Huwag Ka Lang Mawawala, gumanap si KC bilang kontrabida kay Judy Ann Santos.

Sa Metro Manila Film Festival entry namang Boy Golden: The Arturo Porcuna Story, sumabak si KC sa isang action film, gayo’t dati-rati’y sa romantic drama movies lamang siya napapanood.

Bukod sa mga bagong proyekto, malaki rin ang pasasalamat ni KC sa mga produktong patuloy na nagtitiwala sa kanya bilang celebrity endorser at sa mga produktong pumapasok pa lang ngayon.

Kaya naman, ganito ang paglalarawan ni KC sa patapos nang taon: “It’s a good year, very fulfilling year.”

Noong mga nakaraang taon, matatandaang humarap ang anak nina Sharon at Gabby Concepcion sa mga isyu patungkol sa kanyang career at love life.

Ngayon daw nauunawaan ni KC kung bakit kinailangan niyang pagdaaanan ang mga ito noon.

Sabi niya, “Parang sulit lahat ng pinagdaanan ko in the last two to three years.

“Sabi ko, ‘Lord, kung ito naman ang kapalit, naintindihan ko na kung bakit ko kailangan pagdaanan ang lahat ng ‘yon.

“And sana, tuluy-tuloy ko siyang nakikita na namumunga or parang makita ang dahilan kung bakit napagdaanan ko lahat ng heartaches.

“Sulit naman ang rewards.”

Bagamat naging maganda ang takbo ng kanyang showbiz career ngayong 2013, ayaw naman daw ni KC umasa ng mas higit pa sa susunod na taon.

Para sa kanya, “Ayaw ko mag-expect.

“Ang year na ito, hindi ko talaga plinano.

“Dumating sa point na ayaw ko nang magplano, si God na lang bahala.”

Gayunpaman, hindi itinanggi ni KC na hiniling niyang sa 2014, “Sana tuloy-tuloy pa rin ang pagtanggap sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN