KC Concepcion receives real Christmas tree from Paulo Avelino

“Wala pa akong masasabi about that, kasi ayaw ko po muna magsalita about anything. Pero isa po siya sa mga pinakamalapit sa akin right now,” says KC Concepcion about the status of her relationship with Paulo Avelino.


Bagamat patuloy na nali-link si KC Concepcion kay Paulo Avelino, hindi naman nababago ang sagot ng dalaga tungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon.

Para sa dalagang anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, itinuturing niya ngayong malapit na kaibigan si Paulo.

“We’re very close. I can say na we’re close,” pag-uulit pa ni KC nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa presscon na inihanda ng Metro Manila Film Festival para sa mga pelikulang kalahok sa 2013 MMFF.

Ang pelikula ni KC kasama si Laguna Governor ER Ejercito, ang Boy Golden: The Arturo Porcuna Story, ay isa sa walong pelikulang kalahok ngayong taon.

Sa kabila ng ganitong mga sagot nina KC at Paulo, hindi naman naiwasang mabigyan pa rin ng kulay ang pagiging malapit ng dalawa.

Lalo na nang i-post ni KC sa Instagram ang regalo sa kanya ni Paulo para sa Pasko: isang tunay na Christmas tree.

Dahil dito, isa sa followers ni KC ang nagsabi: “Nice KC! Another pogi points to Paulo.”

May isa namang nagsabi, “Kilig! Real yung tree nag effort Talaga si Paulo ibig sabihin totoo ang intention Niya sa iyu…”

Sa panayam ng PEP, nabanggit ni KC na gagawin niya itong “candy-inspired Christmas tree.”

Tinanong namin si KC kung sa tingin niya ay may pag-asang maging sila ni Paulo.

Ngumiti ang dalaga at sinabing, “Wala pa akong masasabi about that kasi ayaw ko po muna magsalita about anything.”

Diin pa niya, “Pero isa po siya sa mga pinakamalapit sa akin right now.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN