Anne Curtis on her 2013: "It ended with a bang!"

Ito ang mensahe ni Anne Curtis sa entertainment press kaugnay ng kinasangkutan niyang kontrobersiya: “Sa mga hindi nagsulat, maraming-maraming salamat po. Sa mga nagsulat, God bless you na lang po.”


Ilang linggo pagkatapos lumabas ang kinasangkutang kontrobersiya ni Anne Curtis sa Privé Luxury Bar, nagpaunlak ito ng maikling panayam sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press sa set ng It’s Showtime kagabi, December 18.

Nagte-taping sina Anne para sa year-ender special ng kanilang noontime show sa ABS-CBN.

Hindi man direktang pinag-usapan ang tungkol sa insidente, natanong naman ng PEP kung paano ia-assess ni Anne ang kanyang 2013.

“It ended with a bang!” sabay tawa ni Anne bilang pagtukoy sa kontrobersiya.

“No… it was a great year still amid all the controversies.”

Read: PEP EXCLUSIVE Anne Curtis survives embarrassing night out with friends; says sorry and is forgiven, all on the same day

Nagpasalamat din ang TV host-actress sa suporta ng entertainment press.

“Sa mga hindi nagsulat, maraming-maraming salamat po.

"Sa mga nagsulat, God bless you na lang po,” sabi niya na may halong biro na.

Iiwan na raw ni Anne ang mga kontrobersiya ng 2013 at positibo niyang haharapin ang 2014.

“Definitely, 2014 is gonna be a better year. Moving on.”

Natanong din ng PEP ang Christmas plans ni Anne.

“Christmas plans… dito lang po with my family.”

How about New Year?

Sabi ni Anne, “We’re still planning, so let’s see what happens. We’ll see.

"Pero ngayon, we’re just excited na dadating si mommy para sa Christmas.”

Nakabase sa Australia ang Filipino mother at Australian father ni Anne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN