Transit, Metro Manila, Ilo Ilo not in the shortlist of Oscar’s Best Foreign Language Film category

Walang alinman sa mga pelikulang may Pinoy subject ang nakapasok sa shortlist ng Best Foreign Language Film category ng Oscar Awards—Transit ng Pilipinas (main photo), Ilo Ilo ng Singapore (inset, top), at Metro Manila ng United Kingdom (inset, bottom).


Hindi nakapasok ang entry ng Pilipinas na Transit sa shortlist ng Best Foreign Language Film category para sa Oscars 2014.

Noong Biyernes, December 20 (U.S. time), ay inilabas ng Motion Picture Academy ang listahan ng siyam na pelikulang maglalaban-laban para sa limang slots ng final nominees para sa Best Foreign Language Film.

Ang Transit, na idinirek ni Hannah Espia, ay tungkol sa isang Filipino family sa Israel na labis na naapektuhan sa kautusang nagpapa-deport ng Israel-born children ng kanilang foreign workers.

Bukod sa Transit, may dalawa pang pelikulang may "touch of the Philippines" ang hindi nakasama sa shortlist.

Ito ay ang Metro Manila, na official entry ng United Kingdom, at Ilo Ilo na official entry naman ng Singapore.

Ang Metro Manila, na idinirek ng British director na si Sean Ellis, ay kinunan sa Pilipinas at nagtatampok sa Filipino actors na sina Jake Macapagal, Althea Vega, at John Arcilla.

Tungkol ito sa isang padre de pamilya mula sa probinsiya na dinala ang kanyang pamilya sa siyudad sa pag-asang magkakaroon sila ng mas magandang buhay. Nagkatrabaho siya bilang driver ng isang armored truck at nadawit sa isang heist.

Ang Ilo Ilo, na idinirek ni Anthony Chen, ay tungkol sa pagkakaibigan ng isang 10-year-old Singaporean boy at ng kanyang Pinay na tagapag-alaga (Angeli Bayani).

Ang siyam na pelikulang nakapasok sa shortlist ng Oscar 2014 Best Foreign Language Film category ay ang mga sumusunod:

The Broken Circle Breakdown, Belgium

An Episode in the Life of an Iron Picker, Bosnia and Herzegovina,

The Missing Picture, Cambodia

The Hunt, Denmark

Two Lives, Germany

The Grandmaster, Hong Kong

The Notebook, Hungary

The Great Beauty, Italy

Omar, Palestine

Ang limang nominees ay ia-announce sa January 16 (U.S. time), kasabay ng iba pang nominees para sa 86th Academy Awards.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN