TV5 introduces 2014 shows amidst threat of work stoppage from employees

Naniniwala ang mga namumuno sa TV5 na maaayos ang gusot sa pagitan ng management at sa grupo ng unyon ng network. Kaya raw masayang ipinaalam nina Luchi Cruz-Valdes (kaliwa) ng News and Public Affairs at Wilma Galvante (kanan) ng Entertainment sa publiko ang mga bagong aabangan sa TV5 sa 2014.


Kasabay ng intimate dinner ng entertainment press at TV5 executives na sina Wilma Galvante (chief entertainment content officer) at Luchi Cruz-Valdes (News5 head) noong Miyerkules, December 18, ang mediation ng management ng istasyon at mga miyembro ng Associated Broadcasting Company Employees Union (ABCEU).

Sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, ginanap ang intimate dinner ng press, kasama sina Wilma at Luchi.

Sa opisina naman ng Department of Labor and Employment (DoLE) sa Intramuros, Manila, ginanap ang pag-uusap sa pagitan ng TV5 management at ng ABCEU.

Ito ay kasunod ng inihaing notice of strike ng ABCEU sa tanggapan ng DoLE noong Biyernes, December 13.

Read: TV5 employees threaten general strike after talks end in deadlock

Ayon kay Peachy Guioguio, public relations head ng Kapatid network, “Inaayos na siya.

“Actually, kahapon [December 17] at ngayon [December 18], nagkaroon ng mediation.

"As we speak, andun pa rin sila yata, nagmi-mediation.

"But management is really hoping that this will be settled before Christmas… because magpa-Pasko, e, para maayos na ‘to. Yun lang.”

Ayon naman kay Luchi, wala siyang alam sa mga nangyayari sa pagitan ng unyon at management.

“Wala akong kinalaman dun, promise. I mean, I don’t know... I don’t know.

“HR [Human Resources] is handling it. Management is handling it.

"We’re ready naman for any eventuality, kasi news kami, e.

"The news must go on, so we have a plan B in case it [strike] pushes through.

"But feeling ko, hindi naman siguro.”

Sa kasalukuyan, wala pang opisyal na pahayag ang Kapatid network kung ano ang kinalabasan ng mediation noong Miyerkules.



VERTICAL PROGRAMMING. Kahit may agam-agam sa maaaring kalabasan ng pag-uusap, nananatiling optimistic daw ang TV5 executives na maayos ang lahat.

Kaya naman inanunsiyo na nila ang kanilang mga bagong programa para sa 2014.

Kabilang dito ang mga bagong aabangan sa primetime at sa News and Public Affairs ng network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa panig ng entertainment, sinabi ni Wilma na iibahin nila ang timpla ng primetime sa pamamagitan ng tinatawag nilang “vertical programming.”

Paliwanag ng network executive, “Yung ibig naming sabihin sa vertical programming, na [yung] once-a-week programs, halimbawa ’pag Tuesday yung programa, makikita mo na siya ulit sa Tuesday na.

“Iba yung nangyayari gabi-gabi.”

Bakit ganito ang naging direksiyon nila sa kanilang programming?

Tugon ni Wilma, “Kasi may sports, e.

"Yung PBA [Philippine Basketball Association], nasa TV5 na rin siya.

"And PBA happens from Wednesdays and Fridays, from 8 p.m. to 10 p.m.

"So, hindi ka talaga makapag-straight programming doon.”

Dagdag pa niya, “But also, we want a different mix of programming on primetime.

"That’s why there’s entertainment, there’s sports, and then there’s news and information.

"Actually, balanced programming nga siya.”

Kabilang sa mga bagong programang aabangan sa 2014 ay ang daily tawa-serye na My Pirated Family ni Sharon Cuneta, kasunod ng matagumpay nitong primetime serye na Madam Chairman.

Bukod pa sa daily show na ito ni Sharon, magkakaroon din siya ng kanyang kauna-unahang weekly drama anthology sa istasyon, na pamamagatang Minamahal.

Sa Enero ay magsisimula na rin ang pagbibidahang daily teleserye nina Martin Escudero, Marvin Agustin, Neri Naig, at Bianca King—ang Obsession.

Magkakaroon din ng self-titled drama series si Jasmine Curtis Smith.

Bukod dito, may comedy shows ding bubuksan ang Singko.

Una na rito ang One Of the Boys ni Eula Caballero at Beki Boxer ni Alwyn Uytingco.

Sa kauna-unahang pagkakataon, magsasaman naman sa isang drama series sina Aga Muhlach at Derek Ramsay na may titulong My Brother’s Keeper.

Magbabalik naman si Congresswoman Lucy Torres-Gomez sa kanyang first love na gagawin sa telebisyon—ang pagsasayaw—via Celebrity Dance Battle.

Sa April 2014, mapapanood sa istasyon ang local adaptation ng sikat na U.S. TV series na My Pretty Little Liars.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagbibidahan ito nina Sophie Albert, Chanel Morales, Stephanie Rowe, at Daniel Lee (nakababatang kapatid ni Divine Lee).

Sa panig naman ng News and Public Affairs, sinabi ni Luchi na ilulunsad nila ang kakaibang documentary show na may pamagat na iDokyu.

Una raw mapapanood sa show ang kaso ng kanyang asawa na sumailalim sa stem cell operation.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN