Joem Bascon happy to build own image as character actor; admits "Piolo Pascual look-alike" tag boosted his acting career

Joem Bascon on the upside of being tagged as a Piolo Pascual look-alike when he was just starting out in showbiz: “Hindi naman po siya naging hindrance [sa career ko]. Advantage pa nga po dahil nagkaroon ng ingay nung time na ’yon. Nagtuluy-tuloy din yung blessings sa akin; nagkasunud-sunod po.”


Malayang nababanggit ni Joem Bascon ang tungkol sa kanila ng ex-girlfriend niyang si Meryll Soriano, kahit masaya na siya ngayon sa kanyang relasyon sa non-showbiz girlfriend.

“Minsan, pag nagkikita kami, nagbabatian naman po kami,” kuwento ni Joem sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) recently.

“Wala naman pong problema... nagkaka-’Hi! Hello!’ pa naman po. Minsan, nagkukuwentuhan, pag nagkikita.

“Pero, siyempre, most of the time, may work siya, may work ako.

“Iba na yung mundo ko, iba na yung mundo niya.

“Ang pangit naman kung magiging bitter [kami sa isa’t isa], kasi may pinagsamahan namang maganda.”

Mahigit din daw isang taon silang naging magkarelasyon ng young actress, pero ayon kay Joem hindi nila napag-usapan noon ang tungkol sa marriage.

Pagbabalik-tanaw niya, “We took our relationship by the day.

“Ngayon po, may girlfriend ako, non-showbiz.

“Okey naman po. Very open naman po ako sa ganyan.”

NON-SHOWBIZ GIRLFRIEND. Hindi ba sagabal sa kasalukuyan niyang relasyon ang nakaraan niya?

“Ay, hindi po,” mabilis na tanggi ni Joem.

“Ano po siya, very private person.

“Hindi po siya nagdu-dwell sa past. Ang importante sa kanya, lagi kaming nagkakasama.

“Ga-graduate pa lang po siya [sa college], sa CSB [College of St. Benilde].”

Export Management daw ang kursong matatapos ng kanyang nobya, na hindi na rin gustong banggitin ni Joem ang pangalan.

At tiniyak ng aktor na hindi papasok sa showbiz ang kanyang 25-anyos na girlfriend.

Mabilis ding nagdepensa ang hunk actor na hindi naman niya sinadya na non-showbiz ang naging nobya niya ngayon.

“Nagkataon lang naman po yun.

“Ang pagmamahal naman po kasi, hindi mo mapipili kung ano’ng darating sa buhay mo; kung pang-showbiz or non-showbiz,” seryosong wika din ni Joem.

Pang-ilang girlfriend na niya ang college student from CSB?

Aniya, “Siguro po, pang-apat na seryoso.

“Masaya naman po ako sa relationship [namin ngayon].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BLESSED. Banggit pa ni Joem, “Before Meme [palayaw ni Meryll], may dalawa pa akong naging girlfriends na non-showbiz.

“Si Meme lang ang taga-showbiz.”

At hindi naman daw sa nadala siya na magkaroon uli ng showbiz girlfriend pagkatapos ng breakup nila ni Meme.

“Hindi naman po, kasi naki-mingle din naman po ako [sa mga taga-showbiz],” paglinaw niya.

Wala pa ba silang planong magpakasal ng kanyang current girlfriend?

“Not yet. Work muna po. Ipon. Kailangan po, e,” sabi ni Joem.

“Tumigil po kasi siya, for a while, sa studies niya.”

Meanwhile, ang concern naman ni Joem sa ngayon ay ugnay sa kanyang personal na buhay at career.

“Masaya naman po. Happy. At least, blessed with work. Blessed with lovelife,” sambit niya.

MMFF MOVIES. Sa darating na Metro Manila Filmfest 2013, na magsisimula sa December 25, on Christmas Day, mapalad si Joem na maging tampok sa dalawang main competition entries, ang Boy Golden: Shoot-to-Kill ni Gov. ER Ejercito at ang 10,000 Hours ni Robin Padilla.

Ayon kay Joem, “Sa 10,000 Hours, ako yung batang Michael de Mesa; kapatid ako ni Alden Richards, na batang Robin Padilla.

“Mga flashback-flashback kami.

“Sa Boy Golden, ako naman po yung isa sa mga kaaway ni Arturo Porcuna [head gangster, portrayed by Gov. ER]. Bale ako po si Pareng Warren,” pagtukoy ni Joem.

Kahit naging busy ang kanyang showbiz schedule, hindi naman nagrereklamo si Joem, kahit halos wala na siyang panahon para maghanda para sa darating na Kapaskuhan.

“Busy po, pero okay na din yon, at least, blessed po for the holiday season, for the coming year,” pagpapasalamat niya.

MOVING OUT OF PIOLO’S SHADOW. Bukod sa dalawang pelikulang tinampukan, na sabay mapapanood sa MMFF duration, simula sa December 25, agad ding mapapanood si Joem sa pagpasok ng taon, sa bagong teleserye sa ABS-CBN, ang Legal Wife.

“Next year po yun,” aniya.

Wala pang sampung taon sa showbiz si Joem, pero masaya siya sa kasalukuyang estado ng career niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagsimula siya noon, bilang mala-’bagets’ na ka-loveteam ni Eda Nolan sa light romance-drama, titled Love Spell, with Diether Ocampo and Kristine Hermosa.

“Partner ko pa si Eda Nolan, si Direk Andoy [Ranay] pa noon [ang direktor].”

At nangingiti si Joem ngayon, kapag nababanggit ang panahong sumikat siya bilang “look-alike” ni Piolo Pascual.

“Now, hindi na! Hindi na... puro character roles na po ang ginagawa ko,” banggit pa niya.

Looking back, masasabi ba ni Joem na naging disadvantage sa kanya ang pagiging “look-alike” niya ni Piolo?

“Hindi naman po siya naging hindrance [sa career ko].

“Advantage pa nga po dahil nagkaroon ng ingay nung time na ’yon.

“Nagtuluy-tuloy din yung blessings sa akin; nagkasunud-sunod po.”

Hanggang marating niya ang estado ng pagiging premyadong aktor.

“Magaganda po yung nasulat na materyal [para sa akin],” pasasalamat din ni Joem.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN