Bea Rose Santiago takes the Miss International 2013 crown

Ang kandidata ng Pilipinas na si Bea Rose Santiago ang nagwaging Miss International 2013, sa ginanap na pageant sa Tokyo, Japan, ngayong gabi, December 17.


Tulad ng kanyang ipinangako, dinala nga ni Bea Rose Santiago ang "storm" sa Japan nang masungkit niya ang korona sa Miss International 2013.

Ginanap ang Miss International 2013 sa Tokyo, Japan, ngayong gabi, December 17.

Ang 1st runner-up ay si Miss Netherlands at 2nd runner-up naman si Miss New Zealand.

Kabilang naman sa Top 5 ang mga kandidata mula sa Colombia at Hungary.

Ang iba pang mga nakapasok sa Top 15 ay mula sa Gibraltar, Brazil, Puerto Rico, Ecuador, United States, Lithuania, Iceland, Russia, Thailand, at Spain.

Si Bea ang ikalimang Pinay na kinoronahang Miss International.

Ang iba pa ay sina Gemma Cruz (1964), Aurora Pijuan (1970), Melanie Marquez (1979), at Precious Lara Quigaman (2005).

Tinapos ni Bea ang matagumpay na kampanya ng Pilipinas sa mga international beauty pageants ngayong 2013.

Tatlo ang napanalunang korona ng Pilipinas ngayong taon.

Noong September ay nanalo si Mutya Johanna Datul bilang Miss Supranational 2013.

Napanalunan naman ni Megan Young ang Miss World 2013 title noon ding September.

Parehong first time na nanalo ang Pilipinas sa Miss Supranational at Miss World.

Ang kandidata naman ng Pilipinas sa Miss Universe 2013, na si Ariella Arida, ay nagpatuloy ng magandang record ng Pilipinas sa nasabing beauty pageant nang maging third runner-up siya.

Ang kandidata ng Pilipinas sa Miss Earth 2013, na si Angelee delos Reyes, ay nakaabot hanggang sa Top 8.

Bago lumipad patungong Japan ay sinabi ni Bea na inaalay niya ang kanyang paglahok sa Miss International sa mga kababayan nating nabiktima ng super typhoon Yolanda.

Dagdag pa niya, “Like I said, I’m not going there as Bea Santiago, I’m going there as Miss Philippines.

“And if I win or make it, that would bring happiness this Christmas.

“I want to give them a very merry Christmas—that’s one of my goals.

“And I think the least that they want right now… they need, you know… let’s make them smile.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun po yung gusto ko ipakita na, Philippines, no matter what happens to us, kahit na nabagyo man tayo, I’m gonna bring the storm in Japan.

“That’s what I’m gonna do.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN