PEPtalk. Eugene Domingo on kissing scene with Sam Milby: "Woohoo! The best!"

Eugene Domingo on kissing scene with Sam Milby: "The irony is, it’s the best kiss, but not on the lips." Watch this hilarious episode of #KimmyDoraonPEPtalk


Matapos ang ilang buwang pakikipag-usap kay Eugene Domingo, natuloy na sa wakas ang guesting nito sa PEPtalk.

At may bitbit siyang sorpresa para sa mga PEPsters: si Sam Milby!

Magkasama ang dalawa sa Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel, na siyang third and last installment ng karakter na unang pinasikat ni Eugene noong 2009.

Nang tanungin ni Rommel Llanes—associate editor ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at host ng episode—kung ano ang bago sa entry nila sa Metro Manila Film Festival, ang sagot ng bida:

“Comedy pa rin siya, of course! But this time, ang tawag sa kanya sa Comic Sci-Fi Porn."

Agad nakita ni Uge (palayaw ni Eugene) ang reaksiyon ng ilang tao sa studio, kaya dugtong niya, "So ’wag kayo masyadong ma-bother doon sa porn. Ang aming rating ay PG from MTRCB.”

Hindi kagaya ng dalawang naunang Kimmy Dora films, ang prequel ay sa ilalim ng direksiyon ni Chris Martinez, na siya ring screenwriter.

Paliwanag ng aktres, “Si Direk Joyce [Bernal] talaga ang magdidirek, but then, I think she said yes first to 10,000 Hours. Alam mo naman si Direk, may paninindigan ‘yan."



HIGH-TECH. Ipinagmalaki rin ni Eugene ang makabagong technology na ginamit nila sa pelikula, na siyang ginamit din sa ilang Hollywood movies, gaya ng Star Wars, Harry Potter, Inception, at Gravity.

Ang modula, paliwanag ni Uge, ay "isang motion controlled robotic camera mula sa United Kingdom. May kakayahan itong mag-replicate ng movement.

"Because kambal nga dito si Kimmy at saka si Dora, so we had to do a scene twice or thrice or four times.”

Pero dahil daw sa "camera system" na ginamit nila, nakakapag-interact ang kambal, at nagagawang hawakan o batukan ni Kimmy si Dora.

Samantala, naging excited siya sa idea na gawan ng remake ang pelikula.

Aniya, nakikita niyang sina Ryzza Mae Dizon, Kiray Celis, at Anne Curtis ang puwedeng gumanap sa role.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At siyempre, napag-usapan ang tambalang Uge at Sam.

Sambit ni Eugene, “I wish this is not the last time.”

Dagdag pa niya, “It’s so easy to like him.”



THE KISS. Sa dami ng naka-kissing scene niya sa pelikula, kumusta naman bilang kaeksena si Sam?

Napasigaw si Uge, “Woohoo! The best!

"The irony is, it’s the best kiss, but not on the lips.

"So, hindi pala talagang lagi sa lips ang masarap na kiss.”

Watch this hilarious episode of #KimmyDoraonPEPtalk, patikim pa lang iyan!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN