Enrique Gil admits crush on Angel Locsin: “Oo naman, ano naman ang masama sa crush lang?”

Enrique Gil talks about his crush on Angel Locsin and her endearing qualities: “Pangalan pa lang... Angel. Hitsura pa lang.”


Nagulat daw si Enrique Gil na may inihanda palang Fans Day ang Cinema One para sa kanilang dalawa ni Julia Montes. Ginanap ito noong December 16 sa Trinoma Mall.

Pero kahit natunugan lang niya ang balita dalawang araw bago maganap ang event, masayang-masaya si Enrique nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press, dahil dumagsa ang tao sa Fans Day na iyon.

“Nakakatuwa kasi, kahapon, nag-show din ako sa Bulacan, ang dami rin tao. So, every time na nagsu-show ako, parang grabe, parang ang sarap sumayaw, ang sarap kumanta,” nakangiti niyang sabi.

Nararamdaman na nga raw niyang sikat na siya dahil kahit saan yatang lugar sa Pilipinas ay kilala na siya.

Bukod dito ay naging matagumpay din ang kanyang King of the Gil concert sa Smart Araneta Coliseum noong November 29.

“Mas napi-feel ko yung mga tao, na kapag nakikita ko, iba ang tuwa nila, e. Medyo, medyo napi-feel ko na yun.

“Kaya kapag lumalabas ako, lumuluhod ako sa tao sa sobrang dami. Sabi ko, salamat, lumuluhod ako,” saad niya.

May nagbago na ba sa kanya?

Sabi niya, “Wala, siguro, mas nag-e-enjoy lang ako ngayon.”

Exclusive talent na rin daw ngayon si Enrique ng Star Magic, mula sa una niyang manager na si Carlo Orosa.

NEXT BIG STAR? Ang taon na 2013, paano niya ito ilalarawan?

“My 2013, it was amazing,” tugon ni Enrique.

Pero sabi nga, kaakibat ng pagsikat ay ang pag-iingat sa kilos, sa mga pupuntahan, at sa image na meron siya.

Mas conscious ba siya sa mga bagay na ito ngayon?

“Hindi naman, hindi naman,” nakangiti niyang sabi.

Nararamdaman ba niya ang sabi-sabing siya’y ginu-groom ng Kapamilya network para maging “next big star?”

“Ewan ko. Wow! Talaga? Thank you ha,” nakangiti pa rin niyang tugon.

Dugtong din niya, “Siguro ano po, one of the puwedeng maging [next big star]…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WANTS TO BE PAIRED WITH SARAH G. Marami na rin siyang nakaparehang Kapamilya stars. Kung siya ang tatanungin, sino pa ang gusto niyang makapareha?

“Next po, I would like to be paired with Sarah Geronimo po.

“Why not, di ba? Si Sarah po, mahilig siyang mag-perform, mahilig siyang umarte. Nagku-concert siya, nagku-concert din ako,” paliwanag niya.

May nagsabing baka nabanggit niya si Sarah dahil may niluluto na ang ABS-CBN na proyektong pagsasamahan nila?

“Baka, baka lang,” sabi niya.

“Pero kasi, inisip ko rin, sino pa ba ang puwedeng i-pair sa akin na parang ako? Si Sarah! I mean, kumakanta, sumasayaw, di ba? We’re performers, artista, di ba?”

REACTS TO BASHERS. Nagbigay naman ng reaksyon si Enrique sa mga fans nila na nag-aaway-away sa social networks.

Ito ang mga fans ng loveteam nila ni Julia Montes at fans ni Julia Barretto, dahil nga sila na ni Julia Barretto ang bagong magkapareha sa bagong seryeng Mirabella.

Maraming mga fans ang nagba-bash kay Julia Barretto ngayon.

Depensa ni Enrique, “Ay, wala talagang magagawa. Kasi, noong concert day mismo, doon ko ini-announce sa press na gagawin ko ang Mirabella. So, doon nga nagwala ang mga fans.

“E, wala tayong magagawa, desisyon ng management.

“We can’t please everyone naman, trabaho lang naman ’to.

"Pero, sa mga fans namin ni Julia [Montes], kung puwedeng suportahan kami—sa show ko, si Julia sa show niya.

“Tapos, in the future, why not? For sure, magkakatrabaho naman kami in the future.”

Ano naman ang sinasabi niya kay Julia Barretto sa bashing na natatanggap nito?

Dagdag pa niya, “Sinabi ko sa kanya, sa lahat naman actually, sinabi [ko] na huwag mo na lang intindihin.

“Siyempre, hindi nila maiintindihan kasi nga, hindi nila alam ang nangyayari sa showbiz—sa desisyon nila, sa desisyon namin, sa management.

“So, sabi ni Julia [Barretto], ’Okay lang, okay lang, sanay na ’ko riyan.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Siya ba, naapektuhan pa rin kapag may mga nangba-bash?

Pag-amin ni Enrique, “Oo naman, siyempre, sino ba ang gustong nagkakagulo o nag-aaway? Siyempre, gusto mo lahat masaya.

"Pero, sabi ko nga sa mga fans, ’Guys, relax lang kayo, relax!’”

Nakikipag-usap din daw siya sa mga fans niya.

“Alam naman kasi nila from the start. Sa mga fans ko, sinasabi ko, ayokong nang-aapi sa [ibang] mga fans. Since before, alam na nila,” patuloy pa ni Enrique.

NO TIME FOR LOVE? Sa magagandang nangyayari sa career niya ngayon—at marami na rin siyang naging leading ladies— wala raw sa prayoridad niya ngayon ang magkaroon ng lovelife.

“Medyo, hindi ko pa… hindi ko pa alam, e. Wala pa akong drive na maghanap. Wala pa. Siguro, maraming tao na atat magkaroon. May ibang tao naman na relax muna.

“Parang masyado nang maraming pumapasok,” hinaing niya.

CRUSH ON ANGEL LOCSIN. Kailan lang, may sinabi siyang crush niya si Angel Locsin.

Hindi naman ito itinanggi ni Enrique.

Aniya, “Oo naman, ano naman ang masama sa crush lang? Marami naman tayong crush sa buhay.”

Ano ang nagustuhan niya kay Angel?

“Pangalan pa lang... Angel. Hitsura pa lang,” nakangiti niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN