Rhian Ramos fulfills promise of liquidating funds raised from fansign campaign

Kahit may mga bumabatikos na iilan sa kanya, masaya pa rin si Rhian Ramos na nakatulong sa mga biktima ng super typhoon Yolanda. Naging matagumpay rin ang kanyang fansign campaign kung saan nakalikom siya ng pondo na umabot sa halos P90,000.


Inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Rhian Ramos ang kinalabasan ng kanyang fansign campaign para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Sabi ng 23-year-old actress, “It went so great!

"I’m so shocked. I was so shocked!

“Kasi, I only have so many good ideas, but this is one of them.

"And I’m really happy that it really turned out so well, and that people weren’t just sending me kunyari…

"Sabi ko, ’Kung gusto niyo magpa-fansign, P150.’ May mga magpapadala ng P30,00, P2,000... mga ganun.

“So, parang makikita mo na it’s not just gusto nilang may reward or gusto nilang magpa-fansign, but they really want to help.

"And that was… I’m just overwhelmed with the number of people, even from overseas, kasi ang daming mga OFW [Overseas Filipino Workers] ang nag-donate din.”

Nakausap ng PEP si Rhian sa special screening ng pelikulang 10000 Hours sa Greenbelt 3 Cinema 1 noong December 17, Martes.

SENDING HELP. Magkano naman inabot ang nalikom niyang pondo sa ilang araw niyang pagpapa-fansign?

Nakangiting tugon ni Rhian, “Siguro all in all, I probably got anywhere from P70,000 to P90,000.

"So, that was nice.”

Mula sa naipong pondo, gumawa ng paraan si Rhian para kaagad na makapaghatid ng tulong sa mga biktima ng bagyo.

Sabi niya, “Nung first day na na-collect kong money, bumili ako ng relief goods, repacked it, donated it to a government organization.

"On the second day, I went non-government organization naman para naman no matter what, aabot.

“Kasi ano, e, there were many talks going around… it’s so hard kasi, parang after everything that happened to our country, especially with our taxes natin, parang it’s so hard to trust na.

"You don’t know what’s happening, ang dami nang umiikot na stories, kung sa’n ba talaga napupunta, ganun-ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, just to make sure, I did my first donation sa government organization. The second, non-government.”

LIQUIDATION. Marami man ang pumuri, may iba ring bumatikos at kumuwestiyon sa Kapuso actress kung bakit sa personal bank account nito ipinadaan ang pera ng mga nagpa-fansign at nag-donate.

Read: Rhian Ramos offers fansigns to raise funds for typhoon victims; lashes back at bashers

Kaya naman tatlong linggo na ang nakakaraan, nag-post si Rhian ng kanyang litrato sa Instagram kung saan ipinakita niyang literal siyang nagko-compute ng mga kinita mula sa kanyang fansign campaign.

Nakasaad sa caption: “Doing some accounting for transparacy purposes.. i think i need to open a blog so i can post all this, i wasnt expecting quite so many pages and receipts. Oh well, only shows that many have donated, so its all still a good thing. Hah. Yay, math.”

Kuwento naman ni Rhian sa PEP, “I spent like four hours in Starbucks… accounting, nasa coffee shop lang ako.

"Yun naman, at first, I think it’s gonna be super easy to do the accounting.

"Nung una, I thought madali lang.

"Kasi I accepted through BDO and Paypal, so nakalagay naman kung ano yung pumasok at kung ano yung account activity.

“Kung magkano yung lumabas, kung magkano yung pumasok, everything is there na.

"Shocks, ang hirap pala!

"Kasi ang daming nagbigay on different days, may mga nagpahabol pa one day later.”

Ngunit sa kabuuan, kakaibang ligaya raw ang dulot na nakatulong siya sa kapwa niya.

Saad ni Rhian, “Very rewarding.

"Tsaka ano, it was nice that people were open to another way of raising money, kasi that was super out of the box.

"Kasi wala naman akong ibinenta na upfront na mahahawakan mong bagay, like selling clothes or anything.

“I just kinda tried raising money… wala, if they want to greet someone who is celebrating their birthday, ’Pakisabi Happy Birthday, ganyan, ganyan...’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN