KC Concepcion lets on she’s ready to be giddily in love again, but whether it is with Paulo Avelino or Luis Manzano is anybody’s guess

KC Concepcion has learned to take romance in stride: “Bilang babae po siguro, normal naman yung maramdaman yung ganun at matagal-tagal na rin akong hindi pa nakakapag-commit ulit, so I would be happy to be in a relationship again. Pero, hindi naman po ako yung tipo ng girl na desperadang magkaroon ng partner or anything. But siguro alam niyo naman po ang nangyayari sa relationship, parang lalaki ang napi-pressure sa relationship kasi gusto nang mag-commit ng isang babae. Ang n


Isang daring at mature role ang ginampanan ni KC Concepcion sa 2013 Manila Filmfest entry na Boy Golden: Shoot-To-Kill, bilang leading lady ni Laguna Governor Jeorge “E.R.” Ejercito na gumanap sa title role.

Bukod dito, gumanap na si KC bilang bida-kontrabida sa teleseryeng Huwag Ka Lang Mawawala ng ABS-CBN at nag-pose na ng sexy para sa isang men’s magazine.

Naging curious tuloy ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment media na dumalo sa grand presscon ng Boy Golden: Shoot-To-Kill, noong Martes, December 17, sa Zirkoh, Tomas Morato Ave., Quezon City, kung ang mga ito ay sarili niyang kagustuhan.

Inalam ng veteran entertainment writer na si Gorgy Rula kung ito ba ay pinlano ni KC para makaiwas sa anino ng ina, ang Megastar na si Sharon Cuneta, at maipakita sa publiko ang sarili niyang kakayahan bilang artista.

Sagot ni KC, “Kung ganun po siguro ang plano from the start, siguro nag-change na agad ako. Pero nagsimula pa rin ako sa wholesome na love stories, parang ganun.

“Parang dumating na lang po siya. Siguro dahil na rin sa personality natin, na kahit paano ay mas artistically inclined po tayo.

"So, kahit paano ay mas free ang ideas ko at hindi siya laging nasa safe zone.

“Hindi naman siya planado, siguro dumating na lang na ganung project, may naisulat na ganitong pelikula, at naging interested po ako.

“O katulad ng sa Huwag Ka Lang, parang sina Ate Juday ang nag-decide na, ’Parang bagay ito kay Kristina.’”

Kristina Cassandra ang buong pangalan ni KC. Si Ate Juday ay walang iba kundi si Judy Ann Santos, na matalik na kaibigan ni Sharon.


ON MOM SHARON. Napabalita noon na may pinagdaraanan sila bilang mag-ina. Kinumusta namin ito sa kanya.

Pahayag naman ng 28-year-old actress, “Opo, kasi kami po ni Mom, kasi nineteen years yung agwat namin, so parang may way na parang sumasabay yung milestones namin sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung turning points sa buhay namin, kasi parang we grew up together na rin.

“So, maraming times na yung generation gap namin, minsan magkalapit, may times na nararamdaman namin na ibang generation na talaga.

“So, may times na hindi kami nagkakaintindihan, pero normal naman po yun sa mag-nanay.

“So, wish ko talaga sa kanya na maging successful ang kanyang teleserye at magkaroon pa siya ng projects na makaka-inspire sa kanya dahil love na love niya talaga ang magtrabaho.

“Para siyang magkakasakit kung hindi siya magwu-work... workaholic talaga.”




LOVELIFE FORECAST FOR 2014. Napag-usapan din ang tungkol sa personal na buhay ni KC—lalo na ang kanyang lovelife.

Sa ngayon, nali-link siya kay Paulo Avelino at sa anak ng Star for All Seasons at Batangas Governor Vilma Santos na si Luis Manzano.

Sa darating na 2014, gusto na ba niyang magka-boyfriend?

“Ah, oo,” nangingiting sagot niya.

“Gusto ko na ring kiligin.

“Bilang babae po siguro, normal naman yung maramdaman yung ganun, at matagal-tagal na rin akong hindi pa nakakapag-commit ulit, so I would be happy to be in a relationship again.

“Pero, hindi naman po ako yung tipo ng girl na desperadang magkaroon ng partner or anything.

“But siguro alam niyo naman po ang nangyayari sa relationship, parang lalaki ang napi-pressure sa relationship kasi gusto nang mag-commit ng isang babae.

“Ang nangyayari po sa akin ngayon, parang baliktad—ako yung tipong napi-pressure, ayoko yung maging masyadong serious in a relationship.

“Pero, nangyayari siguro yun dahil sa dami ko nang napagdaanan na rin.

"Ayaw ko nang masaktan nang ganun kaya siguro nagiging careful din ako.”

Pero hindi raw ibig sabihin nito ay na-trauma na siya sa pakikipagrelasyon sa opposite sex.

Depensa ng megadaughter, “Hindi po, get over lang po yun.

“Naka-move on na ako. Mas careful ako na duma-dive ako kaagad.”

Tungkol naman kina Paulo, Luis, at iba pang nali-link sa kanya, kanino ba siya talaga malapit?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa kanilang lahat po?” nag-aalangang sabi niya.

“Kina Luis at saka kay Paulo ako pinakamalapit.

“Dating? Yes.

“Very close ako sa kanila pero ayaw ko munang magsalita, ayaw kong gumulo. Baka kasi marami akong masyadong marinig na opinyon pero wala pa naman talagang namumungang solid.

“So, ayaw ko munang magsalita na masyadong maraming sinasabi about it.

“Diskarte ’yan ng ibang guys na friends muna.

“Lagi naman po kasi kaming magka-text ni Luis, pero lagi naman kaming nag-uusap ni Paulo.

“Wala namang serious. Ayokong sagutin na parang meron nang....

“Kinikilig ako,” sabay tawa pa niya.


AND THE BEST MAN IS? Kanino siya mas kinikilig sa dalawa?

Maikling sagot ni KC, “Ayoko, ayokong sagutin!”

Nabanggit sa isang panayam ng kanyang ama, ang aktor na si Gabby Concepcion, na boto siya kay Luis.

Obviously daw dahil magkakaibigan sila ni Vilma Santos.

Ano ang masasabi niya?

Aniya, “Nakikita ko kung bakit natatawa sa akin ang mga tao.

“Siguro po kalog si Luis at nag-guest ako sa Minute To Win It, at magkasundung-magkasundo kami.

“Galing din siya sa isang relationship, pero wala pang... Sasabihin ko naman sa inyo kung meron talaga, alam mo yun?

“Siguro, of course, I’m opening myself sa idea na ayokong tuldukan o i-limit. Pero, as time goes by, nakikilala’t nakikilala mo naman ang mga tao, so binibigyan ko rin sila ng panahon na makikila ko rin sila.

“Yun nga, ang masasabi ko lang ay hinihintay ko ang panahon na magiging reding-ready na ako na mag-commit, at masasabi ko nang, ’Heto na ang boyfriend ko’ ulit.”

Pati nga raw si Governor Vilma Santos ay boto rin sa kanya.

Muling nangingiting sagot niya, “Alam niyo, kakaunti lang siguro din ang mga anak na kilala ng mga tao, na kahit papaano na nandito pa sa industriya.

“Siguro dalawa kami ni Luis na nandito at halos pareho din kami—naghu-host din kami at magkasundo rin kami at halos kami ay magkaedad kaya nili-link kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


KISSING SCENE. Tapos nito ay napag-usapan ang kissing scene nila ni Gov. E.R. Ejercito sa Boy Golden.

Ano nga raw ba ang kaibahan ng halik ng isang action star sa halik ng sa isang damatic actor?

Paliwanag ng ngayon ay matatawag nang award-winning actress, “Yung pinanggalingan po ng istorya siguro.

“Basta, panoorin niyo ang movie kasi napaka-unpredictable ng mga nangyayari.

“Hindi siya tipikal na style na pagkuwento ng pelikula. Every scene magugulat ka na lang.

“Kinabahan ako sa kissing scene namin, kaya pinag-usap kami ni Direk Chito [Roño, ang direktor ng pelikula].

"Ppinagharap kami ni Direk kasama ang producer at iba pa, at nasabi namin ang mga limitasyon.

“Meron po akong limitasyon. Never pa akong nag-love scene. Hindi ito ang venue para sa first love scene ko kasi masyado siyang focused sa action-drama talaga.

“Hindi naman siya kilig factor or love story na movie,” paliwanag ni KC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN