Sam Milby enjoying his "friendship" with Jessy Mendiola

Sam Milby on relationship with Jessy Mendiola: “It’s still very early ‘coz we’re still at the getting-to-know stage, you know... Three times pa lang in the last two months, so we have no time to talk this much and see each other... It’s not at that stage.”


Napapagitla si Sam Milby sa mga tanong ni Boy Abunda nang maging guest ang Kapamilya actor-singer sa "Ikaw Na!" segment ng Bandila ng ABS-CBN noong weekend.

Sa isang bahagi ng interview kay Sam, natuon ang usapan sa babaeng nililiyag niya ngayon—ang young actress na si Jessy Mendiola.

Sinasabing si Jessy raw ang "It girl" sa buhay ngayon ni Sam. Mahal na ba niya si Jessy?

Natawa si Sam at sinabing, “Hindi pa sa ganoong stage at all!

“It’s still very early ‘coz we’re still at the getting-to-know stage, you know...

“Like I said, three times pa lang in the last two months, so we have no time to talk this much and see each other.

“It’s not at that stage.”


SPARK OF LOVE. Pero inamin ni Sam, sa pag-udyok din ni Boy, na may “spark” sa mga mata o sa pagkatao niya ngayong naiuugnay siya kay Jessy.

“There’s definitely a spark!” pag-amin ni Sam.

Ano ang plano ni Sam this Christmas, kasama ba niya si Jessy?

Natawa uli ang Kapamilya heartthrob.

Pahayag ni Sam, “We have not talked about that, at all. Hindi ko alam kung anong plans niya.”

But do they talk about “other” things?

“Yes, of course! Obviously,” mabilis na tugon ng aktor.

Kumusta na ang status ng “relationship” nila ni Jessy?

“Ganoon pa rin... we’re still enjoying the friendship.

“I got to see her last time, noong birthday niya.

"I’ve seen her three times in the last two months.”

Paglalarawan pa ni Sam tungkol kay Jessy: “Sobrang hardworking.”



HOLLYWOOD DREAM. Nabanggit din ni Boy ang tungkol sa dating Hollywood dream ni Sam.

Tanong niya kay Sam: Is the dream still alive?

“It’s still there,” sambit naman ni Sam.

“Nag-e-enjoy ako sa mga projects na ginagawa ko dito sa Pilipinas, and you know, when I’m not busy here, gusto kong i-pursue pa rin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Otherwise, si Sam is into business, aside from showbiz.

He owns and manages Prost Braumeister, a German restaurant and pub located at The Fort.

Kuwento niya, “My friend Dominic Fernandez, he was the one who got me into it.

“He has a lot of different businesses also.

"I don’t want to say na aral ako, na marami akong ginawa para sa business.”

How rich is Sam Milby now?

Sam was caught off-guard by Boy’s question at natawa lang at hindi agad ito nakapagsalita.

Biro ni Boy, gusto niyang pinakakaba si Sam.

“Okey ako, content ako… whew!” tawa ulit ni Sam.


LOVE OR CAREER? Sa huling bahagi ng programa, pinapili ni Boy si Sam kung love or career.

Hindi agad nakasagot ang aktor.

“Hmmm… ang hirap nito!

“Ako kasi... mahirap ito because there was a time... ay, hindi... there comes a point where you...

“Kailangan siya, depende sa point in your life.”

Where is Sam at this point in his life—is it love or career?

“Career pa rin,” sagot ni Sam.

Nawindang na naman si Sam sa tanong ni Boy kung sino ang pipiliin niya—si Jessica Alba ba o Jessy Mendiola?

“Ha! That’s a hard one!

"Kasi... Jessica Alba ang ultimate dream girl, but I cannot…” biting sagot ni Sam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN