Robin Padilla on MMFF Best Actor race: “Ibigay natin sa bata ‘yan. Ang daming bata riyan, mas makakatulong sa kanila yun.”

Robin Padilla says he did not have second thoughts accepting role in 10000 Hours: “Ang nangyari ay sagot sa mga dalangin ko bilang isang struggling older actor. Siyempre, bata ‘yan, mga producers na ‘yan. Ibig sabihin, malilikot ang isip niyan. Ibig sabihin, gusto niyan na talagang may patunayan.”


Ilang araw na lang at magsisimula na ang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2013.

Isa ang Bad Boy of Philippine Cinema na si Robin Padilla sa nagkukumahog mag-promote ng kanyang pinagbibidahang entry, ang 10000 Hours.

Pero buo ang loob ni Robin na positibo ang kalalabasan ng pelikula niyang base sa mga kaganapan sa buhay ni dating Senador Panfilo Lacson.

Bukod sa istorya, nagbigay-pugay ang aktor sa kontribusyon ng lahat ng kanyang mga kasamahan sa paggawa ng 10000 Hours—magmula sa producers, director, at co-stars niya.

Saad niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Masasabi ko rin na dito sa pelikulang ito, maipagmamalaki ko na mas naging close kami ni Direk Joyce [Bernal] bilang magkaibigan.

“Noon, kami, sa pagiging romantiko, diyan kami naging close.

“Pero dito ho sa pelikulang ito, na-prove ko na si Direk Joyce pala ay talagang taga-UP... talaga palang rebolusyonaryo ‘to!

“Naniniwala ako na sa bawat dialogue ni Gabriel Alcaraz sa movie, na ito ay nanggagaling din sa ilalim ng puso ni Direk Joyce.”

Biro pa ni Robin, “Kaya kapag hinanap ho ng batas, isa lang ang hahanapin ninyo—si Direk Joyce.”

At ipinagmamalaki rin ni Robin ang kalidad ng pelikulang idinirek ni Joyce.

Aniya, “Noong nagsu-shooting kami, hindi puwedeng maistorbo at matutuwa po kayo, para kayong nanood ng pelikulang banyaga.”



YOUNG PRODUCERS. Bukod sa pagiging baguhan ay mga bata pa ang ilang producers ng 10000 Hours, tulad nina Neil Arce at Boy2 Quizon.

Bilang isa sa maituturing na malaking artista sa industriya, hindi ba siya nagdalawang-isip na gawin ang pelikula?

Ayon kay Robin, “Alam ninyo po, ang nangyari ay sagot sa mga dalangin ko bilang isang struggling older actor.

“Siyempre, bata ‘yang mga producers na ‘yan.

"Ibig sabihin, malilikot ang isip niyan. Ibig sabihin, gusto niyan na talagang may patunayan.

“Kaya naman hindi ako nagdalawang-isip na pumayag.

"At lalo noong sinabi nila na si Direk Joyce, sapagkat matagal ko na talagang nililigawan ang director na ‘to.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, ‘Ikaw lang ang puwedeng muling magbalik ng ningning ng action. Wala, e, kailangan, isang katulad mo na nakakaintindi ng puso ng masa.’”

Ikinumpara naman ni Robin ang tema at basehan ng istorya ng 10000 Hours sa ibang kasaling pelikula sa MMFF ngayong taon.

Sabi niya, “Kasi, yung aming golden age ng action, iba na, iba na ang action ngayon.

"At siyempre, ma-action ito. Sino ba naman ang tatanggi?

"Tunay na action star yun, kahit saan tingnan, talagang hero yun.

“Lalo na ngayon na ginagawa namin ang pelikula, wala pa ‘tong pasabog ng pork barrel!

“Hindi lang sa pulitika, kung hindi maging sa pelikulang Filipino dahil nag-uusbong na nga po rito ang mga batang producers na ang lilikot ng isip.

“Dito ako natutuwa dahil hindi sila takot malugi, ang gusto lang nila ay gumawa ng pelikulang maganda.

“Sana naman po, matuto rin ang ating mga kababayan na manood ng pelikulang entertaining at maganda.”

Kumusta bang katrabaho ang mga batang producers nila?

Sabi ni Robin, “Well, ako, natutuwa ako, kasi medyo naabutan ko kasi paglabas ko ng kulungan, yung inabot kong mga bata, late, walang kuwentang kausap, di ba?

“Yung mga bata ngayon, naiba.

"Yung henerasyon ngayon, nakakatuwa—sila Neil, yung mga batang artista ngayon.

“Ako, natutuwa ako sa magalang, hindi nali-late, okey yun.”


STIFF COMPETITION. Alam ni Robin na marami ang maglalaban-laban para maging topgrosser ng MMFF ngayong taon.

Anong pelikula ang nakikita ni Robin na maaaring maging mahigpit na kalaban ng 10000 Hours sa pagiging topgrosser?

Tugon niya, “E, siyempre yung pambata, hindi natin maano ‘yan... Pasko ‘yan, e.

“Ang atin lang pakiusap sa mga manonood, katulad ng sinabi ko kanina, nakasalalay rin naman sa oras na ‘to ang kinabukasan nating lahat.

“Kung meron man tayong oras para mag-enjoy, matawa, meron din tayong konting oras para sa ating kaalaman.

“Para alam naman natin kung ano ang nangyayari sa paligid natin, hindi tayo yung para tayong tanga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Medyo, panahon na rin.”



EXPECTATIONS. Matunog ang pangalan ni Robin na posibleng manalo ng Best Actor sa MMFF Awards Night.

May “expectation” ba siya na maiuwi ang tropeyo?

Saad niya, “Maganda ang tanong kanina kung Best Actor o box-office.

“Ako, box-office, kasi yung producer natin, mahirap madala.

“Kapag ‘yan dumiretso… okey rin naman ang Best Actor, kung ibibigay.

“Pero para ipangampanya natin, hindi na.

"Ako, okey na ‘ko rito—kumita ang pelikula.

“Yung Best Actor, ibigay natin sa bata ‘yan.

"Ang daming bata riyan, mas makakatulong sa kanila yun.”



ON DANIEL PADILLA. Ang pamangkin niyang si Daniel Padilla ay may pelikula rin ngayon sa MMFF na magiging katapat ng pelikula ni Robin.

Si Daniel ay nasa pelikulang Pagpag: Siyam Na Buhay, kasama ang ka-loveteam nitong si Kathryn Bernardo.

Pero paglilinaw ni Robin, “Hindi natin puwedeng sabihing katapat.

“Iba ‘yang si Daniel. Lahat kami, nakasuporta sa anak ko, parang siya yung may dala-dala ng bandila.

“Lahat kami, lalo na ako, hindi natin kukumpitensiyahin yun, susuportahan natin yun hanggang sa dulo.”

Posible kaya niyang sabihin na pagkatapos manood ng 10000 Hours ay mag-Pagpag naman ang mga manonood?

Sabi ni Robin, “Hindi, panoorin nila ang dalawa.

"Panoorin nila para makita nila ang Padilla blood talaga.

“Masaya kaming lahat doon, sa batang yun.”

Nakikita niya ba na si Daniel ang susunod sa yapak niya?

Ani Robin, “Sa akin kasi, mas malaking figure si Daniel.

“Yung media ngayon, hindi na natin puwedeng ikumpara sa media noon.

"Ito, buong mundo.

“Kahit saan ako makarating, hanggang Lebanon, noong magpunta ako ng Lebanon, isa lang ang hinihingi ng tao—si Daniel.

“Para sa akin, wow! Hindi ko puwedeng sabihin na humalili sa akin, magkakaiba kami.

“Sa ngayon, siya ang pinakamalaking pag-asa ng Padilla.

"Lahat kami, nasa kanya.”

Pero iba rin naman ang nagawa ni Robin.

Sabi niya tungkol dito, “Magkaiba, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa entertainment, hindi ko naabot ang nagawa niya. Sa edad niya na ‘yan.”

Pero sa pelikula, ilang beses na rin niyang napatunayan ang pagiging box-office star niya.

“Siguro sa box-office, oo, hindi pa niya naabot.

"Pero ang kasikatan, wow, ako, bilib ako doon.”

May nagsasabi naman na kaya rin nakilala nang husto si Daniel ay dahil may Robin Padilla.

Sabi ni Robin tungkol dito, “Padilla, Padilla… ano, e, magkaiba kaming tao.

“Iba siya, iba ako, iba si Daniel.

"Mas marami pang ipapakita ang batang yun, marami pa.”



BELA & KYLIE. Sa unang pagkakataon ay makakasama rin ni Robin sa pelikula ang pamangkin niyang si Bela Padilla.

Aniya tungkol kay Bela, “Itong batang ‘to, lumaki sa amin, kaya naging magaan ang lahat ng bagay.

“Nagulat lang ako noong nag-eksena kaming dalawa, sabi ko, siguradong mananalo siya.

“Ilang beses ko nang pinanood ang pelikula, napakahusay, madadala ka sa eksena.”

Sa huli, kinumpirma ni Robin ang posibilidad na magkaroon siya ng guesting sa Adarna, ang primetime series na pinagbibidahan ng kanyang anak na si Kylie Padilla sa GMA Network.

Ayon kay Robin, “Basta ibigay lang yung role na hinihingi ko.

“Kasi, ayokong mamatay.

"Siyempre, may kanya-kanya tayong nililinyahan, di ba?

“Nandoon tayo sa oras ngayon na yung pinipili nating mga role, e, sa edad ko na.

“Hindi tayo puwedeng magpanggap na bata, kasi iba na ang panahon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN