Arjo Atayde on his passion for acting: “Importante sa akin yung talent, yung craft, love for craft talaga.”

Arjo Atayde on longtime crush Alex Gonzaga: “I admire her… ayoko kasi ng sobrang pretty na seryoso, ayoko ng ganoon. Tao siya, e, tao siya, totoo siya. Kung may gusto siyang sabihin, sasabihin niya.”


Sa loob lamang ng mahigit isang taon sa showbiz, nakamit na ni Arjo Atayde ang karapatang makapuwesto sa hilera ng mga premyadong aktor.

Nakasungkit kaagad si Arjo ng magkasunod na acting awards mula sa Philippine Movie Press Club—Best Male New TV Personality at Best Drama Supporting Actor.

Pagkatapos nga ng kanyang supporting role sa Dugong Buhay ay sisimulan na ni Arjo ang kanyang first lead role sa bagong seryeng Pure Love sa Kapamilya network.

May mga umaasang tuluy-tuloy na ang pagbulusok ng kanyang acting career, pero sa kanyang sarili, ano ang nagtutulak kay Arjo para marating ang kinalalagyan ngayon?

“Gusto kong tumanda sa industriya, gusto kong matatakan bilang pinakamagaling na artista,” pag-amin niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Ganoon ang gusto kong title, yung tipong ganoon, hindi yung pinaka-guwapo.

“Sa Star Magic na lang, ang daming guwapo, ang daming maganda.

“Importante sa akin yung talent, yung craft, love for craft talaga.

“Hindi ko ma-explain kung gaano ko kamahal ang acting talaga.”

Ang Star Magic, na talent management arm ng ABS-CBN, ay co-manager kay Arjo. Ang isa pa ay ang ina mismo ni Arjo, si Sylvia Sanchez.


PASSION FOR ACTING. Hindi ba siya katulad ng ibang artistang nagpapagod at nagpupuyat dahil kailangang kumita ng pera?

Tanggi naman ni Arjo, “No, it’s my passion, e. Passion ko talaga ‘to, ang pag-arte.”

Dahil ba ang pag-arte ang nakita niya sa mommy niya, na kinikilalang magaling na aktres?

“No, hindi naman dahil sa nakita ko sa mommy ko.

“Siguro rin, dahil palagi akong nakakasama ng mommy ko sa shoot niya.

Ano ang mga na-e-enjoy niya sa ginagawa niya ngayon?

“Yung pag-arte, yun talaga,” giit niya.

Hindi ba dahil marami nang nakakakilala sa kanya?

Sabi ni Arjo, “Hindi talaga, yung pag-arte talaga.

“Ang sarap ng feeling na pagpasok mo sa set, handang-handa ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pag may nagawa kang eksena na sobrang ganda, ramdam na ramdam mo.

“Sobrang fulfilling ng pakiramdam, walang makakatalo roon. Ang sarap ng tulog ko pagka-uwi.

“Ang sarap ng feeling… Basta, hindi ko ma-explain, naramdaman ko na ang sarap ng feeling.”


NO CONTRACT RENEWAL. Sa ngayon ay wala pang renewal of contract si Arjo sa Star Magic.

Lahad niya, “One year and nine months na ’ko sa showbiz, e. My contract is one year.

“So, nine months nang expired ang contract ko, wala namang pinapapirma sa akin.”

Pero may binibigay namang show sa kanya.

“Opo nga,” nakangiti niyang sabi.

Okey lang sa kanya na wala pa siyang kontrata?

“Okey lang, pero minsan, natatakot din ako na baka mamaya, tanggalin ako,” natatawa niyang sabi.

“Very sensitive kasi ako sa mga ganyan. Naiisip ko, baka matanggal ako.

“Pero, sabi ng Mommy ko, ‘Hindi ka matatanggal, ano ka ba?’”

“Kapamilya lang,” ang mabilis niyang sagot kung open siya sa ibang network.


NEW LIFESTYLE, FRIENDS. Bakit Kapamilya lang para sa kanya?

“Nag-e-enjoy ako. Ang dami ko nang kakilala sa network at saka ang hirap kasing makahanap ng totoong tao sa showbiz.

“Although, kahit nasaan ka naman, mahirap makahanap ng totoo, kahit sa GMA, TV5, it’s so hard to find, that’s one thing I learned.

“Pero ngayon, nakakahanap ako.

“I’m only in the business for one year and nine months, nakakahanap ako ng mga taong totoo, kaya ayoko nang lumipat.”

Sinu-sino ba yung mga totoong taong nahanap na niya?

Inisa-isa ni Arjo, “Sina Enchong [Dee], Empress [Schuck], Joseph [Marco], Bryan Santos, at Kaye Abad—mabait, mabait sa akin.”

Para kay Arjo, hindi raw niya maitatanggi na masarap ang pakiramdam na may mga nakakakilala na sa kanya ngayon bilang parte ng trabaho niya.

Sa pag-aartista niya, ano naman ang mga nabago pa sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala naman, may mga pinapabago lang sa akin na mga lifestyle, mga personal stuff lang na dati kong ginagawa.”

Katulad ng anong lifestyle niya?

“Mga inom-inom sa public, although hindi naman po ako yung umiinom talaga.”

Mahilig din ba siyang magpunta sa mga bar tulad ng Privé, kunsaan may nangyari eskandalo kailan lang?

“Ay, hindi ninyo po ako makikita sa mga ganoon. High school ako, nabugbog sa ganoon.

“Weird nga, e. Noong high school, halos every weekend, umaga na ako umuuwi, pumapayag sila [mga magulang].

“Inuman lang. But, definitely, pagdating ng college, nagsawa na. So ngayon, sa bahay lang ako.

“Nagpunta na nga rito sina Enchong, tambay lang kami sa taas.”


BOLD AND DARING. Ang ibang baguhan at batang artista ay napapasabak sa mga daring roles, handa na rin ba siyang magpa-sexy?

“Not now,” sabi ni Arjo.

Esplika pa niya, “Siguro kung papagpaseksihin ako, Cosmo muna."

Ang tinutukoy ni Arjo ay ang Cosmo Bachelor Bash, ang taunang event ng Cosmopolitan Philippines, kung saan rumarampa ang piling mga lalake, habang tinitilian sila ng audience.

“Parang may konting exposure, then indie… ayokong mabigla.”

Sa palagay ba niya, kailangang daanan ng isang actor ang magpa-sexy?

“Hindi naman po, it’s not necessarily na kailangang magpa-sexy.

“Kung panahon mo naman talaga, panahon mo.

“Kahit anong gawin mo, kung hindi mo time, hindi mo time.”

Sabi pa niya, “Although, as of now, I don’t really know.”

Yung ginawa nina Jake Cuenca at Joem Bascon sa Lihis, kaya niya?

“Ay hindi po, hindi ko po kaya yun. Noong kinuwento po sa akin ni Joem, that’s too wild for me.”


WISH FULFILLED. Sa Pure Love, parang nabigyang katuparan ang sinasabi ni Arjo na makapareha ang matagal na niyang crush na si Alex Gonzaga.

Papuri niya sa host-actress, “I admire her… ayoko kasi ng sobrang pretty na seryoso, ayoko ng ganoon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang nakikita niyang iba kay Alex?

“Tao siya, e, tao siya, totoo siya. Kung may gusto siyang sabihin, sasabihin niya.”

Kailan pa nagsimula na crush niya si Alex?

“Ang tagal na, sobrang tagal na,” pag-amin niya.

“I admire her, hindi as crush. I just admire her lang talaga.”

Kaya ba sila ginawang magkapareha sa Pure Love ay dahil sa mga naglabasang balita na crush niya nga ito?

“Hindi naman, hindi naman po.

“Sa tingin ko, nagkataon lang din po talaga na nagkasama kami sa isang show.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN