MMDA chairman Francis Tolentino happy about huge turnout in Parade of the Stars; threatens to penalize artists not attending awards night

Maagang nagsimula ang Parada ng mga Bituin sa taunang Metro Manila Film Festivals kahapon, December 22. Maraming Pilipino ang nag-abang sa kani-kanilang idolo mula sa Mall of Asia grounds sa Pasay City, hanggang sa Quirino Grandstand sa Luneta, Manila.


Nagningning sa dami ng artista ang Parada ng mga Bituin, na siyang kick-off ng 39th Metro Manila Film Festival (MMFF), kahapon, December 22, 2013.

Nagsimula ito sa ganap na alas dos ng hapon sa Mall of Asia grounds, at natapos sa Quirino Grandstand.

Maaga ang pagdating ng mga floats ng walong entries na kinabibilangan ng Girl Boy Bakla Tomboy, 10,000 Hours, Pagpag: Siyam na Buhay, Kaleidoscope World, Boy Golden: The Arturo Porcuna Story, My Little Bossings, Pedro Calungsod: Batang Martir, at Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel.

Umambon man noong nagsimulang umusad ang parada, hindi nagpatinag ang libu-libong gustong masilayan ang iniidolong artista.

Tuwang-tuwa naman si Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Francis Tolentino dahil tuluy-tuloy pa ang pagbuhos ng mga tao sa kahabaan ng Roxas Boulevard at sa main stage ng Quirino Grandstand sa may Luneta.

Sana ay marami rin daw ang manood, gaya ng nangyari last year, para kumita ang mga pelikula. Saad ni Tolentino, “Mapantayan man lang, okay na yun.”

Bago mag-alas sais ng gabi, natapos ang parada.




GABI NG PARANGAL. Samantala, may mga anunsiyo ang MMDA chair na maaaring almahan ng mga tiga-industriya o ng public mismo.

May mga bagong rules daw na ipapatupad sa 2013 MMFF Awards Night si Tolentino.

Aniya, “Strict tayo dun sa mga hindi a-attend na mga artista. Mape-penalize sila. May penalty yun. Mapa-fine sila.

Hindi raw ang mga absent lang ang may multa kundi pati na rin ang mga gagawa ng eksena.

Dugtong niya, "...bawal na yung walkout-walkout, boycott-boycott, bawal na yung mga cry-cry dun sa backstage.”

Bakit nagkaroon ng ganitong panuntunan?

Tugon niya, “E, bago yung rules, bago. Ngayon ’yang 2013, kasi nga yung ginawa dati ni Mother [Lily Monteverde] nung 2012 ’ata, last minute, nag-walkout sila para maipakita…"

Hindi tinapos ni Tolentino ang kanyang sasabihin, pero ang tinutukoy niya ay nangyari noong 2011, kung saan na-disqualify ang entry ng Regal Films na Yesterday, Today, and Tomorrow, na manalo sa apat na kategorya: Best Picture, Best Director, Best Screenplay, at Gatpuno Antonio Villegas awards.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay dahil sa violation ukol sa pagpapalit ng script nang hindi binigyan ng abiso ang MMFF executive committee.

Dahil sa nangyari, ang sambit ni Mother Lily, "Baka sign na ’yon na hindi na ako mag-join sa film fest!" Pero nagkaayos din sila ni Tolentino noong January 2012.

READ Yesterday, Today, Tomorrow disqualified from four categories of the 37th MMFF

Sa pagpapatuloy ni Tolentino, "Kasi yung mga manonood natin, nagpakita ng pagkakaisa.

"’Tapos yung industriya hindi nagpapakita ng pagkakaisa, pangit naman yun. Suklian natin ng kabutihan at pagkakaisa ng mga manonood ng pagkakaisa rin at kabutihang asal.”


Hindi pa malinaw kung ano ang magiging reaksyon sa pagdidiktang ito ng MMDA sa showbiz industry.




HIGHLIGHTS AND SIDELIGHTS. Ngunit sa ngayon, ang Parada ng mga Bituin ang pinagtutuunan ng pansin ng marami.

Maagang namataan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Pedro Calungsod: Batang Martir stars na sina Jestoni Alarcon, Christian Vasquez, Juancho Trivino, at Alvin Aragon.

Kalaunan, sumakay na rin sa float nila ang bidang si Rocco Nacino.

Ani Rocco sa PEP, “Inaasahan ko na na maraming tao ang mai-inspire pag mapanood na nila ang movie sa December 25.

"Siyempre, it’s Christmas, birthday ni Jesus yun, and they wanna give back in any way that they can.

"Isa na rin ito sa paraan na puwede naming gawin na malaman yung kuwento ni Pedro Calungsod para ma-renew na rin yung faith nila kay God.”

Maaga ring dumating ang mga bituin na kasali sa pelikulang Kaleidoscope World, na sina Sef Cadayona at Yassi Pressman.

Kuwento ni Yassi, “Ang sarap ng pakiramdam, last year po nag-parade din po ako. Pero iba yung pakiramdam na nagparada kami para sa Kaleidoscope World. ’Tapos ang daming tao, ang saya talaga.”

Dagdag ni Sef, “Kelangan nila panoorin ang movie dahil dito nila makikita ang talent ng Pilipino sa larangan ng pagsayaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At napapanahon ito dahil dito ipinapakita ang pagbangon ng mga tao mula sa kanilang problema at hindi hadlang ang pagiging mahirap para abutin mo yung pangarap mo.”

Kulay berde naman ang mga damit nina Bossing Vic Sotto, Kris Aquino, at iba pang cast ng pelikulang My Little Bossings.

Sabi ni Vic, “Mainit pa ako, tapos na pala, e. Parang gusto ko pang magparada, e. Gusto ko pang balikan pa e kasi ang dami pa ring tao, e.”

Excited din daw siya para sa dalawang bagets na bida ng pelikula— sina Ryzza Mae Dizon at James "Bimby" Yap.

Dugtong ni Vic, “Excited ako lalo na for the future box office king and queen, Ryzza and Bimby.”

Nakausap din ng PEP si Ryzza. Aniya, “Ngayon, bawal ang sad, dapat maging happy kaya manood po kayo sa December 25 ng My Little Bossings.”

Nararamdaman niya na ba ang pagiging child superstar?

Ang inosenteng sagot nito, “Hindi ko po alam. Basta manood po kayo ha, bawal ang sad.”

Samantala, hindi nagpa-interview si Kris.

Ang Girl Boy Bakla Tomboy star namang si Vice Ganda ay napalibutan ng maraming marshals.

Nang hingan siya ng mensahe, ang tangi niyang sagot ay, “December 25 panoorin niyo po lahat. Thank you, Merry Christmas.”

Sa panig ng Pagpag, ngumiti lamang si Daniel Padilla sa press, at si Kathryn Bernardo naman ay nag-imbita para panoorin ang kanilang entry.

Ayon naman sa bida ng Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel, na si Eugene Domingo, “Mabilis [ang parada], natutuwa ako na number one float kami.

"At least marami pa kaming oras ngayong gabi para makapaghanda sa Pasko."

Paglalarawan niya sa event, "...maayos, payapa at lahat ng tao tuwang-tuwa sila na makakita ng maraming artista.

“Parang nangangailangan na talaga ng entertainment ang mga tao.”

Nakangiti naman si Robin Padilla ng 10,000 Hours nang sabihin niyang, “Magsaya naman tayo. Tama na muna ang kalungkutan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam niyo, matagal-tagal na akong hindi nakaranas ng ganito sa festival, kaya nagpapasalamat ako sa MMDA, sa Metro Manila Film Festival, at sa lahat po ng producers na kami po ay nakasali dito.”

Si Governor ER Ejercito ng Boy Golden:The Arturo Porcuna Story ay naka-gold suit.

“Ito ang paboritong amerikana ni Boy Golden nung siya’y dance instructor pa ng Manila Grand Opera House. Ito rin ang suot niya noong siya ay pinatay.”

Ayon naman sa kapareha nitong si KC Concepcion, iba daw pala ang pakiramdam nang makasakay for the first time sa float ng taunang festival.

Dati raw kasi, bawal siyang sumama sa inang si Megastar Sharon Cuneta.

Aniya, “Actually, oo nga po, e. Bawal po ako before sumama sa kanya. Kasi nga, sabi niya, ‘Maraming tao,’ at bata pa ako nun.

"Ngayon, ako na yung nandito, and it’s so nice.

"The feeling is so, so reminiscent [of that time], but at the same time bagong-bago kasi siyempre. Sa henerasyon ko ngayon, sa mga henerasyon naman namin, parang chance na rin naman namin ito na parang gumawa ng sariling amin.

"Yung mga ka-edad ko, yung mga younger sa akin, maganda rin na binibigyan ng chance na ma-experience yung mga na-experience din ng mga big stars dati.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN