Mylene Dizon flattered by words of admiration from John Lloyd Cruz and Robin Padilla

Mylene Dizon admits to being a big fan of Alice Dixson: “Siya yung mukha ng late ’80s. Everybody wants to do ‘I can feel it!’ Sobrang lakas ng impact nun. Everybody wants to look like her... she was able to maintain that beauty.”

Ang “I can feel it!” ay ang pamosong linya ni Alice sa isang bath soap commercial noong 1987.


Masasabing isang mapangahas na desisyon ang ginagawa ng FHM magazine sa pagkuha ng "mature actresses" bilang cover girls.

Naging cover at pictorial features sina Sunshine Cruz noong April 2013 at Alice Dixson naman nitong December issue.

Bilang isa sa “hot mommas” ng show business, susunod ba si Mylene Dizon sa pagiging cover girl ng nangungunang men’s magazine?

“I don’t know... I think I’m done,” tugon ng aktres sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng 10000 Hours noong December 16.

Kung sakaling may mag-offer ngayon sa kanya na mag-pose para sa FHM, handa kaya siyang tanggapin ito?

Sagot niya, “I think I’m okay na.

"I did it before, so I don’t wanna do it again, I think.

“I think okay na ako sa isa lang, nahihiya rin naman ako.

“Napagbigyan ko na ang sarili ko before, tama na rin siguro yun.”

Naging cover girl si Mylene ng FHM noong June 2001.

Marami pa rin ang humahanga sa kaseksihan at kagandahan ni Mylene. Bakit ayaw na niya ng "second time"?

Paliwanag niya, “I have two boys na, e.

“At saka, hindi naman siguro ako ka-FHM-FHM... nako-conscious lang ako.

“Nahihiya ako na magkakaroon naman ng mga kaklaseng lalaki ang mga anak ko.

“I don’t know how I would react kapag sinabi nila sa mga anak ko na, ‘Nanay mo pala yung ano...’

“I really don’t know how I would explain it to my kids—iyon lang yun.

“I don’t see anything wrong with it.

"Ako lang, hindi ko lang alam kung paano ko ipapaliwanag.”


BIG FAN. Pagkatapos nito ay binanggit ni Mylene ang paghanga niya kay Alice Dixson, na sa edad na 44 ay nagagawa pa ring magpa-sexy.

Sabi niya, “Naku, nang mapanood ko siya sa movie ngayon [When The Love Is Gone], sobrang ganda pa rin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang skin niya, toned pa rin.

“Tsaka yung sa cover niya sa FHM, ibang klase ang dating... very iconic beauty talaga siya.

“Kaya nga sabi nila na sobrang mabenta yung magazine, I believe so.

“Ang dami pa rin talaga ang humahanga sa kanya.

“Siya yung mukha ng late ’80s.

"Everybody wants to do ‘I can feel it!’ Sobrang lakas ng impact noon.

"Everybody wants to look like her... she was able to maintain that beauty.”

Ang “I can feel it!” ay ang pamosong linya ni Alice sa isang bath soap commercial noong 1987.


NEW LIFE. Turning 40 years old na si Mylene next year.

Naniniwala ba siya sa kasabihang “Life begins at 40?”

“Yes, life begins at forty, life begins when you have kids like this,” sabay yakap ni Mylene sa anak niyang kasama niya sa presscon.

Patuloy niya, “Actually, it started last year.

"Nagkaroon ako ng sense of freedom, the definitive ones, and I think, I became happier.

“There are lot of things na gusto kong gawin na hindi ko nagawa.

“Like sana, I travelled more, sana I didn’t waste my time clubbing as I did before.

“Sana, I did more sports, more arts.

“Now, parang meron akong panic mode na gusto ko silang lahat magawa, kasi nararamdaman ko na... na matanda na ako.”

Hindi pa naman huli ang lahat para gawin niya ang mga gusto niyang gawin pa sa buhay.

“Oo, pero there’s not much time,” sabi ng aktres.

“Siyempre, nagde-deteriorate ka na at one point, kaya pinagsisiksikan ko na ang lahat.

“Gusto ko nang gawin lahat bago pa man mangyari ang hindi muna dapat.

“Pero I still feel strong... I feel strong physically, and I take care of myself.”


ADMIRERS. Sa kanyang edad, marami pa ring younger men ang nagkakagusto o humahanga kay Mylene.

Isa na rito ang award-winning actor na si John Lloyd Cruz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawang reakisyon ng character actress, “Right, right. Nasabi ‘ata ‘yan sa akin ni Boy Abunda.

“I think dahil may pagka-boyish din ako... I don’t know, I really don’t know.

“Nakakatuwa lang kung bakit, di ba?”

Maging si Robin Padilla, na co-star niya sa 10000 Hours, ay ibinidang siya ang nag-request na si Mylene ang gusto niyang maging leading lady.

Nahihiyang sabi ng aktres tungkol dito, “Parang nadiskaril ako doon, kasi that’s very flattering.

“For Robin Padilla to say that, I was actually speechless.

"I don’t know how to react, I don’t know what to say.

“Nakakatuwa and hope it’s true at hindi lang niya ako binibilog.

"Pero it’s very flattering, lalo na’t I’m a fan of Robin.

“Yung unang eksena namin, hindi ko siya matingnan kasi nako-concious ako, guwapung-guwapo ako sa kanya.

“Oh, my God, it’s larger than life, e! Na-starstuck talaga ako!” natatawang sabi niya.


AWARD-WINNING. Panlaban ba ang acting niya sa 10000 Hours, na entry sa 39th Metro Manila Film Festival?

Tugon ni Mylene, “I don’t really know, kasi hindi ko pa napapanood ang ibang entries.

“All I know is that ginawa ko ang trabaho ko.

“Ginawa ko what is required of me, kasi I respect the material, the work I’m doing, and the people I have worked with.

“As to the award, I’m not really sure, and I’m not expecting though.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN