KC Concepcion ignores bashers: "Hindi siya makakatulong sa growth ko bilang tao, bilang babae, bilang aktres."

KC Concepcion on being compared to mom Sharon Cuneta: "For me, it’s the spice of life na makakita naman kayo ng iba. E, di nanay ko na lang ang panoorin ninyo kung yun lang din ang gagawin ko, di ba?"


Ayon kay KC Concepcion, mas nahirapan siya sa kissing scene niya kay Laguna Governor Jeorge "ER" Ejercito kumpara sa fight scenes niya sa pelikulang Boy Golden: The Boy Porcuna Story.

Saad ng actress-TV host, “Mas madali yung action kaysa sa mga kissing scenes.

"I have to be honest, nag-usap-usap muna talaga kami nina Direk Chito [Roño] at ng EP [executive producer] namin, at saka ni Gov at saka ako.

"Talagang pinag-usapan namin yung limitations. Pinag-usapan namin yung willing akong ibigay sa mga scenes.

“And siguro, we came to a mutual decision na hindi ito pangkilig.

"It’s more of yung pinagdaanan talaga ng character ni Marla Dee [her character in the movie] and ni Boy Golden... yung separately, more than it is yung love story, yun.

“Saka maganda, gentleman siya [ER]. I’m thankful na sinunod naman niya yung nire-rehearse.

"And at the same time, wala siyang pinilit na eksena na unnecessary naman doon sa story."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si KC sa presscon ng Boy Golden noong Martes, December 17, sa Zirkoh, Tomas Morato, Quezon City.

KC’S DILEMMA. Bakit siya nahirapan sa kissing scene?

Paliwanag ni KC, “Siyempre, merong factor na... in-admit ko na naman din na it’s very different for me, because he’s almost the same age as my parents. If not, maybe a bit older pa."

Si KC ay 28 years old pa lamang, samantalang si ER ay 50 years old.

Ang mga magulang naman ni KC na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ay 47 at 49, respectively.

Patuloy ni KC, “Though I know na sa totoong buhay, may mga relationships na ganun, hindi ko pa na-experience yun.

"Hindi pa ako nagla-love scenes talaga.

"Sa lahat ng mga daring roles ko, wala pa talaga akong love scenes.

“This wasn’t the place na mag-love scene, kasi feeling ko, action-drama naman siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman siya yung romance movie or anything."

Pumayag ba siya sa kissing scene dahil sa mismong project o kay Direk Chito?

Sagot ni KC, “Oo naman, dahil kay Direk Chito.

"Pero the movie called for it naman, e.

"Kahit paano, nagkaroon sila ng atraksyon dahil pareho silang kakaibang mag-isip.

"May killer instinct yung dalawa. Tapos na-in love, dahil nga, parang, yung passion, sa pag-fight nila, action scenes, parang nailalabas nila sa isa’t isa. Parang ganun.”

Nasilip lang daw ni KC ang ginawa nilang kissing scene ni Governor ER.

“Kasi sinasabi ko kay Direk Chito na kung puwede akong umupo sa editing.

"Kasi gusto kong makita kung paano nila ini-edit yung movie at saka sa dubbing.

"Siyempre, nakikita mo yung mga eksena sa dubbing.”

Nilinaw naman ni KC na hindi kasing tindi ng kissing scene nila ni ER ang kissing scene ng gobernador kay Carla Abellana sa Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story (2011).

“Hindi yun ganun.

"Iba rin naman ang characters namin.

"Yung character ni Carla sa Asiong Salonga was submissive, martir. Talagang yun ang role niya.

"Wife siya doon, di ba? Asawa na naghihintay lang na bumalik si Asiong Salonga sa bahay.

“Kami, iba. Active din si Marla Dee, e.

"Lumalabas din siya, lumalaban siya. Pinipiglan lang siya ng mga lalaki kasi nga babae siya."

BASHERS. Kung ang ina ni KC na si Sharon Cuneta ay nakilala sa wholesome roles, si KC naman ay kapansin-pansing nagiging daring sa mga proyektong tinatanggap.

Bukod sa kanyang kakaibang roles sa telebisyon at pelikula, nag-sexy pictorial na rin siya sa mga magazine at pati na sa iniendorsong liquor brand.

Dahil dito ay inaatake siya ng ilang bashers sa social media.

Pero ayon kay KC, “Oo nga, e. Hindi ko rin puwedeng pakinggan kasi ang mga bashers, kasi yun ang ginagawa nila—ang mang-bash.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi siya makakatulong sa growth ko bilang tao, bilang babae, bilang aktres.

"Pag may mga ganyang bashers, ang hirap pakinggan.

"Ano namang wisdom na mapupulot mo sa basher, di ba?

"And I think, meron naman akong mga taong nakapaligid sa akin na they tell me yung kailangan kong marinig."

Dagdag pa niya tungkol sa bashers, “Mahirap kasing magre-react kasi hindi nila ako kilala. Saka hindi mo rin alam kung nasaan sila, e.

"Pero minsan, kilala mo rin. Kilala ko na ito, paulit-ulit na lang yung issue.

"Wala namang pinanggalingan, pinipilit i-brainwash yung mga tao na may ganitong nangyari kahit wala naman.

“So, sabi nga ni Tito Tonton [Gutierrez] kanina tungkol sa mga bashers... nagbubulungan nga kami habang nasa harap ng press...

"Sabi niya, ’Alam mo, when you know the truth, deadma. Parang hindi ka naman nila kilala. At baka mapahiya sila kapag nakilala ka nila at hindi ka ganun.’"

Nagsalita rin si KC tungkol sa pagkukumpara sa kanila ng kanyang ina pagdating sa mga role na ginagampanan.

“Tungkol naman po sa mga sinasabi nila na, ’Ay, anak ka ng Megastar!’ parang, for me, doon niyo rin ako ibahin.

"May mga roles ako na ginagawa na... although nakaalalay yung mga managers para hindi naman siya yung bold na or ibang genre.

“Nasa konteksto naman yung pagka-daring niya.

“So, wala, e. For me, it’s the spice of life na makakita naman kayo ng iba.

"E, di nanay ko na lang ang panoorin ninyo kung yun lang din ang gagawin ko, di ba?”

GLOWING. Sa kabila ng samu’t saring mga intriga sa kanya, sinabi naming kapansin-pansin ang glow at kasiyahan sa mukha ni KC ngayon.

Sagot niya, “Although maraming nagba-bash at kung anu-ano ang mga reasons nila, masaya yung feeling na, ’Hey, hindi na ako masyadong naapektuhan.’

"Hindi katulad nung dati na parang mamamatay ako sa sobrang pamba-bash nila sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi siguro, ang feeling ko, mas nakilala ako ng mga tao na.

"As time goes by, nakikita rin ng iba na hindi pala siya ganun, ganito pala siya.

"Natutuwa sila sa nakikita nila, sa nalalaman nila, about me.

“Dumating na rin yung time na seryosohin ako ng tao sa larangan ng pag-arte, sa trabahong ginagawa ko.

"Na hindi lang reality star na nandiyan lang, kasi sikat lang, sikat lang yung magulang. Yung parang meron akong contribution.

“Masarap yun as an artist na trinabaho mo at ni-recognize mo.

"Parang nakakatuwang isipin na, ’Ay, hindi lang pala ako wala lang dito.’"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN