Carlo Gonzalez recalls memorable bonding moments with Marian Rivera in family gatherings with cousin Dingdong Dantes

Character actor Carlo Gonzalez narrates how Marian Rivera has become a fixture in the family gatherings of Dingdong Dantes and his cousins: “Yes, lagi na siyang nasa family. Tuwing katatapos ng dinner [Noche Buena], laging may bonding-bonding. Si Marian ang nagluluto ng mga pulutan. Masarap magluto si Marian. Ka-bonding namin siya... mahilig kasi si Marian mag-asikaso.”


Sa nakaraang Christmas party ng PPL Entertainment Inc. para sa showbiz press noong first week of December, isa sa mga artistang dumalo ay ang character actor na si Carlo Gonzalez.

Baguhan pa lamang si Carlo sa showbiz, pero mabilis siyang napapansin ngayon dahil sa pagiging epektibong kontrabida niya, base sa napapanood na mga eksena niya sa Kapuso serye na Genesis.

Ang bidang aktor ng Genesis, si Dingdong Dantes, ay pinsang buo ni Carlo. Ang ama niya at ang ina ni Dingdong ay magkapatid.

Bilang magpinsan, hindi ba naiilang si Carlo na magkatunggali sila ni Dong sa mga eksenang kailangan nilang direktang magtunggali, bunsod ng mga taliwas na simulain?

Simple lang ang naging sagot ni Carlo sa pag-uusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal)

“Hindi naman, kasi parang nung mga bata pa kami [ni Dingdong], ganun din ang mga laro namin,” saad niya.

Sa kuwento ni Carlo tungkol sa Genesis, siya, bilang si Waldo Velasco, ay kakampi ng mga corrupt government officials, at si Dingdong, bilang si Isaak, ay panig sa matuwid na landas ng pamamahala.

May mga eksena pa ngang ang karakter ni Carlo ang nagto-torture kay Dingdong.

Kung tulad ito ng mga laro nila noong bata pa sila, paano isasalarawan ni Carlo ang mga pangyayari?

“Nagbabaril-barilan kaming magpipinsan,” sabi niya.

“Minsan, may mga juice kaming ginagamit, kunwari dugo, kapag natatamaan kami [ng bala ng baril-barilan].”

At sa pag-arte sa harap ng kamera, sa mga action scenes, sabi rin ni Carlo, “In a way, bumabalik yung childhood days namin.”

CHRISTMAS WITH THE FAMILY. Ngayong Pasko, tiyak si Carlo na magkakasama uli sila ng kanilang angkan; hindi lang ang pamilya niya, kundi ang maraming kamag-anakan.

“Christmas is with the family. You have to spend moments like this with the family,” diin niya.

Kabilang na raw sa pamilya, o angkan ng mga Gonzales at Dantes, ang popular actress-girlfriend ni Dingdong na si Marian Rivera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento niya, “Yes, lagi na siyang nasa family.

“Tuwing katatapos ng dinner [Noche Buena], laging may bonding-bonding.

“Si Marian ang nagluluto ng mga pulutan.

“Masarap magluto si Marian.

“Ka-bonding namin siya... mahilig kasi si Marian mag-asikaso.

“Lalo na’t magkakasundo silang tatlo—Marian, Rochelle [Pangilinan, former Sexbomb Dancer] at Luanne [Dy].”

Ang girlfriend ni Carlo na si Luanne ay isa sa mga newscasters ng GMA-7, at kabilang din sa cast ng Genesis.

“Si Rochelle, girlfriend ni Arthur [Solinap] na pinsan din namin.”

Kuwento pa ni Carlo, “Pag magkakasama kaming boys, magkakasama rin silang girls.

“Nung mag-Macau kami recently, all-boys yun—kaming magpipinsan, kasama yung dad at kapatid ko.

“Naiwan yung mga girls dito. Sila naman yung nag-bonding dito. Sandali lang naman.”

PEDRO CALUNGSOD. Kung sa Genesis ay kontrabida ang papel na ginagampanan ni Carlo, sa Pedro Calungsod: Batang Martir, siya naman si Padre Tomas de Cadino, ang isa sa mga missionaries na kanang-kamay ng namuno sa misyon, si Fr. Diego (Christian Vasquez), at naging dahilan sa pagiging martir at santo ni Pedro Calungsod (Rocco Nacino).

Isa sa mga entry sa 2013 Metro Manila Film Festival ang Pedro Calungsod biopic na idinirek ni Francis O. Villacorta.

“Markado ang role ko, kasi kami ni Fr. Diego, we started the mission—sa Guam muna, then pumunta sila sa Pilipinas [noong mga unang siglo ng Katolisismo].

“Nung namatay na sina Fr. Diego at Pedro Calungsod, yung character ko, nanatili, nabuhay siya to tell the story [of Pedro Calungsod’s martyrdom].

“It’s my story to tell and I’m very thankful. Very fortunate ako to be given such a role,” sambit pa ni Carlo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN