Vina Morales to focus on raising Ceana alone; plans to bring salon business abroad

Masaya si Vina Morales sa papel na ina ng anak na si Ceana. Sa ngayon daw, kay Ceana niya ibinubuhos ang kanyang atensiyon kapag walang trabaho. Hindi rin daw nito ino-obliga ang former boyfriend na si Cedric Lee, na sustentuhan ang kanilang apat-na- taong-gulang na anak na babae. Vina says her lovelife can wait.


Natutuwa si Vina Morales na bahagi siya ng Maria Mercedes, ang teleseryeng nagsimulang umere sa ABS-CBN nitong huling bahagi ng 2013.

Gumaganap si Vina bilang ina ni Jessy Mendiola sa istorya, at okay lang daw sa kanya ang mother role dahil marami ang pumupuri sa kanyang performance.

Thankful din daw siya sa mga namumuno ng kanyang home network, ang tinatawag na Kapamilya network, dahil nabigyan pa rin siya ng proyektong akma sa kanyang kapasidad.

Dahil sa mga blessings sa kanyang career, nararapat lang daw na mamahagi siya sa iba. Kaya nitong noong Pasko, inaasahang napasaya nga ni Vina ang mga miyembro ng pamilya niyang nabiktima ng super typhoon Yolanda sa Tacloban.

Ito talaga ang plano ni Vina noong nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) bago pa ang Kapaskuhan.

“Talagang sa bahay lang kami. Kasi unang-una, kasama namin yung lola ko, yung uncle ko from Tacloban, yung pamangkin ko.

“Kasi lahat sila, dito muna sa Manila e, kasi wala pang magagawa pa masyado dun sa Tacloban.

"Alam naman natin na nag-ii-start ulit lahat ng mga tao dun, nagbi-build ulit ng bahay.

"So, ngayon ang Christmas namin, buo yung pamilya namin, magkakasama-sama kami, except yung sister ko na nasa States ngayon, tsaka yung dalawang pamangkin ko.

“Kami lahat magkakasama-sama on Christmas and New Year. Happy ang aming Christmas!”

NEW YEAR GOALS. Bukod sa pagiging singer at aktres, successful businesswoman na rin ang dilag mula Cebu.

Kaya raw sa darating na 2014, ang gusto ni Vina ay mapalawak ang salon business ng pamilya, ang Ystilo Salon; at ang online business na sinimulan niya para sa apat-na-taong-gulang na anak na si Ceana, ang KikayKid.com.

Aniya, “Uhm, I want Kikay Kid to be very successful.

"Sa business, to open more branches for Ystilo Salon, and have our own product ng Ystilo na hindi lang sa Ystilo namin mabebenta kundi outside.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And to have a salon outside the Philippines. Yun din naman talaga ang goal namin, kaya lang ang hirap, nagni-negotiate pa rin talaga kami ngayon. So yun yung mga plano ko sa business side.

"Sa career, I’m just going with the flow kung ano yung mga plano ng ABS-CBN sa akin.”

Single mom si Vina, pero masaya raw siya sa pagpapalaki niya nang nag-iisa sa kanyang anak. Hindi na rin daw nito ino-obliga sa sustento ng bata ang ama ni Ceana na si Cedric Lee.

Sa ngayon, kay Ceana raw siya naka-focus, kaya ang love life niya ay ipinaubaya na lang daw niya sa takbo ng panahon.

Kuwento pa ng 38-year-old singer-actress na may halong halakhak, “Sa love life, I’m going with the flow na rin. Ano naman ang magagawa ko, di ba?

"I mean, I go out on dates, but lately wala, e. Parang ngayon yata you just have to go with the flow, kung ano yung maibibigay...

"Kung meron talagang para sa ’yo, well—it’s really the right time and if the right guy is there.

“But if none, huwag na lang. Sakit lang sa ulo, di ba? So, concentrate na lang ako sa anak ko for now.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN