KC Concepcion on winning an MMFF acting award: “It would be a really nice New Year or Christmas gift.”

KC Concepcion says she’s not really expecting to bag an award in the 2013 Metro Manila Film Festival. However, the female star of Boy Golden says, “Pero, if ever man na magbibigay, I would be thankful kasi medyo mahirap din naman ang naging role ko dito.”


Nagulat si KC Concepcion sa naging pahayag ni ER Ejercito na tingin niya ay mananalo ng acting award si KC sa gaganaping Metro Manila Film Festival.

Si ER—actor, producer, Laguna governor, at miyembro ng Estrada political clan na pinamumunuan ni Manila Mayor Joseph Estrada—ay co-actor ni KC sa pelikulang Boy Golden: The Arturo Porcuna Story.


Ang Boy Golden ay isa sa walong pelikulang kalahok ng film festival, na magsisimula sa December 25, 2013, at magtatapos sa Enero 7, 2014.

Sa press conference na inihanda para sa cast ng Boy Golden kamakailan, sinabi ni ER na kung hindi raw manalo si KC bilang Best Actress sa Gabi ng Parangal ng MMFF ay nadaya ito.

Nang sabihin ito ng entertainment media kay KC, sa iba namang press conference, nagulat ang dalaga, “Sinabi ni Gov?!”

Sunod pa niyang sinabi, “Hindi naman. Si Ms. Eugene po.”

Si Eugene Domingo ang lead actress ng comedy film na Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel.

Para kay KC, masaya na siyang mahilera sa iba pang mas kilalang artista.

Aniya, “Alam n’yo po, para lang mahilera nang ganun... Parang dati, pinapanood ko lang si Tita Eugene.

“Totoo po talaga! As in, I never expected din naman yun mga award kasi sanay ako sa pagiging Star of the Night.”

Ang Star of the Night sa MMFF Gabi ng Parangal ay ibinibigay sa artistang pinaka-makinang ang kagandahan at porma sa okasyong iyon.


PHYSICALLY CHALLENGING. Sa hiwalay na panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media, naikuwento ni KC ang hirap niya sa ilang action scenes ng pelikula.

“Physically, ito ‘yong pinaka-challenging,” aminado si KC.

“Physically, siya ‘yong pinakamahirap na ginawa ko, kasi nag-training din ako for martial arts and firing.

“Para lang masanay lang ako humawak ng baril, masanay akong manipa, mambugbog, para di ako mapagod masyado sa shooting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, may training din ng exercises din at saka concept ng martial arts.”

Pag-ulit pa ni KC, “It’s the most physically challenging sa lahat ng roles ko.

“Before pa kami sumalang in front of the camera kasi, three months na rin kaming nagte-training.

“Siguro in terms of preparation, ito ‘yong nag-commit talaga ako.

“Physically, siya ‘yong challenging.

“Pero, siguro, compared sa mga teleserye, parang okay na rin siguro ‘yong ginawa namin.

“Iba rin kasi kapag pelikula. Mayroon pa siyang pinanggagalingan na mabigat.”

Dahil sa mga pinagdaanan niyang ito, inaasahan ba niya kahit papaano ang makakamit ng acting award?

“It would be a really nice New Year or Christmas gift—sana.”

“Pero, mataas ang respect ko sa ibang artistang matagal nang nandito.

“Sino ba naman ako para mag-expect?

“Pero, if ever man na magbibigay, I would be thankful kasi medyo mahirap din naman ang naging role ko dito,” sagot ni KC.

Gaganapin ang Gabi ng Parangal sa Meralco Theater bukas, December 27.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN